Chapter 21

1056 Words
HALOS sunod-sunod silang nagsidatingan sa venue ng dinner. Naabutan pa nila ang ibang staff sa parking lot. Akala ni Irea ay sa isang restaurant sila magkikita-kita ngunit hindi pala. Nasa loob sila ngayon ng isang private lounge sa isa sa mga pinaka-eksklusibong club sa bansa. Ayon sa mga staff ni Santi ay miyembro umano ang kanilang boss sa nasabing club kaya doon sila nito pinapunta. She looked at the time. He’s running a bit late. Naisip niya na baka nga totoo ang sinasabi ng mga empleyado nito na hindi ito dumadalo sa mga company dinner. Nag-umpisa nang umorder ng pagkain at alak ang mga kasama nila. Expected na niya iyon sa mga ganitong klase ng okasyon. Hindi na din naman siya bago sa ganito. "What would you like?" tanong ng pinsan. Kinailangan nitong ilapit ang bibig sa tenga niya dahil maingay na ang paligid nila. Nagsimula nang magkantahan ang iba nilang kasama. Namangha siya sa laki ng screen sa harap nila. Nagmistulang nasa loob sila ng private ktv lounge. Sinenyasan niyang yumuko ang pinsan at ginaya niya ang ginawa nito upang magkarinigan sila, "May fried chicken ba sila?" balik tanong niya dito. "What! Nandito ka sa sosyal na club tapos maghahanap ka ng fried chicken! Iba nalang!" natatawang sabi nito. Tila batang ngumuso siya sa sinabi nito, " Bakit ba, masarap ang fried chicken sa beer noh!" "Sige na nga," naiiling na sabi ni Dan. "Yes! Damihan mo ha. Tapos samahan mo na din ng masarap na beer,alam mo na kung ano," natutuwang sabi niya dito sabay kindat. Wala sa hinagap ng magpinsan na mayroong mga matang nag-aapoy na kanina pa nakamasid sa kanila. Dala ng traffic ay nahuli ng ilang minuto sila Santi sa pagdating. Inis na inis siya kay Rueben dahil mas pinili nitong sa mainroad sila dumaan kesa magshort cut. Tuloy hindi siya makahanap ng pwesto sa tabi ng dalaga. Dahil sa nakita bigla tuloy nagduda ang binata sa relasyon ng dalawa. Ito ba ang dahilan kung bakit dinededma siya ni Irea? Tapik sa braso ang nagpabalik sa isip ni Santi. Matalim ang mata niyang binalingan ang kaibigan. Kung hindi dahil dito sana nauna sila at siya ang katabi ngayon ni Irea. "Hey! Relax, mukha kang mananakal sa itsura mo!" natatawang pansin ni Rueben sa kaibigan. "Remind me to wring your neck later," inis na sabi niya dito. "Whoa, lover boy, kasalanan ko ba kung na-corner tayo ng Chairman?" paalis na sila nang biglang magring ang kanyang telepono at numero sa opisina ng Chairman ang rumehistro. Inutusan siya ni Santi na ignorahin nalang ito ngunit mas pinili niyang sagutin ang tawag. Mas takot yata siya sa Chairman kesa sa kaibigan niya kahit pa ito ang boss niya. "Yeah, it's your fault! You should've just ignored his call!" "No thanks! Ayokong mawalan ng trabaho," "Im your immediate boss remember?" pinukol niya ang kaibigan ng matalim na tingin. Ipinagkibit balikat ni Rueben ang sinabi niya. "Uy! Andiyan na sila boss! Hinaan nyo yung videoke, daliiii!" Narinig ni Irea na sabi ng isa sa mga staff na kasama nila. Biglang nagtininginan ang mga ito sa may bandang entrance ng lounge. Isinunod naman niya ang mga mata sa gawing iyon. At nakita nga niya ang binata na naglalakad palapit sa kanila. Kasama nito ang personal secretary nito at the same time ay matalik ding kaibigan ayon sa mga kasama niya. Kanina pa laman ng usapan ng mga empleyado nito ang binata. Nagpupustahan ang mga ito kung talaga bang a-attend ba ang binata o hindi. At sa wakas may nanalo na! Dumating nga ito. "Hi, sorry we got caught up in the traffic," hinging paumanhin ni Santi nang makarating sa table nila Irea at Dan. "It's alright Mr. President, akala nga namin hindi ka na makakapunta eh." Tumayo ng bahagya si Dan upang umusog sa gawi ni Irea, giving them space to sit down. Kahit labag sa loob ay umupo na din si Santi. Si Rueben naman ay tumuloy sa mga kasamahang nagkakatahan. "Call me Santi, please. How do you like the place?" maya-maya ay tanong ni Santi pagkatapos nitong makapagbigay ng order sa waiter na inutusan nito. "I didnt know there is such a place like this in the Metro," tila namamanghang sagot naman ni Dan. "Meaning to say, you're not yet a member here?" "So, this is a membership club. Yeah, unfortunately this is my first time knowing about this place." "I see, Ill introduce you later to one of my friends who owns the place," ani Santi. Natuwa naman si Dan sa narinig. Hindi ito mahilig sa night life pero it's not bad to have some go to place when he feels like drinking. "How about you Irea? Are you enjoying yourself? There's a dance floor outside," he offered. Mariing umiling ang dalaga, "Nope, I'm good here." "Don't you like night life?" muli ay tanong sa kanya ng binata. Hindi napigilan ni Dan ang matawa. As far as he can remember Irea has been a home buddy couch potato. Kinurot ni Irea ang tagiliran ng pinsan. “Aw!” napasigaw naman ito. Nagtatakang pinaglipat lipat ni Santi ang tingin sa dalawa. “I’m sorry. Night life is a word na wala sa vocabulary ng pinsan ko. Mas gugustuhin pa nitong manood buong araw ng anime kesa lumabas ng bahay,” natatawa paring kwento ni Dan. “Pardon? Pinsan?” Tama ba siya ng dinig sa sinabi ng kausap? “Yeah, were cousins. Why, is there something wrong?” si Irea ang nagsalita. Makahulugang ngumiti ang binata, “I see. No, wala naman. I just didn’t know.” Pero ngayon alam na niya kung bakit malapit ang mga ito sa isa’t isa. Yung akala niyang karibal na kailangan niyang talunin ay hindi pala. Dapat pala nagpapalad siya ng papel dito para sa dalaga. Mabuti nalang at napigilan niya ang sariling sugurin ang mga ito mula pa kaninang umaga hanggang kaninang pagdating niya sa lounge. It's very unreasonable of him to get jealous without knowing the real details pero ayaw niya lang na may ibang lalaking malapit sa dalaga. And yes, he’s beginning to get possessive of her. Gayunpaman ay lihim na natuwa si Santi sa nalaman. Ngayong nag-iba na ang ihip ng hangin may bagong plano na din siya. Gagawin niya ang lahat upang maging boto si Dan sa kanya para kay Irea. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD