Chapter 19

1587 Words
***PS: Pasensya na po nagkamali ng upload,nauna pong napublish yung Chapter 21. Please proceed to Chapter 20 after this. Thank you!*** Walang nagawa si Santi kundi pagmasdan nalang ang likod ni Irea nang magpatiuna itong tumakbo. Gustuhin man niyang sundan ito pero mukhang nagbago ang timpla ng dalaga. Bigla kasi itong nanahimik na tila ba nainis. Hindi nalang din siya kumibo dahil baka may masabi pa siya na baka mas lalong ikainis nito. Nagpasya nalang ang binatang maglakad patungo gawi kung nasaan mga benches. Gusto niyang ipikit ulit ang mga mata kagaya kanina, lately kasi babad siya sa harap ng computer. Naudlot ito dahil hindi niya inaasahang maagang bababa ang dalaga. Ilang araw nang kulang sa tulog ang binata. Puspusan ang kanilang ginagawang paghahanda para sa napipintong inaguration ng bago nilang luxury hotel, idagdag pa pagkakaroon ng aberya sa pinirmahang proyekto sa gobyerno. Mayroong mga politikong nakikialam dito at pinapawalang bisa ng mga ito ang nasabing kontrata. These days, all he's been looking forward to are the hours he gets to be with her. Kahit pa kailangan niyang magising ng maaga at mambulabog ng kaibigan niyang may flower shop mapuntahan lang niya ito. It's almost been a week na pinupuntahan niya ang dalaga. Bagama't matipid paring itong sumagot sa mga tanong niya, kahit papano ay napansin niyang hindi na siya nito gaanong sinusungitan. He's almost positive that sooner or later she will be more comfortable with him and hopefully open up more. Santi knows it's still a long way pero sa kabila niyon hindi siya mapapagod. Laking tuwa niya nang pumayag itong magkasama silang mag-agahan. Pagdating niya sa mga concrete benches ay agad umupo ang binata. Humalukipkip siya at isinandal ang likod, pagkatapos ay marahang ipinikit ang mga mata. Dala ng pagod at puyat tuluyang nakatulog ang binata. Mahinang pagyugyog at malambing na pagtawag sa kanyang pangalan ang gumising sa diwa ng binata. He got a bit disoriented for a brief moment dahil ang buong akala niya ay nasa loob pa siya ng kanyang opisina. Kaya nalito siya kung sino ang tumatawag sa kanya. Nang magmulat siya ng mata ay nag-aalalang mukha ni Irea ang nakita niya. May kababaan ang bench na inupuan niya kaya bahagyang nakayuko ang dalaga sa direksyon niya. Nakatingala siya sa maamong mukha nito. He felt dreamy, mula sa kung saan ay ini-angat niya ang isang kamay at inilapit sa mukha nito. Marahan niya itong hinaplos ang likod ng palad sa malambot nitong pisngi. Her mesmerizing brown irises are his favorite coloring. He cannot forget how her almond shaped eyes sway with the curve of her lips whenever she smiles. Her full lips are already reddish even without lip color. He's reminded how soft and sweet they were. Tila automatic na gumalaw ang katawan niya at unti unting lumapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga hindi naman ito natinag. Naulinigan niyang hinigit nito ang pagginga. It's almost like she's frozen. Halos gahibla na lamang ang layo ng kanyang mukha mula sa dala nang bigla itong magsalita. "Ok ka lang ba?" narinig niyang tanong nito. Naudlot ang gagawin sana niyang paghalik dito. He slowly backed away without losing eye contact. "D*mn!" lihim niyang minura ang sarili. Bakit ba pagdating sa dalaga ay kusang kumikilos ang katawan niya. Nawawalan siya ng kontrol sa laman ng isip niya. Binawi niya ang kanyang kamay. Nginitian niya ang dalaga. Nadala siya sa emosyong naramdaman niya habang nakatingin dito. He felt good seeing her the moment he opened his eyes. He likes the thought of having her beside him especially in the morning. He felt his body tighten up as he gazed at her intently. Mukhang naramdaman iyon ng dalaga at tila napapasong nag-iwas ito ng mata. Nang masiguro nitong gising na siya ay umayos ito ng tayo at humakbang paatras. Nasa harap ng dalaga ang mga kamay nito at mariing nakakuyom ang palad. Napalitan ng tensyon ang kanina ay pag-aalala sa mga mata nito. Tuluyan nang tumayo si Santi. "Ayan 'Nay sabi ko sa inyo natutulog lang eh. Kayo kasi pinakaba nyo pa tong kaibigan ko," boses ng babaeng nasa likod ni Irea ang bumasag sa katahimikan. Ngayon lang napansin ng binata na maliban kay Irea at babaeng nasa likod nito ay meron pang mga lola na nakapalibot sa kanya. Humingi siya ng paumanhin sa mga ito, kanina pa umano siya ginigising ng mga ito ngunit hindi siya magising. Kaya ang akala ng mga ito ay kung napano na siya. Umalis din ang mga ito nang makitang maayos naman pala ang lagay niya. Bumalik ang tingin niya sa babaeng kasama ni Irea. She gave him an acknowledging smile. Kilala ba siya nito? "Hi! I'm Audrey, Irea's friend," maya-maya ay magiliw na bati nito. Matamis ang ngiti nitong inilahad ang kamay. Pinandilatan ni Irea ang kaibigan. Ang mahaderang babae hindi na nakapag-antay at kusa nang nagpakilala! Malugod namang tinaggap ni Santi ang nakalahad na palad ni Audrey, "Nice to meet you. You can call me Santi." At nagkamay na nga ang dalawa. Abot tenga ang ngiti ni Audrey. Palihim nitong sinulyapan ang noo'y nakakunot noong si Irea. "LET-GO-NOW!" Irea silently mouthed to her friend. Her nose is flaring up. Pero parang hindi siya nito nakita, ibinalik nito ang tuon sa binata at ipinagpatuloy ang pakikipag kamay sa huli. Parang gusto niya tuloy itong sabunutan. "So, are you done? Do you want to go get some breakfast now?" tanong sa kanila ng binata ng magbitiw ang dalawa. Makahulugang tiningnan siya ng kaibigan. Nawala na sa isip ni Irea ang naging usapan nila na magkasamang kakain ng agahan. Magsasalita na sana siya nang biglang sumingit si Audrey. "Sure! Kung kumakain ka ng tapsilog, meron malapit dito, masarap dun, suki kami dun ni Irea," bida nito. At kagaya kanina hindi na talaga nito inantay na imbitahan siya. "Really! Dun din ba yung sinasabi mo?" excited ang binatang bumaling sa kanya. Agad siyang nagplaster ng ngiti at tumango. Pagkatapos ay pinukol niya ng nagbabantang tingin ang kaibigan. It's supposed to be a warning that says she can come but she should shut her mouth. Na-gets naman yata iyon ng kaibigan dahil kinindatan siya nito. Sana lang manahimik ito at huwag bumangka ang matabil na bunganga nito. "Let's go!" pag-aaya ni Audrey. Walang kiyemeng hinila nito ang braso ng binata. Nanlaki ang mga mata ni Irea sa ginawa ng kaibigan. Tila batang sumunod naman si Santi dito. "Makita mo lang mamaya kang babae ka! Kakalbuhin kita!" lihim na pagbabanta niya dito. Pero sa isip ng dalaga kinakalbo na niya ang kaibigan. Hila-hila ni Audrey ang binata hanggang makarating sila sa tapsilugan. Pagpasok nila doon ay kaagad itong lumapit sa counter na hawak parin nito ang braso ni Santi. Kasabay ng pag-order ay nakipaghuntahan pa ito sa may-ari at mga staff na matagal na nilang kakilala. Ang walang pakundangang babae ipinakilala pa nito ang binata. Tahimik at pangiti ngiti lang siyang nakamasid sa mga ito. Kung mag-usap ang mga ito akala mo matagal nang magkakakilala. Si Irea naman ang naghanap ng mapupwestuhan nila. Nang makakita ng bakanteng lamesa ang dalaga ay kaagad siyang kumilos. Saglit siyang dumaan sa lagayan ng mga condiments para kumuha ng suka, toyo, at chili oil. Kapag nagagawi silang magkakaibigan doon ay siya ang toka sa paghahalo ng sawsawan, si Audrey sa pag-oorder, at si Athena naman sa mga drinks. Pagka-upong pagka-upo niya ay saka naman dumating ang dalawa. Malapad ang pagkakangiti ni Audrey. Ang binata naman ay mukhang tuwang tuwa din sa pagpapakilala nito sa kanya sa mga taong nandoon. "Akalain mo sa K University pala nag-college si Santi and guess what? Architecture din!" excited na pagbabalita sa kanya nito nang makaupo. Mabuti nalang at sa tabi niya ito humila ng monoblock. Walang choice ang binata kundi okupahin ang silya sa harap nila. "Sa FW University naman etong si Irea at yung isang friend namin," ani Audrey kay Santi na nagliwanag ang mukha sa libre impormasyon tugkol sa kanya. Pasimpleng kinurot niya sa tagiliran ang kaibigan. Akala ba niya nagkakaintindihan silang huwag itong magdada-daldal! "Really! My sister also went there!" "Talaga! How about your brother? Char!" pabirong tanong ni Audrey na ikinatawa naman ng binata. "Nah... Sadly, dalawa lang kami," sagoy naman nito. "Hmpf! Sige na nga! Yung friend mo nalang, yung kasing gwapo mo ha," anitong sinundan ng hagikgik. Nagkatawanan ang dalawa. Kabaligtaran nito ang trato niya sa binata. Kung gaano siya ka-aloof ay siyang sobran FC nito sa huli. Minsan talaga nasobrahan sa pagiging friendly ang bruhang kaibigan niya. Madami pang napag-usapan ang dalawa. Panaka-nakang isinasali din siya ng mga ito kapag kailangan ang opinyon niya. Nagclick kaagad ang dalawa gawa nang galing sila sa parrehong field. Hanggang sa dumating ang inorder nilang agahan. Few minutes later ... "You're right! Ang sarap nga ng tapa!" puri nito nang matapos silang kumain. "Diba! Sabi ko sayo eh! Paborito din yung ni Timò!" banggit ni Audrey sa pet name nito para kay Daniel. Muntik na niyang maibuga ang ininom na tubig. "Who?" Kuno noong tumingin si Santi kay Audrey. "Ah, si Daniel," paglilinaw naman ng huli. Lalong kumunot ang noo ng binata. Nag iba ang ekspresyon sa mata nito. "Do you mean Mr. Ilustreo? Palagi ba siya dito?" "Uh-huh. Kulang na nga lang sa apartment ni Irea siya tumira eh." walang anumang kwento nito. "I see," anito na nabaling ang atensyon sa dalaga. At that moment may nabuong plano sa isip ng binata. As the saying goes, all is fair in love and war but he will do anything he can to have the advantage. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD