Chapter 13

1487 Words
DUMIRETSO ang dalaga sa katapat na restroom ng VIP lounge at doon inayos ang sarili bago tuluyang lumabas ng restaurant. Kaagad niyang tinawag ang valet para sa dala niyang sasakyan. Ipinaabot nalang niya sa hotel ang envelope na dala niya para sa visuals ng promotion. Dali-dali niyang nilisan ang lugar na nagpupuyos ang loob dahil sa galit. "Hah!" nanggangalaiti sa galit na napahigpit ang hawak niya sa manibela. "He is a straight up perverted, megalomaniac egoistical arsehole!" Gigil na gigil na sabi niya sa sarili. Those words are understatement of how enraged she is right now. Walang mapaglagyan ang galit ni Irea sa binata. How dare he used their appointment as a means to do whatever he likes! Hindi porque mayaman ito o ito ang may-ari ng kompanya ay pwede nalang nitong gawin ang gusto sa kahit anong paraan! "I really hate his kind!" muli ay bulong niya sa sarili. Pag-iisipan niya kung dapat ba niyang isumbong kay Dan ang ginawa ng binata. She doesn’t want to ruin things up. Nakikinikinita na niya ang magiging reaksyon ng pinsan. Ayaw din niyang makompromiso ang proyekto nila dahil sa personal na bagay. Ipinilig ng dalaga ang ulo. She needs to concentrate on driving. Gustong gusto na niyang makarating agad sa kanyang apartment para makaligo. Amoy na amoy niya ang aroma ng pabango ng binata na tila dumikit sa damit at katawan niya. His overpowering scent was the first that attacked her. He didn't smell like any male perfume she knows yet it feels very familiar. And she was strangely soothed by it. ABALA sa panonood ang dalaga ng kanyang feel good anime series nang tumunog ang kanyang cellphone. Numero lang ang nakarehistro sa screen nito. Dinampot niya ang aparato sa pag-aakalang isa ito sa mga inquiries na madalas niyang natatanggap para sa mga gig niya. “Hello, Irea Sandoval speaking,” aniya na nakatuon ang mata sa pinapanood. Buntong hininga ang naulinigan niya mula sa kabilang linya. Kumunot ang noo ng dalaga. Prank caller ba ito? “Hey, kung sino ka mang walang magawa sa buhay tigilan mo ang ganitong gawain. Sinasayang mo lang ang oras ng tao,” masungit niyang saad. “It’s me Santi, huwag mong papatayin please. I’m outside your building. I know you loathe me right now but please; I beg you – I'm really sorry,” bakas sa boses nito ang labis na panlulumo. Muling umalsa ang galit sa dibdib niya. “Mr. Villamar, I think we’re done talking earlier. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin sayo. And don’t ever call me unless it is about the project,” matigas na sabi niya. Did she hear him right? Nasa labas ito ng apartment building niya! “Please tell me what do I need to do. It will never happen again. I swear,” “There is nothing more left to do and yes, you’re right. Hindi na talaga mangyayari ulit and I will make sure of it!” aniya saka pinindot ang end button. Padarag niyang ibinaba ang telepono sa ibabaw ng lamesa. Wala siyang pakialam kahit magcamp out pa ito sa labas. Ayaw niyang makita ito at lalong wala din siyang balak kausapin ang binata. Itinuon nalang niya muli ang atensyon sa screen ng kanyang laptop. Sabi na nga bang bad omen ang lalaki. Maiging maaga palang ay iwasan na niya ito. Kung hindi lang dahil sa trabaho mas matinding pananalita sana ang ibibigay niya dito. Di bale pagkatapos ng project nila mawawala na din sa landas niya ang binata. NANLULUMONG inihagis ni Santi ang kanyang cellphone sa upuan ng passenger's side. Nasa parking lot ng building kung saan naroon ang inuupahang apartment ni Irea. He was filled with torment by Irea’s resentment against him. Ilang beses na nagtalo ang loob niya kung tatawagan ba niya ang numero ng dalaga. Pagka-alis nito ay kaagad din siyang lumabas ng VIP lounge. Tanging ang staff na may tangan na envelope ang naabutan niya sa entrance nang subukan niyang habulin ang dalaga. Sising sisi siya sa kanyang ginawa. Sana nakinig nalang siya kay Rueben. Paano niya ngayon makakausap ang dalaga? Kahit sa telepono ay ramdam niya ang galit sa boses nito. Ano ang dapat niyang gawin? “Santi? What are you doing here? Dadalaw ka ba kay Irea?” Walang anu-ano'y anang tinig mula sa likod ng binata. Nalingunan niya si Audrey na nakatutok ang mata sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Kita nito ang ang isang bugkos ng yellow tulips na para sana sa kaibigan nito. “Hi Audrey! Y-yeah,” alanganing ngiti ng binata. “Great! Papunta din ako sa bahay niya. Sabay ka na sakin,” aya nito sa kanya. He fell silent for a bit. Paano niya ba ikukwento dito ang tungkol sa nangyari? “To be honest I’m not sure if she still wants to see me. I did something stupid earlier today that made her mad. Kaya ako nandito ngayon para humingi ng tawad.” Nahihiyang pag-amin niya. “Tinawagan mo na ba siya?” usisa nito sa kanya. “I did, but she doesn’t wanna talk,” tila batang nagsusumbong sa sabi niya. “I see,” tatangu-tangong wika ni Audrey, “Well, sabi mo naman nandito ka para humingi ng tawad,diba? Hindi mo siya makaka-usap ng maayos kung hindi mo siya aakyatin sa bahay niya. Believe me, hindi yun bababa para kausapin ka. Kilala ko yun, mamumuti ang mata mo dito kakahintay sa babaeng yun!” “Are you sure? Hindi kaya mas lalong magalit si Irea?” nag-aalinlangang tanong niya sa kausap. The last he wants right now is to make hate him even more. “Hindi yan! Akong bahala sayo! And good choice by the way. Tulips are her favorite,” nguso nito sa bulalak na nasa loob ng kanyang sasakyan. “Really! That made me feel a bit better. They are also my mom’s favorite so I just thought maybe she’ll like it,” tila nabunjutan ng isang maliit na tinik ang dibdib niya. Mabuti nalang pala, dahil kung hindi baka ma-ihampas pa ng dalaga sa kanya sakaling ibang klase ang nadala niyang bulaklak. “Now, I’m curious kung ano talaga ang nagawa mong ikinagalit niya. But I’m not going to ask, Irea will tell me if she wants to. If not, then saka kita tatanungin,” makahulugang ngiti ang namutawi sa mga labi ng dalaga. As much as he wanted to tell her. Mas pinili ni Santi na manahimik nalang. Nahihiyang napahawak sa batok ang binata. “Hey, bigyan kita ng tip. If you want to pursue her, make sure to be honest and not to make her cry. My friend has been left with a deep scar by her past. As you can see, she built a wall around her that’s so high – even me and Dan cannot climb through. I hope ikaw na ang titibag nun. Let’s go?” yakag ng dalaga sa kanya at nagpatiuna na sa paglalakad papunta sa entrance ng building. Santi clenched his fist. Soon he will find out that sonofabitch ex of hers. At sisiguraduhin niyang pagsisisihan nitong nagkrus ang mga landas nila. Mabilis niyang kinuha dalang bugkos ng bulaklak at sumunod kay Audrey. Tiyak niyang hindi matutuwa si Irea kapag nakita siya nitong nasa tapat ng pinto ng apartment nito. Subalit, hindi na niya iyon alintana. Ang mahalaga ay malaman niya kung paano siya makakabawi sa dalaga. Naabutan niyang nag-aantay sa tapat ng elevator si Audrey. Hindi mapigilang matawa ni Santi sa sarili. Habang lulan sila ng elevator paakyat, ramdam niya ang kakaibang kaba at excitement. He’s dated several women but Santi never courted any of them. ‘You look tensed. Don’t tell me it’s your first time na umakyat ng ligaw?” natatawang puna ni Audrey sa kanya. “I really plan to court Irea but I don’t think this is the right time to let her know of my intentions. And yes, I do feel anxious. I’ve never done this before!” It is only until now that he fully understood what Rueben says about falling in love and finding your match. "Ikaw ang bahala. Basta huwag ka lang iiyak-iyak sakin kapag naunahan ka," tudyo ng dalag sa kanya. What the! Nataranta tuloy siya sa sinabi nito. Hindi siya makakapayag na may ibang lalakeng mapapalapit kay Irea. Hindi naman nakakapagtaka kung mayroon mang mga uma-ali-aligid dito dahil bukod sa napakaganda ito ay matalino din. Nagtagis ang mga bagang niya sa isiping magkakagusto din ito sa iba. Habang abala siya sa pag-iisp kung paano titirisin na parang mga kuto ang kung sino mang magtankang lumapit kay Irea ay pigil na pigil naman sa tawa ang katabi niya. Audrey never meant it to sound like a threat. She was only teasing him. Kitang kita kasi ng dalaga ang pagdilim ng mukha ni Santi ang kaninang tensyonadong mukha ng binata ay naging seryoso. Only he and God knows what he's thinking about. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD