bc

MYSTY

book_age16+
545
FOLLOW
1.7K
READ
adventure
dark
comedy
mystery
female lead
male lead
magical world
rebirth/reborn
special ability
intersex
like
intro-logo
Blurb

Sino nga ba ako? Anong pagkatao ang meron ako? Saang mundo ako nanggaling? Saan nga ba talaga ako nararapat?

Ito ang mga bagay na tanong sa aking isipan, na hindi ko mahanapan ng ano mang dahilan. Mga tanong na hinahanapan ko ng mga kasagutan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Nagising ako ng hating gabi dahil hindi ko makita ang alaga kong si Dark. Masasabi kong masyadong gala ang pusa na ‘yon ngayon. Masyadong malaki ang bahay para makita ko sya at kailangan nya pa talaga akong paghanapin sa kanya ng ganitong oras.   “Dark!” tawag ko habang bumababa.   Buti nalang at wala sila mommy at daddy dahil nasa business sila. “Dark,” tawag ko pa.   Nang makababa ako ay saka ako lumabas ng mansion at pumunta sa may garden. Nang makarating ako ro’n ay napahinto ako ng makita kung gaano kakinang ang buong paligid na para bang ginamitan ng magic. Alaga ni mommy ang lahat ng halaman at bulaklak dito. Pero hindi ko pa nakikita na ganito ito. No’ng huling dalaw ko ay hindi ito ganito.   Napangiti ako sa nakita ko at the same time ay namamangha. Sobrang ganda nito na para bang nasa magical world ako. Hindi ako masyadong lumalabas ng bahay kahit pa minsan ay nabo-boring ako. Lalabas lang ako kapag papasok na ng school.   “Woah, nakakatuwa naman ang mga kinang nyo.” Nakangiting sabi ko habang hinahawakan ito.   Tila maraming alitaptap sa paligid at nakalimutan kong hinahanap ko nga pala si Dark. Kaya naman agad akong napatingin ulit sa paligid at saka hinanap si Dark. Pero hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa bawat bulaklak at halaman na nasa paligid nitong garden. Minsan lang akong magawi dito pero never ko pang nakita na ganito kaganda itong paligid. Buti nalang at medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon kesa kaninang umaga.   “Meow.” Napalingon ako sa nag-meow at agad kong nilapitan si Dark.   “Nandyan ka lang pala,” sabi ko saka sya binuhat. “Hating habi na. Ano’t nandito ka sa garden ng ganitong oras?” tanong ko kay Dark kahit na alam kong hindi naman sya sasagot.   Lumabas na ako do’n sa parang bahay na garden ni mommy. Bukod pa ang ibang mahahalagang bulaklak at gustong-gusto ni mommy na mga halaman. Mula dito sa labas nakikita ko parin ang tila nagliliwanag nitong mga pagkinang. Sobrang nakakamangha talaga.   “Kailan pa naging ganyan ang garden ni mommy?” takang tanong ko sa sarili ko.   “Because of me.” Nanlaki ang mata ko ng may magsalita at agad akong lumingon sa kung sino ‘yon.   Hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko at kahit na kailan ay hindi ko pa nakikita. Tumingin ako sa paligid at hindi ko alam kung tama bang ako ang kausap nya o talagang pilingera lang ako?   “S-sino ka?” tanong ko sa kanya.   Nakikita kong hindi sya ordinaryong tao katulad ng iba na gaya ko. Ang bawat parte ng kanyang kasuotan ay naiiba sa kasuotan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi rin sya taga rito. Napasinghap ako ng bigla itong lumapit sa ‘kin at hindi ko alam kung anong gagawin ko.   “Muli tayong nagkita,” ani nya   Nanginginig ang binti ko at mas lalong napahigpit ang hawak ko kay Dark. “A-ano bang sinasabi mo.”   “Nandito ako para sunduin ka,” bulong nito sa tainga ko.   “H-hindi kita kilala.”   “Kilala mo ‘ko.”   “Hindi sabi!”   “Mysty.” Hindi ko alam kung bakit tila napahinto no’n ang pagtibok ng puso ko ng tawagin nya ako.   “Sakura ang pangalan ko at hindi Mysty,” sabi ko naman saka ko sya marahan na tinulak.   Napangisi sya sa ‘kin dahilan para mas lalong mangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sya narito at hindi ko alam kung sinong Mysty ang sinasabi nya. Parang narinig ko na ‘yon pero hindi ko na maalala kung saan at kailan.   “Tama nga ang sinabi nila,” sabi nya na may malamig na tono.   “S-sino ka ba? Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita,” sabi ko habang yakap-yakap si Dark.   “Ako si, Al,” pagpapakilala nya.   “A-Al?” wala sa sariling usal ko.   “Hindi ba pamilyar sa ‘yo, ang pangalan ko?” tanong nya na syang ikinakunot ko ng noo.   “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung maari sana ay umalis kana dahil kapag nakita ka ng mga guard dito mayayari ka,” sabi ko saka ako tumalikod pero sa gulat ko’y nabitawan ko si Dark.   Bigla syang sumulpot sa harapan ko na parang kabote at hindi ko alam paanong ang nangyare ‘yon. Hinawakan nya ang bewang ko saka nya sinalo ang pusa ko. Sa gano’ng pusisyon namin hindi ko alam paano akong magre-react. Nakikita ko mula sa mga mata nya ang tila lungkot sa hindi ko malamang dahilan.   “Miss na miss na kita,” sabi nito na ikinakunot ko ng noo.   Those eyes of him, those words from him. I don’t know what I am feeling right now. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko. He called me Mysty earlier and I don’t know who he’s talking about. Ang mukha nya at tila pamilyar din sa ‘kin.   Inayos ko ang tayo ko saka ko sya bahagyang tinulak at inagaw si Dark. Tumalikod ako sa kanya at saka ako pumasok sa loob ng mansyon para makapagpahinga na. Nang maka-akyat ako sa k’warto ay do’n ko lang napagtanto ang nangyare.   “He have a powers?” wala sa sariling usal ko.   Nilapag ko si Dark sa kama saka ako humiga. Hindi ko maintindihana ng siansabi kilala ko sya kahit ma hindi naman. Napahawak ako sa ulo ko at hinilot ito dahil tila nananakit ito. Nilapitan ako ni Dark saka tumabi sa tabi ko at huminga ako ng malalim.   “That’s not true, Sakura. It’s just a dream, you need to wake up now,” I said to myself.   Pero hindi ko kayang kumbinsihin ang sarili ko do’n. Ang bilis nya kanina. Mula sa harapan ay napunta sa likuran at nasalo nya si Dark. Napapikit ako ng mariin at sa niyakap ang unan ko at pinikit ang mga mata ko upang makatulog na.   “Kakalimutan kong nanyare ‘to.”   Nang magising ako ay bumangon ako at nagunat-unat. Maganda ang sikat ng araw at naririnig ko ang huni ng mga ibon. Binuksan ko ang kurtina sa may veranda saka ko binuksan ang pinto nito. Pero nabigla ako ng may lalakeng nasa harapan ko’t lumilipad na tila isang hangin. Nakangiti ito sa ‘kin na tila ako ang magandang nilalang sa kanyang mga mata.   “I-ikaw,” mahinang usal ko at saka papasok saka sa loob ng biglang magsara ang pinto. “T-teka! A-ano ‘to?”   “Hindi mo man lang ba ako babatiin ng isang magandang umaga?” tanong nito at lapag sya sa may veranda ko.   Nanatiling nakatalikod ako sa kanya at natatakot akong harapin sya. Hindi normal na tao ang lalakeng ito na nasa likuran ko at lumapag mula sa veranda ko. Hindi ko alam paano ko syang haharapin at hindi ko alam paano akong kikilos sa kinalalagyan ko. Hindi na talaga maganda ang nangyayare nitong mga nakalipas na araw.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.0K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.1K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.5K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook