KASALUKUYANG kunot noong nakatitig si Irea sa monitor ng gamit niyang laptop habang tinitipa-tipa ang ibabaw kanyang mesa. Pinaparevise sa kanya ng client ang ipinasa niyang draft design para sa bagong brand nito ng lipstick na ilalabas sa merkado sa susunod na dalawang buwan.
It's been 3 years mula nang mag-umpisa si Irea sa career niya bilang isang freelancer VA. She has a bachelor's degree in Commerce major in Marketing. Isa siya sa mga naging mapalad na makahanap kaagad ng trabaho pagkatapos ng kaniyang graduation.
Nahire siya bilang isang marketing analyst sa M Foods, isang manufacturing company na subsidiary ng pinakamalaking conglomerate sa buong bansa. Ngunit dahil sa personal na dahilan ay napilitan siyang magresign mula sa trabaho.
Likas na mahilig sa arts ang dalaga, kaya naman naisipan niyang mag-enroll online para sa web designing course. That's when she stumbled upon a virtual assistant position. She took the courage to send her portfolio to some prospective clients.
Fortunately, few of them loved her designs and viola shes's been enjoying the bliss of freelancing since then. At wala na siyang balak na mag-apply pa bilang isang full time worker.
What she loves the most about her job right now is that she can manage her time more wisely. She can mix work and pleasure at the same time with the comfort of being at home or anywhere else. And without pressure, nagagawa niya ng on time ang mga proyekto niya. Nagustuhan ng client ang ipinasa niyang draft pero hindi daw ito gaanong nagtutugma sa bago nilang campaign.
Nirereview ni Irea ang inputs na ini-email sa kanya ng marketing department ng kliyente. After adding some details and adjusting the colors she decided to send the revised design.
Naisipan niyang magpunta muna sa supermarket upang magrocery habang inaantay ang reply ng mga ito. Anyhow, Huwebes palang naman at maaga pa. Bibili siya ng mga kakailanganin niyang items para sa hiking nila next week. Tinawagan niya kaibigang si Audrey na may-ari ng The Coffee Krypt para samahan siya nitong mamili. Ito ang nag-introduce sa kanya sa hiking at isinali siya nito sa grupong kinabibilangan.
"Girl, totoo bang may naligaw na hot Dad sa cafe noong isang araw?" Pasimpleng tanong sa kanya ni Audrey.
Nasa tono nito ang pagiging interesado. Hindi niya alam kung kanino na naman nito nalaman ang tungkol doon.
"Uhmm. Yeah." Kibit balikat niyang sagot dito. Abala siya sa pagpili kung beef or pork jerky ba ang kukunin niya. In the end, she picked both.
"Anung yeah?" Halatang hindi ito kuntento sa sagot niya.
Alam ni Irea na nag-aantay pa ito iba pa niyang sasabihin tungkol sa gusto nitong malaman but she chose to dismiss her. Nagpatiuna siyang maglakad papunta sa kitchen utility section. Dali-dali naman itong sumunod sa kanya. Mukhang wala itong balak na tantanan siya.
"Gwapo ba? Matikas ba? Hot? Ano?" Pangungulit ni Audrey. Palihim niyang pinaikutan ng mata ang kaibigan.
"Hindi naman masyadong obvious na interesado ka no! Kakabreak nyo lang last week ni Justin gusto mo na namang maglandi ulit. Tigil tigilan mo ako Audrey!" panenermon niya dito dito sabay hagis sa kinuha niyang paper towel mula sa shelf. Sumunod ay naglakad siya sa aisle kung saan nakalagay ang mga shampoo at body wash.
"Gagi hindi naman! Sabi lang kasi ng mga marites na super papable daw siya!" anito na para bang kinikilig. Nakasunod parin ito sa kanya at tila wala parin itong balak tumigil sa kakatanong.
"Exagerrated na naman yung nagkwento sayo," aniya.
"Hmpf! Palibhasa kasi color blind ka!" eksaheradang pinamewangan siya nito.
"Oo na! May itsura na. Happy?" Aminado naman siya na guwapo talaga yung lalaki. May hawig ito sa Hollywood actor na si Tom Hardy pero ayaw niyang banggitin ito sa kaibigan. Isa pa wala na siyang balak palawigin pa ang usapan nila tungkol dito.
"Sige ipagpatuloy mo yan Iredea. Natutuwa talaga ako. Alam mo ba yun!" pikon nitong sabi.
"Tch! You and your obsessions."
"Bakit masama bang maghangad na magkajowa ng pogi?" himutok ni Audrey.
Nilingon niya ito at tinignan ng seryoso. "May sinabi ba akong masama? Ang lagay kasi parang gusto mong jowahin lahat, ginagawa mong trophy eh. Talo mo pa yung sumasali ng pageant sa pagcollect."
"Kaya nga collect and collect and then select eh di ba! Paano ko makikita si Mr. Right kung hindi ko siya hahanapin?" anitong may pakumpas-kumpas pa ng mga kamay.
"Oo, sa kaka-collect mo kung sinu-sino nalang nakikilala mo. Kung hindi committed eh sira ulo naman. Ang malala yung iba lalake din ang hanap." Suko na talaga siya sa kaibigan!
Napalabi si Audrey sa kanyang sinabi. Totoo naman kasi halos kada buwan ay may bago itong dinedate. Tapos kapag nakipaghiwalay siya din ang takbuhan nito. Kagaya nalang nung mahuli nitong may ibang kinakalantare ang bago nitong nobyo. And matindi yun pang bagong instructor ng pinupuntahan nilang gym.
Iniyakan din naman nito ang naging nobyo ngunit pagkatapos ng ilang araw ay may bago na ulit itong kadate. Minsan nagtataka na din siya kung saan nito napupulot ang mga dinedate nito. HIndi niya mawari kung totoo nga ba ang naramdaman nitong ‘pagmamahal’ o sadyang mabilis lang talag itong mag-move on.
SA tanang buhay niya kasi ay isa lang ang naging nobyo niya. Nagkakilala sila ni Dave noong nagtatrabaho pa siya bilang isang marketing analyst sa M Foods. Wala naman sa plano niyang makipagrelasyon sa katrabaho ngunit hindi ito tumigil hangga’t mapa-oo siya.
Growing up, Irea was never fond of fairy tales. But, during their times together every moment was magical. Naiingit nga sa kanya ang mga kasamahan niyang babae sa trabaho dahil para siyang prinsesa kung ituring nang noo'y nobyo.
Things started to fell apart on their 5th year together. Nung may bagong intern sa department nito at ito ang inatasang mag-train dito. Lingid sa kanyang kaalaman hindi nagtagal ay nagkaroon ang mga ito ng relasyon at anak pala ng isa sa mga executive ng kumpanya ang babae. Ang masaklap ay nabuntis pa ito ng binata at nalaman pa niya ang pangyayari sa mga katrabaho.
Noong una ay hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya. Kaya pasikreto niyang sinundan ito nang minsan ay nagdahilan itong hindi makakasipot sa date nila. Nakita niyang pumasok ang binata sa isang sikat na five-star hotel. Sinundan niya ito doon hanggang sa makarating ito sa isang restaurant sa loob mismo ng hotel at doon nag-aantay ang babae kasama ang mga magulang nito pati na din ang magulang ng binata.
Kinompronta niya si Dave tungkol dito. Noong una ay itinanggi pa ito ng nobyo. Ngunit ng ipakita ni Irea ang picrure na kinuhanan niya mismo sa loob ng restaurant ay hindi na ito nakatanggi. Abot-abot ang paghingi nito ng sorry sa kanya.
Gusto niyang pagsasampalin ang lalaki ngunit naisip niya na wala din namang mababago sa sitwasyon. Magsasayang lang siya ng lakas. That's why, she decided to just move on.
She submitted her resignation the following day and after rendering the mandatory 60 days' work she left the company. At mula noon hindi na siya nagtry pang makipagrelasyon muli.
Ilang taon na din ang lumipas. Mula noon naging mas aloof siya mga lalake maliban sa nalang kung matagal na niya itong kakilala. Wala namang kaso iyon sa kanya dahil wala naman siyang planong makipaglapit kung kanino. Tahimik ang buhay niya and she's on set to keep that way as long as she wants.
Or so she thought. Ang hindi alam ng dalaga nag-umpisa nang kumilos ang tadhana para bulabugin ang mundo niya at muling patibukin ang natutulog niyang puso.
To be continued....