bc

Hana

book_age0+
579
FOLLOW
6.1K
READ
murder
revenge
fated
badboy
kickass heroine
powerful
CEO
student
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

A story of a girl who found great love... with the very wrong person.

THIS IS ROMANCE.

This is RAW po kaya expect typos, grammar mistakes and loopholes. Will be editing this when the story is finished??

chap-preview
Free preview
Prologue
"Happy birthday to you Happy birthday to you Happy birthday, Dear Hana... Happy birthday to you......." "Happy birthday, Baby! Make a wish." Ipinikit ng bata ang mga mata at taimtim na humiling. Nagmulat ito matapos ang ilang segundo at hinipan ang sampung maliliit na kandila sa itaas ng pink na cake. "Happy birthday, Princess!" Puno ng pagmamahal na hinagkan ng mag-asawang Ryeo at Melissa ang pisngi ng nag-iisang anak. Napagkasunduan nilang i-celebrate ang birthday nito sa bahay nang sila-sila lang nang  sa gayon ay mas magkaroon sila ng bonding na magpamilya. Animo prinsesa kung ituring nila si Hana, buhos na pagmamahal ang binibigay nila. Nagmukha talaga itong prinsesa sa suot na pink dress na may raffles ang laylayan, nakatali sa likod ang hinati sa kalahati na buhok. May nakapatong na tiara sa tuktok ng ulo. Napakaganda ng anak nila, mala krema ang kutis at singkit ang mga mata dahil kalahating Japanese si Ryeo. Dito umiikot ang buhay nilang mag-asawa. Ito ang nagbibigay ng saya sa kanila sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok. "Baby, Mommy and Daddy got a special gift for you." Inilabas ni Ryeo mula sa bulsa ang isang maliit na kahon na kulay pink. Nang buksan nito ay tumambad sa paningin ng bata ang gintong kwintas na may pendant na bulaklak. "Wow! Is this really for me?" "Yes, Anak, specially for you. You see, I chose this because your name means flower. A beautiful flower that blooms in our hearts. Look." Binuksan ng daddy niya ang gilid ng pendant, "Its a locket. Inside, you can see our picture." Aliw na aliw si Hana sa nakita. May maliit na family picture sa loob. "Kapag namimiss mo kami, buksan mo lang ang flower anak, hindi ka na malulungkot," dagdag ni Melissa. Isinuot ni Ryeo sa leeg ng bata ang kuwintas. "Thank you mommy and daddy. I like it so much!" "You're welcome, Baby," ngiting sagot ni Ryeo. "Now, let's eat!" "Itadakemasu!" Sabay-sabay silang yumuko at nagpasalamat sa pagkaing nakahain. Masayang nagkuwentuhan ang mag-anak habang kumakain nang may marinig silang ugong ng kotse sa labas. Sumilip si Ryeo upang tingnan kung sino ang dumating na bisita. "Dad, sino iyan?" tanong ni Melissa "Si Ishida San," sagot ng ama niya. Napasinghap ang ina niya, nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga ito. Biglang nag-iba ang mga kilos, naging tensiyonado. Makikita sa mga mata ng ginang ang pangamba. Ryeo heave a sigh. "Dito lang kayo." Lumabas ang daddy ni Hana para harapin ang mga bisita. Nang makaalis ang daddy niya, hinila siya ni Melissa patungo ng dirty kitchen na karugtong ng dining area. Binuksan nito ang cabinet sa ilalim ng lababo, "Pasok diyan, Hana. Magtago ka muna diyan." "Mommy... Bakit po?" "Basta magtago ka muna diyan. Huwag na huwag kang gagawa ng anumang ingay. Huwag kang lalabas hanggat hindi umaalis ang mga taong iyan sa bahay. Naiintindihan mo?" Sa murang edad, kahit naguguluhan siya kung ano ang nangyayari, ramdam niya ang tensyon sa paligid. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. "Good girl, Anak." Nakita niyang tumulo ang isang butil ng luha sa kaliwang mata ng ina. "Tandaan mo Hana, mahal na mahal ka ng mommy at daddy. Kahit na anong mangyari." "I love you too mommy." Hinaplos ni Melissa ang pisngi ng anak at hinagkan sa noo. Narinig niyang nakapasok na sa loob ng bahay ang mga panauhin. "Huwag mong kalimutan ang sinabi ko, Hana. Magtago ka diyan. Huwag kang gagawa ng anumang ingay kahit na ano ang marinig mo. Hindi nila dapat malaman na nandiyan ka. Huwag kang lalabas hanggat hindi nakakaalis ang mga taong iyan sa bahay," bulong nito. Tumango uli ang bata bilang sagot. Pinahid ng ina niya ang luha sa mata bago tuluyang sinara ang pintuan ng cabinet. Dinig ni Hana ang yabag ng matigas na sapatos. Huminto ito sa loob ng kusina. "May handaan pala dito, hindi man lang ako naimbita," saad ng may-ari ng mga yabag. Baritono ang boses nito. Lalaki, naisip niya. Nahagip ng paningin ni Hana ang maliit na butas pintuan ng cabinet. Marahil likha iyon ng nilagay na hook noon. Itinuon niya ang mata sa butas at pilit inaaninag ang mga pangyayari sa labas. Ang ama, katabi si Melissa na nakatayo sa gilid ng refrigerator. May isang lalaking nakaitim na nakapwesto malapit sa lamesa at tatlo pang lalaki sa division ng sala at kusina. "Konbawa, Ishida San, ano po ba ang sadya n'yo dito?" tanong ni Ryeo. "Nalaman ko kasing may naligaw na ahas sa mga alaga ko. At ang ahas na iyon ang bumulong ng lahat ng plano ko kay Gov. Parajes." Balewalang kumuha ang nagngangalang Ishida ng icing sa cake gamit ang daliri at dinala sa bibig. "Ano'ng kinalaman ko doon? Pinagbibintangan mo ba ako?" "Hindi ko ugali ang mamintang Inoue San, pero paano mo maipapaliwanag ito?" Nakita niyang may inabot na papel ang panauhin kay Ryeo. Dahilan upang manlaki ang mga mata ng huli at bumakas ang pagkatakot. Pilit inaaninag ni Hana ang mukha ng lalaki ngunit dahil nakatagilid ito kaya hanggang pisngi lang ang nakikita niya. Bata pa, maputi ito at matangkad. "Ishida San, I-I can explain. P-please let me explain. Huwag niyo pong sasaktan ang pamilya ko. Wala silang kinalaman dito." "You know I am not a good risk taker Inoue San, nor a fan of second chances." "M-matte Ishida San! Onegaidakara!" Lumuhod sa pagmamakaawa ang ama niya. Humakbang ang isa pang lalaki kay Ishida at may inabot. Nagimbal ang mga magulang niya lalo na si Melissa.  "Sayonara, Inoue San. Thank you for your services." Kasunod niyon ay isang putok ng baril ang umalingawngaw na nagpaigtad kay Hana. Muntik na siyang mapasigaw sa gulat. Napaatras siya mula sa pagkakasilip. Tinakpan ng bata nang maigi ang bibig upang huwag umalpas ang boses. Hindi pa siya nakahuma sa pangyayari nang kumawala na naman ang isa pang putok. Hindi niya alam kung ano ang tatakpan, ang bibig o ang tainga. Nakakabingi ang malakas na tunog ng baril. Nanginginig siya sa takot. Sa TV lang niya napapanood ang ganoong eksena. Hindi niya akalaing masasaksihan ang ganoon sa totoong buhay. "Bakero." "Boss, may anak ang mag-asawa. Siguradong nagtatago lang iyon dito sa bahay. Hahalughugin po ba namin?" tanong ng isa pang lalaki. Kinabahan si Hana, siguradong makikita siya ng mga ito kung maghalughog ito sa buong bahay. "Never mind, wala namang magagawa ang isang bata," sabi ni Ishida at humakbang na palayo. Maya-maya narinig niyang umandar ang kotse paalis. Nang masigurong niyang nakaalis na nga ang mga ito, saka dahan-dahang lumabas ang bata mula sa pinagtataguan. Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Naliligo sa sariling dugo. Napatda siya sa nakita, hindi niya maihakbang ang mumunting mga paa. Nanginginig ang buong pagkatao niya. Dugo, ang daming dugo. Hindi nakayanan ng katawan ni Hana ang panginginig kaya napaluhod siya. Totoo ba ang kanyang nakikita? Baka panaginip lang ang lahat. Baka nakatulog siya sa sobrang busog at nanaginip ng masama. Ang lagi kasing paalala ng mommy ay huwag matulog nang busog. Dahil dadalawin siya ng monster at mananaginip siya ng masama. Dahan dahan siyang gumapang patungo sa mga magulang. Inisa-isang niyugyog ang mga ito. "Mommy...Daddy... Gising po. Wala napo sila." Nang walang kumilos o sumagot sa mga ito, patuloy parin ang bata sa pagyugyog. "Mommy! Daddy!" Ngunit nanatili lamang ang mga itong nakahandusay sa sahig. Pag-angat niya ng mga kamay ay nababalutan iyon ng pula at malagkit na likido. Noon napagtanto ni Hana na ang lahat ay hindi panaginip. Nag-uunahang umalpas ang mga luha sa kanyang mga mata. "Mommy!...Daddy!..." She cried and cried to her heart's content. As if it would suddenly burst into pieces. She can't stop crying, she won't stop crying, wishing that her loud noise could come to their senses and wake her Mommy and Daddy up. But as what everybody knows, for some time, for some reason, life is cruel. Terminologies: San- honorific title used to address a person like Mr., Mrs., and Ms.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Payment of Debt

read
88.2K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.9K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.9K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook