PAGPASOK PA lang ni Glaysa sa back door ng unit ni Adam, narinig na agad niya ang pagsipol-sipol at pagkanta-kanta nito. Patingkayad siyang pumasok. She saw Adam in the kitchen. Nagluluto ito. Pasipol-sipol ito at masigla ang galaw. Halatang maganda ang umaga. Muntikan pa siyang mapabunghalit ang tawa nang sumayaw ito. Natigil ito sa pagsayaw. Siguro ay naramdaman na ang presensiya niya. “H-hindi mo iyon nakita, hindi ba?” hindi lumilingon na tanong niya. Naiimagine niya ang pamumula ng mukha nito. She giggled. “Nakita ko.” “No.” “Yes.” She laughed. Nilapitan niya ito at niyakap sa likuran. “And I think it’s sexy. You’re sexy.” Binigyan niya ng matunog na halik ang balikat nito. Humarap si Adam. Tulad ng hinala niya ay namumu

