"PARE how do you say sorry to Jenna?" seryosong tanong ni Santi sa kaibigang si Rueben.
He is not expecting a warm welcome from Irea when he decided to go to her apartment. Pero hindi din niya inaasahan ang tahasang pagtataboy ng dalaga sa kanya pagkatapos niyang aminin na may gusto siya dito.
"Why? What did you do to Ms. Sandoval?" Nag-aakusang tanong nito.
"Presumptuous much are we?"
Kibit balikat nitong itinungga ang bote ng beer na hawak-hawak. Pagkatapos ay muling nagsalita, "Well, if you have another woman in your life then, my apologies."
Gusto niyang pagsisihan ang ginawa niyang pag-aya dito. Naalala niya na ito pala ang dakilang kontrabida sa lahat ng gusto niyang gawin para sa dalaga.
"Yung paghingi ng sorry depende yan sa status ng relasyon ninyo," wika nito sa tonong animo'y nagbibigay ng lesson 101.
Tiningnan niya ito. Walang ideya ang binata sa kung anu ang ibig sabihin ng kaibigan. He never had to pursue someone before, to say the least just to say sorry. With his past casual relationships all he had to do is to say the word. The next thing after that is to make her scream in bed. Life has been easy for him until he met Irea.
"I did confess that I like her," pagbibigay alam niya dito.
Muntik na nitong maibuga ang beer na ininom nang marinig ang sinabi niya.
"What! When? How?" tila nababaliw ang ekspresyon nitong bumaling sa kanya.
"I went to her apartment the other day to apologize and I confessed."
"I heard you! But how did you even know her address?"
"Research," sagot niya dito.
Iiling iling na muli itong tumungga. Inutusan niya ang kanilang security team na alamin kung saan ang eksaktong address nito. Maliban doon ay wala na siyang inutos pang iba dahil sigurado siya na hindi magugustuhan ng dalaga kapag nalaman nito ang ginawa niya.
"Since you're here with me right now. I suppose it didn't go well."Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay siya naman ang tumungga ng beer na hawak.
Sinaid naman nito ang laman ng bote nito bago ito nagsalita, "You know that I'm totally against this trying to mix business with pleasure thing, right? But, let me ask you one thing. Gaano ka kaseryoso kay Ms. Sandoval?"
"I'm dead serious bro. Do you think what I do now is just playing around?" seryosong sagot niya dito.
The first time he saw her at the cafe. He knew there was something special in her and maybe, fate made it possible for them to meet over and over again. Perhaps, it's no longer a simple curiosity sa parte ng binata. He never thought of the word future with any woman in mind before. And he really wants to get to know her more. Be close to her, and maybe in the future...
"In that case, kailangan mong mag-effort. Mukhang bad shot ka kay Ms. Sandoval. I'm surprised walang epekto sa kanya yung charisma mo. Sa tingin ko, Ms. Sandoval and I are the same," makahulugang sabi nito.
"And what in the world is the meaning of that?"
"Nevermind. Remember what Jenna did? Do it. Kahit ilang beses ka niyang itaboy huwag kang susuko," payo nito sa kanya.
Ilang beses na niyang narinig ang lovestory ng dalawa. Jenna was Rueben's senoir during college days. He lost to a petty bet and as a consequence he had to do a lap dance for her. That's how their crazy love started. Sa kanilang dalawa, ito ang tahimik at laging pormal, in short isnabero. Likas ang pagiging mahiyain nito kaya halos hindi ito makapagsalita sa harap ng mga babae. Nagulat nga siya na tinanggap nito ang dare.
Later on, he found out na may lihim na pagtingin ang kaibigan para dito. Ngunit imbes na ligawan ito ay mas pinili ng kaibigang iwasan ang babae. Kaya ang ending si Jenna ang 'nanligaw' sa kaibigan. Halos araw-araw ito kung nakaabang sa labas ng dorm nila para sabayan ito sa pagpasok. And the rest was history. May dalawa nang anak ang mga ito and Jenna is pregnant with their third child.
"So, what do you think? It's going to be fun right? At least for me, but I will be rooting for you," nakangising sabi nito na tila nang-aasar.
Tiningnan niya ito ng masama.
Mukhang suntok sa buwan ang ipinapayo nito ngunit wala namang mawawala kung susubukan niya. Bukas na bukas din ay isasakatuparan na niya ang naisip na palno kung paano mapapalapit sa dalaga.
"GOOD morning," anang malalim na tinig.
Muntik nang mapasigaw ng malakas ang dalaga sa labis na pagkagulat. Alas kwatro palang ng umaga at madilim pa ang paligid. Suot ang kanyang running shoes, oversized shirt at sweat pants, paalis palang ang dalaga patungo sa park kung saan siya malimit na nagjojogging. Nang makabawi sa pagkagulat ay nilingon niya ang bahagi na pinanggalingan ng boses. Nakangising mukha ni Santi ang nakita niya.
"Anung ginagawa mo dito?"
Nagsisi tuloy siyang tinanong pa ito. Well, obvious naman sa get up nito na may balak itong samahan o mas tamang sabihing sundan siya sa pagtakbo. Nakashorts at plain white shirt ito na nakasuot din ng running shoes. Pasikreto niya itong sinipat mula ulo hanggang paa. It's strangely refreshing to see him in his casual clothes. Puro tailored suit lang kasi ang lagi niyang nakikitang suot nito.
"Aakyat ng ligaw. Diba sabi ko sayo babalik ako," walang kagatol gatol na sagot nito sa kanya.
"Excuse me! At kelan pa kita pinayagang manligaw? And do you know what time is it!"
Hindi niya malaman kung paano ito itataboy. Tila determinado talaga itong sumama sa kanya. Animo'y tuta itong nakasunod agad sa kanya nang magsimula siyang maglakad.
"Wala ka ngang sinabi pero, di bale na, ang mahalaga mapa-sagot kita," sabi nito mula sa kanyang likuran.
Sumikdo ang dibdib ng dalaga sa narinig ngunit hindi niya ito ipinahalata. Bagkus ay nilingon niya ito at pinandilatan. Kindat naman ang isinagot nito sa pagsusungit niya na lalong ikinabilis ng pagtibok ng puso niya.
Hindi pa man nag-uumpisang tumakbo pero mukhang sapat na ang presensiya ng binata para makumpleto ang cardio exercise niya sa araw na iyon.
Naalala niya ang naging usapan nila ni Audrey noong nagdaang araw. Handa na ba siyang sumubok ulit?
Tahimik lang na kasasunod sa kanya ang binata. Subalit, kapag tuwing may pagkakataon ay panay ang tanong nito sa kanya.
"What's your favorite color?" curious na tanong nito.
Hindi umimik si Irea na patuloy lang sa mabagal na pagtakbo.
"C'mon, it's not in your profile and it's important to me so," dagdag pa nito.
Bigla siyang napahinto sa narinig. Nilingon niya ito ng marahas. Anong profile ang pinagsasabi nito? Pinaimbestigahan ba siya nito?
"You're keeping a record of me!" magkasalubong ang mga kilay niyang tanong dito.
Muntik nang bumangga sa kanya ang binata kung hindi lang ito naging maagap sa mga kilos. Napaatras ito ng bahagya upang umiwas na magdikit ang kanilang katawan.
"Whoa, hold on! Before we get into another misunderstanding. It's just a profile with your PPI."
Nagdududang tingin ang isinukli niya dito. Bigla naman itong nagtaas ng kamay sa ere.
"I swear, nothing weird. Itatanong ko ba sayo kung alam ko na?" he said in assurance.
Pairap siyang nagbawi ng tingin saka muling kumilos upang ituloy ang pagtakbo.
"Hey, can I have your answer now?" muli ay untag nito sa kanya.
Unang araw palang ng pagsunod nito sa kanya ay nabubulabog na ang mundo niya. Nagsisimula nang dumami ang tao sa park. Pinagtitinginan din sila ng ibang mga nakasabay nilang nagjojogging sa oras na iyon. Marahil ay dahil ito ang unang beses nilang makitang mayroon siyang kasama.
"I don't have any specific color that I like," sagot niya dito na hindi lumilingon.
"Hmmmn, ok."
What! Seryoso ba ito sa pagtatanong sa kanya? Bakit tinaanggap kaagad nito ang sinabi niya?
"How about flower? Do you have something that you like?"
"None."
"Hmmmn. I see."
Nakikipaglokohan ba ito sa kanya? Binagalan niya ang pagtakbo hanggang sa makarating sila sa dulo ng running course.
"Mr. Villamar, like what I told you stop wasting your time. You will gain nothing from this," seryoso ang tinging sabi niya dito.
She thinks he's being a coy.
"No, you're wrong. The most important time for me is being with you. And will do my very best to gain you," he said with resolute expression.
Ipinagpasalamat ni Irea na nataong madilim pa ang paligid dahil naitago nito ang pamumula ng kanyang mukha. Wala sa itsura ng binata na kaya nitong magbitiw ng mga ganoong kataga. He always has a strong air of confidence and arrogance around him.
"This guy is really something else!"
Nagmamadaling nagpatiuna sa pagtakbo ang dalaga. May ngiti ang mga labing sumunod kaagad si Santi.
NANG sumunod na araw ay nakaabang ulit ang binata sa labas ng apartment building niya. Abot tenga ang ngiti at may dala-dalang isang bugkos ng red tulips. Pagkakita nito sa kanya ay kaagad siya nitong nilapitan.
Seryoso ba talaga ito sa panliligaw sa kanya? Bakit nandito ulit ito at may dala pang bulaklak?
"Mr. Villamar are you doing this for fun?" nakahalukipkip na tanong niya dito.
Napalitan ng seryosong ekspresyon ang ngiti nito, "Please don't send me away. This is the only way I know to prove my intentions," anito.
"Fine! Do as you wish!"
Pagkarinig na pagkarinig nito ng mga katagang iyon ay kaagad na nagliwanag ang mukha ng binata. Kasabay nun ang pag-abot nito sa kanya ng bitbit nitong bouquet. Walang nagawa ang dalaga kundi abutin iyon. Kinailangan niyang umakyat ulit para dalhin ang mga bulaklak sa kanyang apartment. Pagkatapos ilagay sa bakanteng vase ay muling bumaba ang dalaga para ituloy ang planong pagjojogging.
To be continued....