JI’S POV Hindi ko inaasahan na matapos ang pakikipagsagupaan namin kay Zena ay may kasunod na agad. Kailangan makagawa kami ng paraan upang maibalik ang dating kulay ng kaharian na ito. Lumabas kami at saka naman nikagyan ni Mysty ito ng barrier at mas pinatibay nya ‘yon. Mula sa likuran namin ay napasinghap kami na naro’n ang mga taong tila walang nga kulay din. Para silang mga zombie at papalapit sila sa ‘min. Gumawa naman ng harang si Mysty upang hindi nito masaktana ng mga taong natitira pa. “Mukhang malala na nga.” “Anong gagawin natin Mysty?” “Sino bang may lahing witch dito?” “Hindi ako witch,” agad na sagot ni Anna. “Mas lalong hindi rin ako,” sagot ko. “Kingina... bakit walang witch sa inyo?” “Kadalasan sa witch masama,” sabi ko saka sila tumingin sa ‘kin. “Kadalas

