Chapter 16

1909 Words
BLANGKO ang ekspresyong nakatunghay si Irea sa tasa ng kape na nasa harap niya. Madaming tumatakbo sa isip ng dalaga. Ilang araw na ang nakalipas ngunit paulit-ulit paring nagpe-play back sa tainga niya ang mga sinabi ng binata. Looking back, she realized that it's the 1st and only confession she received simula nung naging single siya. She managed to stay out of contact from the opposite side. It's as if the world understood kung ano ang pinagdaanan niya. If someone asks her just what kind of life she's been living? Wala din siyang ideya pero ang mahalaga ok siya. "So, how's your progress? Sa tingin mo papasa ka na ba sa Hogwarts?" nakakalokong tanong ni Audrey sa kanya. Nagugulumihanang tiningnan niya ito. Lately nagiging madalas ang pagiging absent minded niya. "Kanina ka pa nakatitig sa kape mo eh. Are you trying to make it bubble? Hoy! Iredea hindi ka papasa don. Let me remind you, you're a muggle born. Wala kang magic girl!" Inirapan niya ito. Minsan talaga pang-out of this world ang mga sinasabi ng kaibigan. Napansin niyang nagbalik na ang buhay sa mga mata nito. Hindi na ito balisa kagaya nang huli niya itong makita. "Ay hindi, meron pala! Kasi na-magic mo yung puso ni Mr. Villamar! Ayiieee!" Kilala niya kung kaninong source nanggaling ang sinabi nito. Malamang, kanino pa ba kundi sa landlady niya. Iba din ang circle of friends ng kaibigan niyang ito- building owners at yung mga taga salon. Hindi maipagkaka-ilang certified marites nga ang bruha. "Ano na! Spare me some deets! Akala ko wala nang pag-asa kasi parang hangin mo siya ituring." Kulang nalang ay idikit nito sa kanya ang sarili nitong tenga. "Wala!" Pag-iignora niya dito. Saka dinampot ang tasa ng kape na noon ay malamig na. Sigurado siya na kahit hindi siya magkwento dito alam na nito ang buong detalye. Sa dami ba naman ng 'cctv' sa paligid niya nung araw na iyon, malamang recorded lahat. Mabuti nalang at wala pang x-ray vision ang mga ito dahil kung hindi baka pati yung pagwawala ng puso niya sa loob ng kanyang dibdib ay naibalita na sa kaibigan. "Ay, damot naman! Anywaysssss, anong score?" Patuloy na pangungulit nito na may kasama pang kindat. Mukhang mali yata ang lugar na pinuntahan niya. Gusto niya ng lugar na tahimik pero ayaw niyang mapag-isa. Kaya ang pumasok sa isip niya ang cafe ng kaibigan. Nag-text muna siya kay Jess para itanong kung nadoon ang amo nito. Nagreply naman ito at sinabing busy ito ngayon sa bago nitong project. Dali-dali siyang nagtungo pagkatanggap ng mensahe. Ang hindi alam ng dalaga ay sinadya siya ng kaibigan sa apartment niya. Ngunit nang malaman nito na wala siya doon ay kaagad itong dumiretso sa cafe kung saan siya nito natagpuan. "Wala," kibit balikat niyang sagot ulit dito. Nag-iisip ang dalaga kung anung dapat niyang gawin para matigil ang kaibigan sa kakatanong. Naisip niyang tanungin ito kung lumalabas ba sila ng pinsan niya ngunit hindi niya ito itinuloy. Baka may dahilan ang kaibigan kung bakit hindi pa nito nakukwneto sa kanya. Isa pa hindi din naman siya sigurado kung meron nga bang relasyon ang mga ito. "Hooooy bruha! Huling byahe mo na! Anu pang ayaw mo don jackpot ka na!" hysterical na litanya nito sa kanya. Napatakip siya sa tenga dahil sa boses nito. Buti nalang at walang ibang tao sa loob ng cafe nang mga oras na yon. "Grabe ah, kung makasabi ng huling byahe, magka-age lang naman tayo!" Ang totoo niyan mas bata pa nga siya ng isang taon dito. Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Don't you dare compare! At least ako nakarami na!" tila proud pang sabi nito. Hindi na mabilang ni Irea kung ilan ang ipinakilala nitong boyfriend nito sa kanya. Kapag inaya siya nito na sumama sa isang group date ay alin lamang sa dalawa ang dahilan - may bago itong nobyo o gusto siya nitong i-set up sa isa sa mga kaibigan ng kasalukuyan nitong nobyo. Natawa nalang siya sa sinabi ng kaibigan. "But seriously, doesn't he stand a chance? I mean, don't you think it's time?" Ito ang mga tanong na wala siyang sagot. Kinapa niya sa dibdib kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Humupa na ang galit niya sa ginawa nito pero hindi ibig sabihin nun ay nakalimutan na niya ito. Biglang natahimik ang dalaga. "Do you still feel something for Dave?" Hindi napigilang tanong nito na nagdilim pa ang ekspresyon pagkabanggit nito sa panaglan ng ex. Isa din ito sa mga naghuramentado nung nalaman nito ang ginawa sa kanya ng ex. Sumugod ito noon sa kanilang opisina para makita ang binata. Thankfully, hindi naman ito nag-eskandalo pero alam niyang hindi makakalimutan ni Dave ang mga katagang sinabi ng kaibigan. "What! Wala na uy!" Mabilis pa sa alas kwatrong sabi sagot niya sa tanong nito. "So why? Don't tell me nagkaroon ka ng trust issues dahil sa damuhong yon!" nagdududang pahayag nito. Hindi siya sumagot pero ito ang tila naging hint na nagkompirma sa hinala ng kaibigan. "Seriously? Why didn't you tell me? Kaya pala walang nag-work out ni isa sa mga sinet-up ko sayo. At first, I thought you're just not ready yet. Then later on kako baka naging pihikan ka na," nalulungkot na sabi nito. Malimit siyang karay-karay nito sa mga pinupuntahan nitong group dates. Hindi naman siya makatanggi dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang naging kondisyon dito. Una sa lahat ni hindi nga niya alam kung sanhi ba talaga ng trauma yung nararamdaman niya. "Kawawa naman si Mr. President, basted agad. Sayang, bet ko pa naman siya para sayo." "Actually, he tried to kiss me," pag-aamin niya dito na pinagsisihan niya din sa huli. Lihim na pinagalitan niya ang sarili. Alam niyang nasa danger zone siya ngayon. She just opened Pandora's box. "Anoooo! You kissed!" tila sirena ng ambulansya ang boses nito. "Correction! He kissed me without consent! Sa makatuwid ninakawan niya ako ng halik!" Nagtatawa ito sa sinabi niya, "Ninakawan!? Anu ka, high school?" "Excuse me! Regardless! Doing something without consent is considered crime!" bigla'y gusto niyang dagukan ito. "Wow crime! O, eh anung nangyari, pinakulong mo?" Iningusan niya ito. "Bruha magkwento ka! Ano? mabango ba hininga? masarap ba laway niya? Sheeeeet! Yung bff ko, may first kiss na after 10 years!" kulang nalang ay i-broadcast nito sa buong street nila ang nalaman nito. "Alam mo sa susunod hindi na ako magkukwento sayo!" napipikong sabi niya dito. Bigla naman itong natahimik dahil sa sinabi niya. Alam kasi nito na bihira lang kung mag-open up siya sa mga kaibigan. Madalas ay sinosolo niya lang ang nararamdaman. Kagaya noong nakipagbreak siya sa ex niya. Pilit niyang itinago ang nangyari sa mga ito. Nagdahilan siyang uuwi ng probinsya ng kanyang mommy nung nawala siya ng tatlong buwan. Pero ang totoo ay nagcrash siya sa bahay ng pinsan. "Ok sige, behave na ako." Kunwa'y umayos ito sa pagkaka-upo at kumikinang ang mga mata tumingin sa kanya. "Remember, nung may meeting dapat kami na hindi nakasama si Dan kasi pumunta siya sa SG?" wala siyang choice kundi ikwento sa kaibigan ang buong pangyayari dahil tiyak na hindi siya patutulugin nito. Worst case scenario baka maki-sleep over pa ito sa bahay niya. "Ah! nung mukha kang artista!" Nagliwanag ang mga mata nito nang maalala ang araw na binanggit niya. Umikot ang mga mata niya. Wala talagang nakakalampas sa radar ng kaibigan. "Biglang nagbago yung venue so I thought, I need to dress appropriately. Ayoko namang magmukhang alanganin no!" pagtatanggol niya sa sarili. Which is totoo naman. "Hmmm, saan naman?" nagdududang tanong nito. Wala talaga itong papalampasing detalye. Bagay dito maging detective kesa maging architect. "H Hotel. Marcelo's," maikling sagot niya. "OMG! Iredea Marie how can you be so dense!?" tila gusto siya nitong sabunutan. Bahagya pang umangat ang pwetan nito sa pagkakaupo. Wala siyang ideya sa ibig sabihin nito. Muli itong nagsalita nang makita ang litong ekspresyon niya, "How could you be so clueless! Sa tingin mo ba may nagmi-meeting sa isang restaurant na may apat na Michelin star?" How would she know? Trabaho ang nasa isip niya nung araw na yon. Hindi na siya nag-abala pang pagdudahan ang dahilan kung bakit bigalang nagbago ang venue ng meetig nila. "Soooo, pagdating mo dun kayong dalawa lang pala ang magkikita. Tapos naakit siya sa taglay mong kagandahan. And voila! The magical kiss happened!" tuloy-tuloy na sabi nito. Tila ito nagbabasa ng isang romance pocketbook. Hindi siya naka-imik dahil tama lahat ng sinabi nito malaiban sa part na naakit ang binata sa ganda. Malamang nag-init ito kaya siya hinalikan nito. Kapagkuwa'y nag-iba ang ekspresyon nito, "Nadala ka ba sa maiinit na halik niya? May nabuhay ba? May naramdaman ka bang namasa?" Noon nahiling ni Irea na sana totoo ang magic at sana meron siya nito dahil gusto niyang painitin ang kape sa harap niya at ibuhos sa kaibigan para magtigil na sa mga kalokohang pinagsasabi nito. "I kicked him," she said with triumphant eyes and sardonic grin. Nabura ang malapad na pagkakangiti ng kaibigan. Pinanlakihan siya nito ng mata, "What! How could you...," tila nanlulumong sabi nito. Sinadya niyang huwag banggitin sa kaibigan na nakaramdam siya ng panic attack dahil sa ginawa ng binata. Aware ang mga ito sa 'kondisyon' niya. Actually, it was Audrey who urged her to seek professional opinion. But she assured her that it's nothing serious. Ayaw niyang dumagdag pa sa mga alalahanin nito. "What? I told you. Doing things without consent is a crime right?" naka-ismid na sabi niya dito. "Ah, kailangan niya munang magpaalam ganun? As if naman papayag ka! I'm wondering where did all the romance in your body has gone to! Kakanood mo yan ng anime!" Hindi makapiwalang tiningnan niya ito, "Romance! Kelan pa naging romance ang panlilinlang! Kung sana malinis ang intensyon niya bakit kailangan niyang gawing dahilan yung meeting!?" "May trust issues ka nga teh! Good luck kay Mr. President. Ipapahanap ko sa kanya yung ex mo tapos ipapabugbog ko!" gigil na sabi nito. "Well, he is partly to be blamed but it's not entirely his fault. I shouldn't have been too dependent on him. Nevertheless, I've learned my lesson." Audrey looked at her tenderly. "Of course! It was devastating at ayoko na ding maulit yun. But bes don't you think you're being unfair to yourself and to the him? I mean it's not his fault what the other guy before him did to you. I'm not forcing you to do something that you're not ready yet. I'm just trying to say na you can be happy again." Mapait siyang ngumiti. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito, "You were badly wounded and it was a terrible experience. But just so you know not all men are j*rk, yung ex mo lang talaga ang bukod tangi! "I know your scared and that's totally fine because it's normal. But, how can you find your guy kung hindi ka magbibigay ng chance sa taong gusto kang pasayahin. "In my experience, yung sugat sa puso parang sugat din yan sa tuhod, pag binalot mo ng makapal na bandage magnanaknak yan hanggang sa mainfect ang ending mapuputulan ka ng paa. So, stop building walls around your heart. You know we always got your back, right?" pagpapatuloy nito nang mapansing tila nakikinig lang siya. She felt a lump in her throat. It's true that her heart was surrounded by an impregnable fortress. But that was before she met Santi. Now, that fortress is beginning to crack. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD