NAPATIGIL SA paghakbang si Glaysa nang makita niya ang mga bote ng alak na walang laman sa bar counter. May basag na kopita sa sahig at nagkalat ang mantsa ng alak. Itinuloy niya ang pagpunta sa kusina at naghanap ng dust pan at walis. It was already seven in the morning pero parang hindi pa nagagawi sa kusina si Adam. So unlike him. Bumuntong-hininga si Glaysa. Baka tulog pa ito hanggang ngayon. Inuna niyang alisin ang mga nagkalat bubog sa sahig at bar. Itinabi rin niya ang mga basyo ng bote. Mamaya na niya lilinisin ang mga mantsa ng alak. Bumalik siya sa kusina at inusisa ang laman ng ref at cupboards. Lahat ay puno ng pagkain. Naglabas siya ng mailuluto. Adam loves shrimp and--- ipinilig ni Glaysa ang ulo. No, hindi naman si Adam ang ipagluluto niya kundi ang sarili niya. Kaya lan

