MAY kasabihang, 'Your eyes are the windows of your soul'. And right now, Irea is looking at the most beautiful pair she's ever seen in her whole life. Sa unang tingin, tila ang mga ito ay pangkaraniwang itim na kulay lamang. Ngunit, nang saglitang magtama ang kanilang paningin. She saw a tinge of blue violet intense irises. Sa hindi malamang kadahilanan ay tumayo ang buhok niya sa batok na para siyang kinilabutan. It felt like someone peeked inside of her.
For the first time in many years, her heart skipped a beat then it went wild. She heard herself made the 'hic' sound pero, hindi naman siya sinisinok. Suddenly, everything is in slow motion. She can hear her heart beating loudly. It was like how an author describes the encounter between the male and female lead characters sa isang romance novel.
‘Huh, weird!’ She shook her head to brush off the strange feeling.
Paborito niyang tambayan ang The Coffee Krypt tuwing nagkakaroon siya ng mental block. Ito ay pagmamay-ari ng isa sa kaniyang mga kaibigan na architect turned into a businesswoman. She loves the contemporary yet cozy ambience inside the cafe.
Si Iredea Sandoval, aka, Irea sa mga kaibigan ay isang freelance Virtual Assistant at kasaluyang tinatapos ang proposal para sa kliyente niyang isang advertising agency. She was sitting idly at one corner when a man with height like tower and body like Adonis entered.
Narinig ni Irea ang pagsinghap ng ibang kababaihan sa loob ng cafe habang naglalakad ito palapit sa counter. Sinundan niya ng tingin hanggang makarating ito sa harap ng barista at narinig niyang umorder ang binata ng iced americano.
Looking at him, mukhang suki ito ng gym. Litaw ang hubog ng katawan nito sa suot nitong navy-blue long sleeves polo. The man is oozing with s*x appeal, idagdag pa na bahagya itong pawisan. Biglang nag-iba ang klima sa loob ng cafe pagkapasok ng nasabing lalaki. Mula sa torso, bumaba ang tingin ni Irea sa ibabang bahagi ng katawan ng binata. For some reason, she felt agitated at ramdam niyang uminit ang kanyang mga pisngi.
‘Nice bum!’ She giggled silently with the thought.
Halos sampung taon na siyang nangungupahan sa lugar at kilala na niya lahat ng tenant mula sa street nila hanggang sa panglimang kanto. At ito ang unang beses niyang nakita ang nasabing lalake.
‘Hmmm. Bagong tenant? San banda? Bakit wala akong narinig sa batis?’ Kung mayroon mang bago, sigurado siyang hindi yun makakalidtaang ibalita sa kanya ni Audrey.
Speaking of batis, naalala niya ang kaibigang si Athena. Kelan nga ba nung huli silang nagkita at nagkausap. To think, na magkatapat lang apartment na inuupahan nila.
‘Nasaan pala ang bruhang yun?’ Piping tanong niya.
Si Athena ay matalik niyang kaibigan since college days. Nagkakilala sila sa cafeteria ng kolehiyong pareho nilang pinapasukan. She saw her eating alone several times. It was during a school festival in their sophomore year, that the cafeteria was full of people and there's nowhere available. So, she decided to approach her and ask if she could share the table. Luckily, she agreed.
Mula noon palagi na silang magkashare sa iisang table tuwing nagpapang-abot sa cafeteria and the rest was history. One-time nagulat na lamang siya nang malaman nyang magkapitbahay lang pala sila.
Bigla siyang nahimasmasan nang walang kaanu-ano ay may umupo sa harap niya. Laking gulat ni Irea nang makita na ito ay ang lalaking may blue-violet na mata. Hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Bigla ulit siyang parang kinilabutan dahil sa mariin nitong pagkakatitig sa kanya.
"Ok ka lang ba?" Narinig niya tanong nito.
"Huh, mukha ba akong may sakit?" kunot noong balik tanong niya sa binata.
"I asked you three times kung ok lang bang umupo pero hindi ka sumasagot," dagdag nito na hindi parin inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
"Oh, sorry hindi ko narinig. May iniisip lang kasi ako." Hinging paumanhin niya dito. Bigla niyang gustong batukan ang sarili.
HALOS dalawang oras nang pa-ikot-ikot si Santi. Ngunit hindi niya mahanap ang building ng apartment na inuupahan ng bunsong kapatid. Ilang araw na silang walang balita mula dito. Sinubukan ng binata na tawagan ang kapatid sa numero ng cellphone nito pero hindi ito sumasagot at nang kaluan ay hindi na niya ito makontak. Nakababata at bunsong kapatid niya si Freya.
Mula nang malaman nito ang tungkol sa arranged marriage na plinano ng kanilang mga magulang para dito ay bigla itong naglaho na parang bula. Sinubukan niyang ipagtanong ang pangalan ng kapatid sa mga taong nakakasalubong niya ngunit sa kasamaang palad ay walang nakakakilala dito.
Nagdududa tuloy siya kung tama ba ang street na pinuntahan niya. Nalaman niyang dito sa lugar na ito nakatira si Freya dahil nagpahatid ito minsan sa kanya pagkatapos ng kanilang family gathering. Yun nga lang hindi siya nito pinayagang sumama sa inuupahan nitong apartment.
Kaya tuloy hindi niya malaman kung saan ang eksaktong address nito. He decided to call their mom to let her know na hindi niya mahagilap ang tinutuluyan ng kapatid.
"Mom, I'm done for the day. Hindi ko pa nahanap kung saang banda ang apartment ni Freya pero babalik ako this weekend. I still have a lot of paperworks to do. Anyway, uuwi naman yun kapag naubusan na siya ng allowance," aniya sa ina. Wala itong nagawa kundi sumangayon nalang sa kanya.
‘Damn Freya!’ Hindi mapigilang mapamura ni Santi.
Kanina pa pumipintig sa sakit ang sintido niya. Ilang araw nang walang tulog ang binata dahil sa sunod-sunod na projects ng kanilang kumpanya. Pagmamay-ari nila ang isa sa pinakamalaking developer sa bansa. Kamakailan lamang ay nanalo sila sa bidding para sa mga tulay na proyekto ng national government. Kaya naman kaliwa't kanan ang mga meeting na pinupuntahan niya araw-araw.
Being the youngest President, mataas ang expectation sa kanya ng mga tao, lalo na ng kanyang mga magulang. He earned his position because of his hard work not because he is the Chairman's son. Kagaya ng ibang empleyado, nag-umpisa din Santi sa mababang posisyon. After graduating from Architecture, he went abroad to pursue a degree in business sa kagustuhan ng magulang. Pagkatapos ng kanyang masteral ay napagpasyahang umuwi ang binata upang pag-aralan namang patakbuhin ang kanilang negosyo.
He felt hopeless and decided to rest for a bit before going back to where he parked his car. Tanaw niya ang sign ng isang coffee shop mula sa kinakatayuan at naglakad siya patungo dito. After ordering an iced americano, naghanap siya ng bakanteng mesa.
Unfortunately, halos lahat ay occupied na at may kanya-kanyang kapareha ang mga nakaupo maliban sa isang table na nasa sulok malapit sa counter. Mag-isang nakaupo ang babae at mukha namang wala ito inaantay na kasama. Kaya nagpasiya siyang lumapit dito upang itanong kung maari siyang umupo sa bakanteng silya sa harap nito.
"Miss, are you waiting for someone? Can I sit here?" Tanong niya sa dalaga. Base sa itsura nito tila may malalim itong iniisip. Inulit niya ang tanong ng dalawang beses pa ngunit mukhang hindi siya nito naririnig kaya naisipan niyang umupo nalang. Anyway, pagod na din siya sa kakalakad.
He scrutinized the girl in front of him while waiting for her to realize his presence. She's got a pretty hazelnut brown eye. Tantiya niya halos magkasing edad lang ito at ang kanyang kapatid, hindi din ito katangkaran kagaya nito. Halata sa magandang mukha ng dalaga na kulang din ito sa tulog. Kasalukuyan itong may hawak na cup ng umuusok na kape. Hindi niya mapigilang titigan ang dalaga. She seems utterly familar pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
Nasa ganoon siyang isipin nang bigla itong napatingin sa kanya. Nahuli siya nitong nakatitig sa kanyang mukha. Gustuhin man niyang ibaling ang tingin but there is something in her that makes it enticing to look at. Halata sa mga mata ng dalaga ang pagkalito.
‘So, she's not really listening,’ he thought.
She looked cute with confusion written all over her pretty face. Nginitian niya ito na ikinataas naman ng kilay ng dalaga. Humingi ito ng paumanhin sa kanya. Maya-maya ay nagpaalam na ito at tuluyan nang lumabas.
DALI-DALING lumabas si Irea mula sa cafe. Wala pa sana siyang balak umalis. But somehow, she feels uneasy the way that man stared at her. Patawid na sana siya sa kalsada nang bigla niyang maalala ang kanyang cellphone. Sinubukan niyang kapain ang bulsa ng suot niyang hoodie jacket ngunit wala ito doon.
‘Oh shoot!’
Malakas ang kutob niyang naiwan niya ito sa ibabaw ng lamesa sa cafe. Lakad-takbo siyang bumalik sa pinanggalingan sabay dalangin na sana ay nandoon pa ang lalaking kaharap. Humahangos niyang binuksan ang pulang pinto ng cafe. Nakita siya ng barista at iminuwestra nito na lumapit siya sa counter. Naglakad si Irea palapit dito. Habang palapit siya ay tila may kinuha ito sa drawer.
"Naiwan mo. Mabuti nalang mabait yung mama. Sinubukan ka niyang habulin pero bigla ka daw nawala," anito sabay abot ng kanyang cellphone.
"Anu 'to?" Iniaangat niya ang maliit na piraso ng papel na kasama ng inaabot nitong cellphone.
"Ah, number daw yan nung lalake. Sabi niya, 'tell her to send a message once she gets her phone back'." Natawa siya sa pilit nitong panggagaya sa pagkakasabi ng lalaki.
Ibinulsa niya ang papel at lumabas na ng cafe matapos magpasalamat sa barista. Muli siyang naglakad pabalik sa kanyang aparment upang tapusin ang nakabinbing trabaho. Gumagawa siya ng draft proposal para sa packaging ng bagong produkto ng isang cosmetics company. May one week pa siyang palugit para ipasa ito ngunit, gusto na niyang tapusin kaagad para magkaroon siya ng sapat na oras sa pagrerevise.
Isa pa, may plano na siya for the following week after her deadline at ayaw niyang mabulilyaso ito. Lately, nahilig siya sa hiking. May sinalihan siyang grupo ng mga hikers at once a month ay nagse-set sila ng climbing activity.
She decided not to throw away the note with the stranger’s number. Wala naman siyang balak tawagan o I-text ito. Strangely, feel niya lang itago
To be continued....