MARGA worm herself into Ishida's world, sa RYCo., a company that franchises cafes, bars and restaurants. She's now part of the head office's IT team, of course sa tulong ng boss ni Thomas. Hindi niya maiwasang lukubin ng kaba sa misyon na pinagawa sa kanya but she trusts her boyfriend, at pinangako nito ang safety niya as long as susundin niya ang mga salita nito.
"The best company to sneak into is RYCo. dahil nababalitaan na mas madalas ang pagbisita ni Kaito sa mga bars and restaurants n'ya, probably because most of those are located within the vicinity run by yakuza and as the records shows, Yashiro Gabon, the shateigashira of Metro Manila is his blood relative." pagbibigay impormasyon ni Thomas sa kanya isang araw bago nagsimula ang trabaho niya sa RYCo. She left her previous work dahil kailangan ng maiging focus ang pinapagawa sa kanya ngayon, she could not afford to get caught.
"Marga, pakicheck ang licenses ng mga programs na ito bago tayo humingi ng qoutations from the company." utos sa kanya ng kanilang supervisor.
"Sure thing." she smiled sweetly.
Pagsapit ng alas singko, agad na nagligpit si Marga ng mga gamit.
"Mauna na'ko sainyo guys."
Hindi nakaligtas kay Marga ang pagtikwas ng mga kilay ng mga kasamahan niya at ang bulungan nito na parang mga bubuyog.
'Envious bitches.' irap niya. 'Galingan n'yo nalang ang trabaho para makauwi din kayo sa tamang oras.'
She should act ordinarily, like a typical employee. Last time, masyadong perpekto ang nabuong image ng taong pinadala ng boss ni Thomas kaya hindi p'wedeng ganoon din ang gawin niya, baka mas maging kahina-hinala.
"A few f****d ups would do." sabi nga ni Thomas.
"MAY I remind you, Ishida San that you were invited by Mr. Gabon for a meeting, that would be today at three in the afternoon." sabi ni Akagi.
"Sa Symphony, right?" tukoy niya sa isang restaurant na pinapatakbo ng grupo nito. He was scanning some important papers para sa club na ipapalipat niya sa mga yakuza. They have been torturing him with calls and emails kaya mas minabuti na niyang ibigay ang branch na iyon.
"No, sir. I'm afraid he wanted you to meet at the mansion."
"The mansion? Ano na naman kaya ang pumasok sa kokote ng matandang iyon." sinulyapan ni Kaito metal na relo sa kamay. "Ugh, that's more than an hour ride! Kailan ba mamamatay ang taong 'yun para mabawasan ng asungot ang buhay ko?"
Kagaya nga ng inakala niya, parang hinigop ang enerhiya niya sa biyahe pagdating sa mansion. Ang malaking bahay na iyon ang nagsisilbing tahanan ng mga membro ng yakuza sa rehiyon ng Metro Manila. Mukhang nakikinita na niya kung ano ang magiging main agenda ng meeting na iyon. Kung hindi lang malapit ang ama niya at si Yashiro ay hinding-hindi niya gugustuhing yumapak sa lugar na iyon.
"Irasshaimase, Ishida San." nakayukong bati ng dalawang batang babae na naka kimono pagkapasok ni Kaito sa gate ng mansion. Sa tantya niya ay nasa trese o katorse pa lang ang mga ito. "This way, please."
The house is made of concrete and wooden materials pero mas napreserve ang traditional japanese touch nito. Malapad iyon, ang pinakapader ay yari sa de kalidad na kahoy, pinatungan lang iyon ng puting pintura kaya nagmukhang maganda parin sa kabila ng ilang taon. Ang pinakabubong ay mga pinagpatong na itim na clay tiles. Napapaligiran ang buong bahay ng magarang garden na kung nasa labas ka ng gate ay hindi mo aakalain na may sariling pond ang loob niyon. Malulusog ang mga koi fish na aali-aligid sa tubig na parang hindi alintana ang maliit na espasyo. Kahit nasa puso sila ng Maynila ay hindi n'ya nararamdaman ang gulo at ingay ng lungsod. Dahil sa laki ng lawn ay para silang pumasok sa mundo na puno ng kapayapaan at katahimikan. Ang hatid ng malalagong kawayan sa paligid ay malamig na atmospera na kaysarap sa pakiramdam. Nagkalat ang mga pandak na halaman na lumilikha ng kaakit-akit na makukulay na bulaklak. Tila musika din sa pandinig niya ang sayaw ng mga dahon ng puno na malayang kumakapay sa ihip ng hangin.
It resembles a mini paradise, na binahiran ng dugo dahil sa uri ng tao na nakatira doon.
Kasabay si Akagi, tahimik na sinundan nila ang daan na tinuturo ng mga babae patungo sa kinaroroonan ni Yashiro Ganbo.
"Narito na po tayo." pagbibigay impormasyon nito sa kanila. "Ganbo Sama, nandito na po sina Ishida San."
Maingat na binuksan ng isang bata ang tatami sliding door. Agad na nakita ni Kaito ang isa sa taong hindi niya kailanman ginustong makaharap. Nasa gitna ito ng malawak na kwarto na ang tanging laman ay ang maliit na lamesa, sa itaas ng mesa ay nakapatong ang tea set na mukhang hinanda para sa kanila. Tuwid na nakaupo si Yashiro sa sahig, nakapatong ang pang-upo nito sa magkalapat na binti, kagaya ng dalawang batang babae, nakakimono din si Yashiro. The man was around his fifties, halata na ang wrinkles sa gilid ng mga mata nito, may streaks din na gray hair sa magkabilang itaas ng tainga, maputi at matikas parin sa kabila ng edad. He has this quite cheerful aura pero alam niyang cautious at kalkulado din ang mga galaw at mga salita nito.
Sa tabi ng kaharap ay si Amamiya Hibata, hindi pwedeng hindi niya makilala dahil lagi itong nakabuntot sa matanda, he's the next in command. Nasa early forties naman marahil ito at malaking tao, actually, he looked like a bear in Kaito's eyes. Medyo kulot ang itim na buhok, has darker complexion compared to Yashiro at may makakapal na kilay. His Japanese features was not that prominent, mas nanaig na ang pagka-pinoy.
Wala naman siyang personal grudge kay Yashiro dahil nga bukod sa kadugo nila ito ay malapit ang lalaki kay Matsuhiro, pero ang kaisipan na kasapi ito ng yakuza ang iniiwasan niya.
"Kaito, iho, ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Sa ilang beses kong inimbita ang presensya mo, sa walas ay napag-isipan mo na akong paunlakan. Okake kudasai." nakangiti nitong paanyaya na tinuro ang puting kuwadradong unan na nakalatag sa sahig. Eleganteng dinampot ang maliit na tea cup at sinimsim ang laman niyon.
He imitated the seiza, its the formal and traditional way of sitting in Japan, gayundin si Akagi na nasa gilid niya.
"What is it this time, old man?" direkta niyang tanong na nagpalaki ng butas ng ilong ni Amamiya.
"Masyado ka talagang direkta, Kaito. Hindi ba pwedeng mag-exchange nuna tayo ng how are yous? This is by the way Gyokuro, I'm sure you're familiar with the Jade dew, it's amazing."
Of course he knew about the most expensive green tea in Japan.
"I dont have the luxury of wasting my time for such crap."
"Okay, okay, Kaito. I just want to ask if you have made up your mind."
"I believe nasagot ko na ang tanong na iyan ilang buwan na ang nakalipas. Kahit ilang taon man ang dumaan, hindi parin magbabago ang desisyon ko. It's a simple NO."
"What made you refuse for such a great offer, Kaito? You will be an associate, reporting directly to the Oyabun. Kung ang inaalala mo ay ang gumalaw sa ilalim ng pangagalaga ko ay burahin mo iyan sa isipan mo. You will operate hand in hand with the 'father'."
"And what made you think that's a great opportunity for me, Gabon San? As I can see, ang grupo ninyo ang makikinabang sa kakayahan ko."
"It's a win-win."
"Not for me 'cause as far as business growth, I have an insane heap of those. At isa pa, I heard rumors of human trafficking under your region at isa-isa nang nabubulilyaso ang mga ginawa mong muog. Kung ikaw, ako, tatanggapin mo ba ang offer na ganyan na halatang maganda lang sa panlabas pero nabubulok na ang likuran?"
Mas lalong nagtagpo ang makakapal na kilay ni Amamiya sa mga binitiwan niyang salita, pati ang mga buko sa kamao nito ay namumuti na sa pagkakakuyom pero nanatili lang na tahimik habang ang matanda ay kalma lang.
"And Ganbo San, nagiging makulit na ang mga bata mo sa mga pangingialam sa club ko kaya sa huling pagkakataon ay pagbibigyan ko kayo. Pero inaasahan ko na wala na akong maririnig na panggugulo sa negosyo ko mula sa grupo mo. Atupagin mo nalang ang wirdo mong talento dahil kahit ako, naaamoy kong hindi na iyon magtatagal." aniya at tumayo, ganundin si Akagi at sabay silang yumuko sa harap ni Yashiro bago lumabas ng silid.
Lahat ng nakikita niyang babaeng nagsisilbi sa mansion ay pawang minorde-edad, he clenched his teeth at the thought.
"Disgusting maniac."
Terminologies:
*Shateigashira~ regional head of yakuza
*Oyabun~ the top leader of yakuza
~ is also called 'father' cause they
treat their members as a family
*seiza~ a traditional and formal sitting
position of Japanese
*tatami- a special paper used as wallings in some traditional asian houses