Chapter 14

1674 Words
"I think, we have an emergency," seryosong boses na sabi ni Rueben sa kabilang linya. Nagmamaneho siya papasok sa opisina nang makatanggap ng tawag mula dito. "What is it?" tanong niya dito. Hindi pangkaraniwan dito na ipagbigay alam sa kanya ang isang problema nang hindi pa nito nasusolusyonan. "May nakakita sa inyo ni Miss Sandoval na magkasunod na lumabas mula sa VIP lounge ng Marcelo's." Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Who the hell is brave enough to spy on me!?" Naisaip ng binata. One of the things Santi despised the most is being monitored. Noong nasa ibang bansa ang binata sinubukan ng mommy niya na magbayad ng tao upang bantayan ang bawat kilos niya. Nalaman niya ito nang minsang mahuli niya itong nakasunod sa kanya. Tinawagan niya kaagad ang ina at nagbantang hindi siya babalik ng bansa kung hindi nito ititigil ang ginagawa. "Who is it?" madalim ang boses niyang tanong. Narinig niyang bumuga ito ng hangin, "Tao ni Director Go. And I've heard that they are currently busy looking for loopholes sa kontrata ng F Advertising. Hindi na ako magugulat kung within the day makarating na kay Mr. Chairman ang balita." "Damn that old fart! I knew this would happen. Meet me at the lobby in half an hour and don't forget to bring the flash drive." One way or another, he anticipated this situation will occur. Ito at ang grupo nito ang tahasang kumokontra sa kanya magmula nang maluklok siya sa pwesto. Later on, he found out that he was vying for the position kaya ganoon na lamang kung kontrahin siya nito. He will enjoy crushing the old man into pieces. Sa pag-iimbestiga ni Rueben ay nalaman nilang matagal nang sangkot sa ipanagbabawal na gamot ang isa sa mga anak nito. Kahit na kontra dito ang direktor ay wala itong magawa kundi pagtakpan na lamang ang anak. Maliban doon malaking pera din ang nadispalko nito sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Dumiin ang pagtapak ng binata sa gasolina. Kailangan niyang maresolba ito kaagad dahil may mas mahalagang bagay na dapat niyang pagtuunan nga atensyon. Walang iba kundi ang panunuyo sa dalaga. HINDI dumiretso sa basement parking ang binata kagaya ng nakagawian niya tuwing papasok sa trabaho. Bagkus, ngayong araw ay sa building entrance siya mismo pumasok. Ibinigay niya sa valet ang susi ng sasakyan upang ito mismo ang magdala sa parking space niya. Nagulat at nataranta ang mga tao sa lobby ng building nang bumungad siya mula sa entrance. Tinanguan lang niya ang mga ito. Natanaw niya ang si Rueben na nakatayong nag-aantay malapit sa executive elevator. Mahahaba ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa kinaroroonan nito. Seryoso ang mukhan binati siya nito at ini-abot sa kanya ang isang itim na flash drive. "You don't need to come with me," madilim ang ekspresyong sabi niya dito nang bumukas ang elevator. Nakakaintinding pumagilid naman ito upang hayaan siyang makapasok sa loob. Matiim itong nakatingin kanya na tila may gustong sabihin ngunit piniling huwag na lamang magsalita dahil sa nakita nitong ekpresyon sa kanyang mukha. Humakbang siya papasok sa elevator. Pagkuwa'y pinindot ang numero ng floor kung nasaan ang opisina ng naturang direktor. Ngumisi siya ng makahulugan sa sekretarya bago tuluyang nagsara ang pinto ng elevator. Pagdating ni Santi sa floor ng opisina ng direktor ay nataranta ang lahat ng tao nito. Tila mga dagang nagsitaguan ang mga ito sa kanya kanyang cubicle. "Mr. President what can we do for you?" Sinalubong siya ng isa sa mga sekratarya nito. Malamig niya itong tiningnan. Tila binuhusan naman ito ng malamig na tubig. "Where is your boss?" matigas na tanong niya dito. "Mr. President, nasa loob po ng office niya si Director Go. Meron po siyang kausap ngayon," hindi nito naitago ang pagkataranta. Walang sabi-sabi siyang naglakad papunta sa opisina nito. Humahangos na sumunod sa kanya ang sekretarya. Wala itong nagawa nang pihitin niya ang knob at itinulak ang pinto. Galit na mukha ng direktor ang nabungaran niya. Tila meron silang pagkakaintindihan ng kausap nito. Nagulat ito pagkakita sa kanya. Puno ng kaplastikan itong ngumiti. Tumayo ito at inutusang lumabas ang taong kanina ay kausap nito. "Good morning, Mr. President! It's an honor to have you here. To whom do I owe the visit?" todo ang ngiti nito pero bakas sa tono ng pananalita ng direktor na alam nito ang dahilan kung bakit nandoon ang binata. Inutusan nito ang secretary nito na magdala ng kape ngunit tinanggihan niya. Hindi na din siya nag-abalang umupo kahit pa inimbitahan siya nito. "I am certain that you are fully aware of the reason Director," walang emosyong pahayag niya dito. Habang nakapamulsa. Lalong lumawak ang pagkakangiti nito dahil sa sinabi niya. Mangani nganing gusto niya ito lapitan at kwelyuhan dahil sa nakitang itsura nito. He cast him a digusted look, "Director Go, I suggest you should stop what you are doing right now because it will be detrimental for your health," ,walang paliguy-ligoy at mariing pakakasabi niya dito. Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito. Bigla itong naging defensive. "Please enlighten me Mr President. Mayroon yata tayong hindi pagkakaintindihan," pakunwaring sagot nito sa kanya. Inilapag niya sa mesang nasa harap nila ang hawak na flash drive. Saka niya ito muling tiningnan. "You will know what I mean after watching this," he said dryly. Siya naman ang ngumisi nang makita niyang tila napunas ang malapad na ngiti nito na napalitan ng pagkabigla. Alam niyang kahit hindi nito panuorin ang laman ng drive ay alam nito ang ibig niyang sabihin. Matapang na sinalubong nito ang titig niya. Walang salitang lumabas mula sa bibig nito pero puno ng galit ang mga mata nito. Hinablot nito ang flash drive na nakapatong sa ibabaw ng mesa at inihulog sa tasang may lamang kape sa harap nito. "Mr. President, I hope you know what you are doing," puno ng pagbabanta ang tinig nito. "No Director. I think, it's the other way around, this is my final warning. I will not be this merciful next time," tinapatan niya ang pagbabanta nito. Santi knows his kind. Matapang lang ito dahil sa mga koneksyon. Pero kapag hinubaran mo ng yaman ay agad itong tatakbong tila asong bahag ang buntot. Nagkuyom ito ng palad. Binigyan niya ito ng matagumpay na ngiti. Pagkatapos ay walang paalam siyang umalis. at iniwan itong umuusok ang ilong sa galit. Magaan ang mga hakbang niyang tumungo sa elevator. Bago tuluyang lumabas ay mataman niyang pinasadahan ng tingin ang mga empleyado nito. Takot ang mga ito na salubungin ang tingin niya kaya nagkunwari nalang silang busy sa kanya kanyang ginagawa. Rinig niya ang tila nagiginhawaang pagbuga ng mga ito ng hangin nang tuluyan siyang makalabas ng opisina ng direktor. IMBES na sa umakyat papunta sa kanyang opisina ang binata ay pinili nitong bumaba at tumungo sa playground. It's the day of the month na pwedeng dalhin ng mga empleyado ang kanilang mga anak sa opisina kaya sigurado siyang nandoon ang ina-anak niya na bunso ni Reuben. "Ninooooong!" excited na sigaw ng batang paslit na sumalubong kay Santi nang marating niya ang children's facility na pinagawa niya. Parte ito ng programang ipinatupad niya para sa healthy work and life balance ng bawat empleyado ng kanilang kompanya. Taunan din ang ginagawa nilang family day kung saan may itinakdang araw para sa bawat department na magpunta sa amusement park kasama ang kanikanilang pamilya. Santi knows how important family time is. Lumaki siyang hindi gaanong nakasama ang ama dahil abala ito noon sa pagpapalaki ng kompanya nila. At mula ipinangako niya na kapag siya ang humawak sa kompanya ay sisiguraduhin niyang magkakaroon parin ng oras ang mga empleyadong magulang sa kanilang mga anak. He kneeled and enthusiastically spread out his arms to catch the little pixie that's running towards him. "Hey Princess! How are you? Did you miss ninong?" malambing na tanong niya dito. Buong giliw namang tumango ang paslit. Natutuwang hinalikan niya ito sa pisngi. Binuhat niya ito at dinala sa loob ng lounge na pinasadya niya naman para sa sarili. Masaya nagkukwentuhan ang magninong nang pumasok ang tatay ng bata. "Are we playing hide and seek now?" Rueben asked with an annoyed expression. Nagpalit palit ang tingin ng bata sa kanilang dalawa. He snickered nang maala ang kanyang ginawa. Isa sa mga rason kung bakit hindi siya dumiretso sa kanyang opisina ay para iwasan ito. Paniguradong hindi na naman ito mauubusan ng tanong tungkol sa kung anong nangyari sa pagkikita nila nga dalaga. "Come on! Cut me some slack. Busy kami ng cute na bisita ko," nakakalokong nginitian niya ito. Pagkatapos ay binalingan niya kaharap na bata. "You know what Princess I do feel sorry for you and for your future boyfriend. Seems like your dad won't take it easy.", malambing na sabi niya dito. Tiningnan siya nito na tila naguguluhan, "Boyfriend? What is that?" inosenteng tanong nito. Giliw na giliw siya sa inaanak dahil matatas itong magsalita kumpara sa edad nito. Madali din itong makaintindi at higit sa lahat ay malambing din ito sa kanya. "Hmmm, a boyfriend is someone like ninong. Pogi, madaming pera, at higit sa lahat mabait." Lalong nanlisik ang mga mata ng kaibigan dahil sa kanyang sinabi. He tried so hard to supress his laughter. Bumaling ang bata sa ama nito na tila gustong magtanong pero hindi ito nagsalita. Bagkus ay muli itong tumingala sa kanya. "Hmm, I hear Daddy always says ninong is pain in the a*se. I don't know what is that." Nawala ang ngiti niya sa mukha at tinapunan ng matalim na tingin ang kaibigan. Itinikom naman nito ang bibig at umiwas ng tingin. "Pain in the arse pala huh!" Pagkuwa'y bumaling siya sa inaanak na nag-aantay ng sagot niya, "Well, that means ninong is awesome!" walang pakundangan niyang sagot dito. "Really! Iwant to be like ninong too!" puno ng siglang sigaw ng inaak. Napatawa siya ng malakas. "I know Princess. I know," he patted her head and smiled sweetly. Noo'y tiningnan niya ang kaibigan at hindi nia napigilan ang paghagalpak ng tawa. Tila gusto siya nitong sakalin dahil sa sinabi niya sa anak nito. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD