The Encounter
Marco Pov...
Masama ang aking loob sa kinahinatnan ng usapan ngayon pero pinili kong manahimik. Umalis kami nang walang napag-usapan nang maayos. Hindi naman kasi magagawan ng solusyon ang bagay na 'yun ng ganun ganun nalang.
Tahimik akong nakatanaw sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang kahabaan ng Quezon City. Alam kong nakatingin sa akin si Levi.
Magsasalita sana ako kaso mas naunang tumunog ang aking tiyan!
"Gusto mo bang humanap ng makakainan?" Untag ni Levi dahil dinig naman niyang kumukulo ang aking tiyan.
"Bahala ka na." Simple kong sagot
Hindi na ako umimik pero pinili kong ipikit ang aking mata para makapagpahinga man lang at makapag-isip ng maayos. Pagkarating namin sa isang kainan ay agad niyang tinapik ang aking balikat. Walang salita akong lumabas at sinundan siya.
Habang naghihintay, inilabas ko ang aking telepono para maglaro, kaso sa kasamaang palad, natalakid ang isang serbidora. Sa akin natapon ang juice na laman ng tray saka dumausdos ang sizzling plate diretso sa aking braso. Sa sobrang init ay nasunod ang polo at dinig pa ang paggsagitsit ng aking balat na dumampi sa mainit na sizzling plate.
Wala ako sa mood ngayon, kaya naman kumulo ang aking dugo sa katangahan ng crew.
"Anak naman ng katangahan 'yan, Miss!" Napataas ang boses kong sambit habang iniinda ang sakit sa aking braso. Aba nga naman kapag minamalas eh, kota na!
Hindi alam ng crew ang gagawin at biglang dinampot ang mainit na sizzling plate na nakaluhod sa akin na humihingi ng pasensya. Kapag nga naman tinamaan ng katangahan. Mainit, basta na lang dinampot!
"Sorry po sir!" Umiiyak niyang takot na takot na sambit.
"Sorry! Tatanga-tanga ka naman kasi. Hindi lang abala ang ginawa mo. Kung hindi mo kaya, dapat hindi ka dito nagtatrabaho! Saka isa pa mainit nga yan tapos pinulot mo pa?" Galit kong singhal sa kanya na siyang naabutan ng isang pakialamera lang naman!
"Who do you think you are just to scream like that!" Galit na singhal ng isang pakialamera.
Halos lahat ng nasa loob ng resto ay lumingon sa kanya, saktong labas ang manager na hindi alam kung sino ang uunahin. Ang customer o ang tatanga niyang crew na napaso rin dahil sa paghawak sa mainit na sizzling plate. At may isa pang intrimidida na akala mo ipinanganak na alam ang lahat.
"Sir pasensya na po kayo. Ako na po ang bahala sa kanya. Unang araw niya po kasi ngayon." Paghingi ng paumanhin nung manager, pero umagaw ng eksena ulit si gandang pakialamera. Kapag hindi ito babae ay nakatikim na sa akin eh.
"Naku manager huwag magpapadala sa mga ganitong uri ng customer. Bakit kayo hihingi ng pasensya? Siya dapat ang humingi ng pasensya at sinigawan ang inyong empleyado kahit na nakaluhod na humihingi ng tawad at may paso pa." Muli niyang birada na halos lamunin ako sa kanyang tingin.
"Ah maam hindi po-" Sabi ng manager pero muli niyang pinutol ang sasabihin nito.
"Dalhin niyo na po sa malapit na ospital o klinika ang empleyado niyo and let this arrogant guy say sorry!" Muli niyang pag-eksena na ikinainit ng aking ulo. Umiling ang crew at gustong magsalita pero ang arroganteng babae ay patuloy ang pagkuda ng pagkuda. Tumayo ako at sinenyasan si Levi. Mahapdi na ang aking braso at paniguradong magtatagal ito dahil nagkalapnos na at dumikit pa ang damit sa aking balat.
"Levi just pay the f*****g order and get out!" Utos ko sa kanya at nagmartsa nang lumabas.Hindi na namin hinintay ang pagkain dahil nawalan ako ng gana. Hinabol ako ng aroganteng babae at sinigawan. Tinawag ng kung anu-anong salita. Bastos, walang modo, walang kwenta ang pinag-aralan dahil sa gaspang daw ng ugali ko at kung anu pa!
Humabol din ang manager, pero hindi na rin pinansin ni Levi. Kailangan kong makaalis dito dahil kung hindi, mapapatulan ko ang arroganteng babaeng iyon. May kakalagyan din siya!
Gutom na ako, tapos sizzling pa, lalong nakakainis maghintay at nakakaubos ng pasensya. Tapos hindi ka pa kumakain ay nadisgrasya ka pa! Hindi pa doon natatapos may freebie pa!
Bwisit!
Kahit kumakalam ang aking sikmura, umalis na kami. Dinala ako ni Levi sa isang malapit na private hospital. Dumeretso ako agad sa emergency room. May lumapit naman agad sa akin na nurse. Iniregister ni Levi ang information ko habang inaasikaso na ako ng nurse. Habang nililinis niya ang aking sugat, napapailing siya.
Kakatapos pa lang niyang linisin ang aking sugat nung may dumating at masaya niyang binati.
"Magandang hapon po doktora."
"Magandang hapon din!"
Napakunot ang noo ko pagkarinig sa boses niya dahil sigurado akong siya lang naman ang bwisit sa araw na ito.
"May pasyente nga po pala tayo na napaso. Medyo nagkatubig na po at lapnos na eh pero nalinis ko na po doktora." Kanyang sabi habang sinisimulan na lagyan ng betadine.
"Nasaan?"
"Patingin!" Kanyang sagot. Hindi pa siya nakakalapit ay lumingon ako at tinignan sakanya ng titig na hindi niya makakalimutan.
"You!" Gulat niyang pagbulalas.
"Miss! Finish this because I need to leave now! Baka mapagbintangan pa ako na inaaggrabyado ka nanaman o baka naman may magsabing kinuha ko kasi ang mainit na sizzling plate at idinikit ko sa aking braso para magkalapnos lang naman ng ganito kalalim." Seryoso kong sabi sa nurse.
Natulala at napanganga ang nurse na tumingin sa akin bago lumipat kina Levi at sa aroganteng nurse pala.
"Po! E-Eh sir!" Sambit ng nurse.
Dahil kung hindi ka bobo maiintindihan mo na walang tanga na gusto masugatan ng ganito!
"Miss nagmamadali po kami. Anu pa ba ang kailangan namin for his treatment?" Malumanay na tanong ni Levi na hindi rin pinansin ang arroganteng babaeng isa pa lang doktor.
Gusto sana magsalita ng arroganteng babae, pero muling nagsalita si Levi to interrupt her dahil alam ni Levi na konti na lang ang natitirang pasensya ko para hindi sumabog.
Kung hindi lang siya babae, isang bala na ang tumanim sa kanyang noo.
"Are you done giving him first aid?" Muling tanong ni Levi. Nalilito ang nurse na nakatingin sa amin pati sa arroganteng babae. Naipit siya sa sitwasyong hindi niya alam kung bakit.
"Hindi pa po sir. Kailangan po ka-" Pinutol ko ang sasabihin.
"Find another doctor, kung talagang kailangan ng doktor!"
"This is a damn f*cking big hospital to rely on just one arrogant doctor!" Sabi ko sa kanya dahil sagad na ako. Lumaki ang kanyang mata na naginginig sa takot. Wala akong balak sindakin siya, pero konti na lang, pipihitin ko na ang aking baril.
Natulala ang aroganteng doktor na nakatitig sa akin.