Chapter 15

1929 Words
(Dan) Just arrived at the airport. Sorry I got so busy pagdating namin sa Singapore office. I'm assuming everything went well with the meeting. Kakabalik lang ni Irea mula sa pagjo-jogging nang makatanggap ng mensahe mula sa pinsan. Nagtagal ng isang linggo ang inilagi nito sa Singapore kung saan nagkaroon ng aberya ang branch ng kaniyang kompanya. (Irea) There was a slight change but everything was fine. I took ur car home. Want me to pick u up? Ang totoo nawala sa isip niyang i-update ang pinsan. She wanted to clear her mind, so she went on a solo vacation for 3 days. Nagpabook siya sa isa sa mga island resort na matagal na niyang gustong puntahan. Sinadya niyang patayin ang cellphone upang hindi siya maistorbo. Of course, ipinagbigay alam niya kay Audrey ang activities niya. Baka mamaya kasi pagbalik niya galing sa bakasyon ay nasa listahan na siya ng missing person sa presinto. (Dan) No need. Karina booked a taxi. Sige, diretso nalang ako jan sayo. I have something for u. See u in a bit! Napangiti siya sa sinabi nito. Kahit kelan hindi ito pumalaya sa pagbili ng pasalubong para sa kanya. Palagi itong may dalang kahit anong makita nito na siguradong magugustuhan niya. He really treats her like a litle sister. Madalas din silang mapagkamalang magkapatid. She always feels secured around him. Pakiramdam niya ay walang pwedeng manakit sa kanya hangga't kasama niya ito. Kaya tuloy natatakot siyang isipin kung ano ang maari nitong gawin kapag nalaman nito ang nangyari sa kanila ni ng binata. (Irea) R u sure? Hindi ka ba pagod? (Dan) Nope! I'm great! Nagpahinga muna kami bago kami bumiyahe. Balik mensahe nito na nilagyan pa ng muscle emoji. Na-excite bigla ang dalaga. Miss na din niya ang pinsan. Nagpalitan pa sila ng ilang mensahe bago nagpa-alamanan. Napagkasunduan nilang magpinsan na doon magkita sa cafe ng kaibigang si Audrey. PAGDATING ni Irea sa cafe ay nandoon na ang pinsan. Pagpasok niya ay nakita niyang nakaupo din sa mesa nito si Audrey. Hindi napansin ng dalawa ang pagdating niya. Sinenyasan niya ang empleyado ng kaibigan na huwag tawagin ang atensiyon ng mga ito. "Sus! Kaya pala nagkakandarapang magpunta dito, iba pala ang sadya!" pigil ang ngiti niyang pinagmasdan ang mga ito. Tila may seryoso silang pinag-uusapan dahil nakakunot ang noo ng pinsan. Gusto pa sana niyang panuorin ang mga ito ng matagal pero baka mabuking siya. Nakangiting humakbang siya patungo sa mga ito bago pa siya mahuling nakamasid. "Hi, welcome home!" Nakangiting bati niya sa pinsan at pagkatapos ay bumaling din siya sa kaibigan. Agad naman siyang napansin ng mga ito nang kumilos na siya palapit sa kanila. "Mukhang seryoso pinag-uusapan ninyo ah," gusto niyang makita ang reaksyon ng mga ito. Hindi nagpakita ng anumang emosyon ang pinsan pero napansin niyang namula ang pisngi ni Audrey. "Wala. May tinatanong lang pinsan mo tungkol sa structural designs," maagap na sabi nito at makahulugang tumingin sa pinsan niya. "Yeah," pagsang-ayon naman ng isa. Kapagkuwa'y bigla itong tumayo, "Let me go get your drinks." Paalam nito na nakaiwas parin ng tingin sa kanya. Irea cannot name it but, there is definitely something going on. Napansin niyang tila balisa ang dalawa. "Hmmmm... Parang nangangamoy LQ ito ha..." Mataman niyang pinagmasadan ang pinsan na noo'y nakatingin sa likod ng papalayong kaibigan. Gloominess is very evident in his eyes. Nginitian niya ito ng matamis nang mahuli siya nitong nakatitig dito. "So, how was Singapore?" Biglang naging awkward ang pakiramdam niya. Gusto niyang itanong kung bakit mukhang malungkot ito pero ayaw niyang maging nosy sa lovelife ng pinsan. Mag-aantay nalang siya ng mga susunod na kabanata. "Thankfully, everything went smoothly. Nagkaroon ng issue yung isang kontrata doon. Mabuti nalang kakilala ni Mr. Villamar yung may-ari. Nakuha sa mahabang usapan at matinding sorry," his voice is full of relief. She flinched by hearing the man's name. Sa dinami dami ng taong pwede nitong banggitin bakit ito pa! "That sounds great!" aniya. Hindi nito napansin ang pagbabago ng boses niya. "I told you Rea that man is incredible! I didn't expect for him to help me out! Well, actually it's not him personally. Yung secretary niya ang nakipagusap. He said it was Mr. Villamar's orders," puno ng papuri ang boses nito para sa huli. "Incredible my arse!" She gave him an uncertain smile. Hindi siya nagkomento sa sinabi nito. "Hey! I'm not try to pitch for him. I'm just thankful!" biglang sabi nito nang mapansin ang alanganing ngiti niya. "Oh no! Even if you do, I'm sorry to disappoint but, I'm not interested at all. Never," she said in a clear voice. Irea silently applauded herself dahil hindi siya pumiyok sa pagkakasabi ng mga katagang iyon. "Uhmm, ok. Just saying," makagulugang sabi nito na nakatingin sa kanya. Imbes na makatulong ang sinabi niya ay tila nakadagdag pa ito sa pagdududa nito kung anu ba talaga ang estado ng relasyon niya at ng binata. Pinandilatan niya ito ng mata, "What?" "Nothing!" painosenteng sagot nito. Maya-maya ay tila may dinampot ito mula sa sahig. Pag-angat ng kamay nito ay may hawak itong paper bag. Nanlaki ang mata ng dalaga sa sobrang tuwa pagkakita dito. Nakatatak sa paperbag ang titulo ng isa sa mga paborito niyang anime. "Is my debt considered paid?" Nakangising tanong nito sa kanya sabay abot ng hawak na paper bag. Todo ang ngiting inabot naman ito ng dalaga. Nagmamadaling sinilip niya ang laman nito. Tila batang napabungisngis siya sa nakitang laman ng paper bag. "Yep! But not entirely!" Puno ng kasiyahang pananood siya ng pinsan nang ilabas niya ang figurine version ng bagong anime character na gustong gusto niya. Ayon dito ay mayroon daw anime convention doon sa hotel na tinuluyan nila sa Singapore at naalala siya nito kaya ito napabili bigla. Masaya silang nagkukwentuhan nang lumapit ang isa sa mga empleyado ng cafe na may dalang tray. Nakalagay dito ang isang tasa ng kape para sa pinsan at frappe naman para sa kanya. Hinanap niya ang kaibigan mula dito. Ang sabi nito ay meron daw itong natanggap na tawag galing sa firm ng pamilya nito at pagkatapos nun ay nagmamadaling umalis. Bigla namang bumalik ang lungkot sa mata ng kanyang pinsan. Nag-alala tuloy siya sa sitwasyon ng dalawa. Nang mangalahati ito sa iniinom nitong kape ay itinaboy na niya ito pauwi. Bumalik naman siya sa kanyang apartment. Kailangan niyang kausapin ng masinsinan ang kaibigan. TANAW ni Irea ang kotseng nakaparada sa harap ng building na inuupahan. Napakunot ang noo niya sa pag-aalala kung meron ba sa mga kapitbahay niya ang nagmamay-ari ng saksakyang kagaya nito. Wala din namang bakanteng kwarto kaya sigurado siyang hindi ito bagong tenant. Pawisan ang dalaga sa dahil sa pagtakbo. Noon ay pabalik na siya mula sa park kung saan siya araw-araw na nagjo-jogging. Napahinto sa paghakbang ang dalaga papasok sa apartment building nang mapagsino ang nakaupo sa receiving area ng lobby nito. Napatikwas ang kilay niya nang makita si Santi na nakaupo at masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang landlady. "Irea, ineng mabuti at nakabalik ka kaagad. Kanina pa nag-aantay etong boyfriend mo sayo." Nakangiting wika nito. Pinamulaan siya ng mukha sa sinabi nito ngunit hindi na siya nag-abalang itama ang maling akala ng matanda. Noong isang araw lang ay nagulat siya nang pagbuksan ng pinto si Audrey dahil nasa likod nito ang binata. Gusto niyang singhalan ito at palayasin ngunit nagpigil siya dahil ayaw niyang ikwento sa kaibigan ang nagyari sa pagitan nila. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap noon dahil sinadya niyang huwag itong pansinin. Mabuti nalang at hindi din ito nagpilit na kausapin siya. Sumama din ang binata kay Audrey noong nagpa-alam ang huli. "O siya, yaman din lang na nandito ka na ay maiwan ko na kayo." Anang matanda. Tumayo na ito at nagpaalam sa kanilang dalawa. Wala itong anumang sinabi pero tumingin ito sa kanya at makahulugang ngumiti. Hindi na siya magtataka kung maya-maya lang ay nandiyan na ang kaibigan. Isa ito sa mga 'pasa-bilis' ni Audrey kaya alam niyang kahit anung sabihin niya ay hindi din siya nito paniniwalaan. "What are you doing here Mr. Villamar? I don't remember inviting you over," mahina ngunit mariing sabi niya dito. Hangga't maari ay ayaw niyang lakasan ang boses dahil iniiwasan niyang marinig sila ng mga ibang tenant na nag-uumpisa nang magsilabasan. "I'm here to apologize and explain," seryoso itong nakatingin sa kanya. "Was it not clear when I told you to stay away from me?" walang emosyong tanong ni Irea sa binata. Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito. "It wasn't my intention to deceive you or ridicule you. I may have a horrible way to express myself but I sincerely want to get to know because I like you," dirediretsong sabi nito. Ni wala itong pakialam sa mga taong nasa paligid nila. This guy is very capable of rendering her speechless in so many ways. How bold of him to say those cringeworthy words in broad daylight. It's only 7 o'clock in the morning and yet here he is confessing impetuously. Matagal na nag-isip ang dalaga ng sasabihin ngunit wala siyang mahagilap na salita. Nanatili lang siyang nakatitig dito. She's trying to weight over kung talagang sinsero ba ito. He is looking at her earnestly. "Mr. Villamar, let me repeat myself. And let me be clear this time. Hindi ako interesadong kilalanin ka outside of work at wala din akong planong makipaglapit sayo. I don't know what your intentions are but, stop wasting your time," matigas ang loob na sabi niya dito. Hindi niya lubos maisip kung ano ang gusto nitong palabasin dahil sa ginawa nito. Una ay hinalikan siya nito nang walang pakundangan tapos ngayon bigla itong magko-confess? Someone like him to someone like her? What are his intentions? Kung tutuusin sa itsura nito paniguradong kaya nitong punuin ang isang mall sa dami ng babaeng nagkakandarapa para dito. Even without his status he is considerably a good catch kung looks lang pag-uusapan. Unti unting lumamlam ang mga mata nito. "I understand." Bagsak ang mga balikat nitong napahugot ng hininga. Lumunok ito ng marahan na tila ba may nakabara sa lalamunan nito. "Maybe, you will hate me more but, I won't stop coming until my sincerity reaches you. Maybe then, you'll learn to accept me." Pahayag nito sa mababang boses pero kita sa mata nito ang determinasyon. Lalo tuloy natigilan ang dalaga. Bakit nito ipagpipilitan ang sarili nito sa kanya? Sa likod ng isip niya alam niya ang nais nitong iparating. Pero may takot siyang naramdaman. Handa na ba ang puso niya? Pwede na ba siyang magtiwala ulit? A profound obscure sense of confusion began to torment her mind. This is one of those unforeseen emotion that Irea tried to mask by avoiding him. The first time he saw him felt like nothing. Oo, malakas ang dating nito pero wala siyang pakialam kasi hindi naman siya interesado. But, after several meetings, she started to feel restless when he's around. His intense gazes give her heart rapid beats. His develish smiles began hovering her nigh time thoughts. Wala paring maisip sabihin ang dalaga. She tried to clear her throat. "I think you should leave." Muling nagbalik ang kalungkutan sa mga mata nito. Pero wala itong nagawa kundi tumayo. "I will be back Iredea," matiim na pahayag nito at tuluyan nang lumabas mula sa building patungo sa nakaparadang sasakyan. Naiwan siyang nakamasid sa papalayong binata. She pressed her lips. The heart she kept devoid of emotion suddenly feels empty after he left. "Oh! For fvck's sake!" tila narinig niyang nagplay ang kanta ni Taylor Swift na 'I knew you were trouble'. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD