TUMAGAL pa ng ilang minuto ang pagkakasalampak ni Irea sa sahig. Hindi niya akalain na magagamit niya ang kanyang 'faux spray'. Nabasa niya minsan sa isang article ang tungkol dito.
Ayon sa author ng article,nagkaroon daw ito ng childhood trauma. Madami na umano itong doktor na pinagpagamutan at nagtry na din ito ng hypnosis pero hindi daw ito gumaling. Kaya gumawa ito ng 'faux spray' na gawa sa saline solution at paboritong essential oil na iniligay nito sa inhaler.
Malaki daw ang naitulong nito sa kanya dahil imbes na uminom ng gamot ay ito ang ginagawa nitong pampakalma sa tuwing nakakaranas ito ng panic attack. Naisipan niyang gayahin ito. Sinong mag-aakalang magiging malaking tulong ito sa kanya.
Inipon ng dalaga ang lahat ng natitirang lakas sa katawan at muli siyang sumubok na tumayo. Mas maluwag na ang kanyang paghinga ngunit may tila mabigat na nakadagan parin sa dibdib niya.
"Uuggh!" Her legs still feel like jelly pero kailangan niyang tumayo. Nahagip ng mata niya ang silya na hindi kalayuan mula sa kanya.
"Here, let me help you." Narinig niyang sabi ng binata. Her senses went into alert mode instantaneously lalo na nang maramdaman niya ang init ng palad nito sa kanyang likod.
"No! Stay away from me!" bigla siyang napasigaw. Bagama't nanghihina ay itinulak niya ang binata. She doesn't want to show her face to him. Irea knows how helpless she looks right now and she hates it.
Mabuway ang mga hakbang niyang naglakad patungo sa silyang nakita niya. Alam niyang nakakalat ang mga gamit niya sa sahig pero wala siyang pakialam. She doesn't have the strength to think about that right now.
She desperately wants to run out of the room in an instant pero naisip niya ang mga tao sa labas. Alam niyang kilala ng mga ito kung sino ang kasama niya sa loob ng VIP lounge at ayaw niyang magkaroon ng eskandalo.
Naupo siya ng matuwid saka marahang pumikit. She needs to calm down and compose herself, nandoon siya upang magtrabaho. With that thought, her senses constantly came back. When her breathing is almost normal, she opened her eyes and scanned the room.
She became aware na hindi pang meeting ang set up nito. Bagkus ay dalawang silya at isang round glass table lamang ang naroon. Sa mesa ay may nakapatong na mga plato at baso sa magkabilang bahagi nito. Huminga siya ng malalim at kinuyom ang mga palad. Pagkatapos ay bumaling siya sa kinaroroonan ng binata.
"Where are the others?" nagdududa ang boses niyang tanong dito. Napatigil ang binata sa paghakbang palapit sa kanya. May hawak itong isang basong tubig.
Nagtagis ang mga bagang nito. Ilang beses na ibinukas-sara nito ang bigbig na tila magsasalita pero wala siyang narinig na sagot mula sa binata. His face shows a lot of emotion right now. He looks like he wants to say something but doesn't know how to say it.
Unti unting may namuong galit sa kanyang dibdib. Did he trick her?
The nerve! Gusto niya itong sigawan. Tila biglang nagbalik lahat ng lakas niya sa katawan. Walang emosyong tumayo ang dalaga at pinuntahan ang mga nagkalat na gamit. Dinampot niya ang kanyang bag at isa isang pinulot mula sa sahig ang mga laman nito. Nagngangalit ang kanyang loob. She felt conned. Gusto niyang maiyak sa matinding galit.
"Please let me explain," his voice is full of anxiety. Tinapunan niya ito ng malamig na tingin.
"To explain what! That you tricked me into coming here just to satisfy your big fvcking ego!" puno ng galit at pag-aakusang singhal niya dito. Ipinapatuloy niya ang pagpulot ng mga nagkalat na gamit.
"It's my mistake. I'm terribly sorry. Please hear me out Irea," puno ng pagsisisi ang boses nito.
‘Irea!?’ Kelan pa sila naging first name basis ng damuhong ito!
She sneered, "Mr. Villamar, with all due respect. I understand that you and your company are our client but that doesn't justify your actions. And please refrain from calling me by my first name," mariing sabi niya dito.
She's too infuriated to be polite right now. Isa pa she had all the right to be mad at him. She could even slap him if she wants to. Pero pinigilan niya ang sarili.
"Look Ms. Sandoval, I know I did something unforgivable and I'm truly sorry for everything. But just to let you know I'm not sorry about the kiss," seryoso ang tinig nitong sabi sa kanya.
And just like that, Irea snapped! Ah, the kiss!
SIra ulo ba to! Parang gusto niyang sipain ulit ito.
Dinampot niya ang huling gamit na nakita niya sa sahig at isinilid ito sa kanyang bag saka siya humarap dito, "Mr. Villamar, your kiss is nothing compared to the fact that you exploited our business relationship just to do whatever you want. But don't worry Daniel will know nothing of what happened here today," she said in a straight face without showing any ounce of emotion other than her cold gaze.
Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig ang naging itsura ng binata dahil sa sinabi niya. Somehow, she felt triumphant. Judging by his expression, she was able to hide how flustered she is right this very moment just by being reminded of their kiss.
Sinamantala niya ang pagkabigla nito. Inayos niya ang nakusot na damit at pinsadahan ng kanyang mga daliri ang buhok. Humugot siya ng wet tissue mula sa kanyang bag at pinunasan ang kanyang labi. Sinipat niya ang sarili sa salaming nakapalibot sa loob ng lounge. Nang masiguro niyang presentable na ang itsura niya. Muli siyang bumaling sa binata.
"Mr. Villamar, I believe hindi na tuloy ang meeting ngayon. If you'll excuse me then, I'll take my leave," pinal na sabi niya dito. Hindi parin ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya. Hanggang makalabas ng pinto ay wala siyang narinig mula dito.
MATAGAL nang nakaalis ang dalaga pero nanatili paring nakatayo si Santi sa gitna ng lounge hawak parin niya ang baso na may lamang tubig. Para sana ito sa dalaga. Hindi siya makaisip ng tamang paliwanag para dito kaya pinili nalang niyang pauli-ulit na humingi ng tawad.
He feels like he's the biggest jerk in the world right now. Naalala niya tuloy yung kasabihang never mix business with pleasure. Mukha ngang may jinx talaga ito and right now he's paying the price for it.
The best day of his life turned into a disaster.
Santi was taken a back of how she can be fierce and yet look so vulnerable at the same time. Gusto niya itong aluin pero hindi niya alam kung paano. Nang subukan niyang alalayan ito ay para siyang may nakakahawang sakit na itinulak nito. He was dejected how she blatantly rejected him. It was again his another first. No one has ever rejected him before.
‘Huh! That's what you get when you go out of proportion you fool!’
He kept being reminded of her enchanting look nang sabihin niyang hindi niya pinagsisihan ang ginawang paghalik dito. The glint of bewilderment and rage in her eyes made his heart skipped a beat. It's crazy how her every expression affects him irrationally.
Still, he can't believe how she manage to make him speechless. He admits that he made a grave mistake but normally he would fight tooth and nail in defense.
‘What an incredible woman!’
Iiling iling na naglakad palapit sa lamesa ang binata upang ipatong ang hawak na baso.
Pagkalapag niya dito ay narinig niyang may kumatok sa pinto, "Mr. President, I have something for you from Miss Sandoval," pagbibigay alam ng nasa kabilang panig ng pinto. Napakunot noo siya. Wala siyang ideya kung ano ito.
"Come in." Tuluyang pumasok ang host na kanina ay naghatid sa dalaga. May dala dala itong hard envelope pagkatapos ay inabot sa kanya.
Kinuha niya ito mula dito pagtapos ay tinanguan niya lamang ito. Tila automatic na alam na nito ang ibig sabihin ng ginawa niya. Magalang itong nagpaalam sa kanya bago tuluyang lumabas.
Dali-dali niyang binuksan at tiningnan ang laman ng envelope. Nadismaya siya nang makitang print outs ang laman nito. Natawa siya sa sarili. Anu bang inaasahan niyang ibibigay nito sa kanya? Muli niyang isinuksok sa envelope ang laman nito.
Napabuga siya ng hangin. Sinipat niya ang relo. Wala pang isang oras niyang nakasama ng solo ang dalaga pero parang naging ibang tao na siya. Nag-iisip siya ng gagawin sa opisina nang naalala niyang cancelled na pala ang lahat ng schedule niya sa buong araw.
‘You deserve what you got!’ muli ay natawa siya sa sarili.
Since wala na siyang gagawin nang buong maghapon, he decided to just go straight home. He doesn't usually drink but he needs one right now. Isa pa kung babalik siya sa opisina ay paniguradong naka-abang sa kanya doon si Rueben. He's not in the mood for his annoying sermons today. Tangan ang envelope na lumabas ang binata mula sa VIP lounge.
Diretso siyang naglakad palabas ng restaurant na hindi man lang tinapunan ang tingin ang mga tao sa loob nito. Hindi tuloy niya nakita kung sino ang taong nakamasid sa kanya. Naka-iling itong sinundan siya ng tingin hanggang makalabas siya nang tuluyan.
To be continued....