Sofia’s Pov Makalipas ang dalawang araw ay tuluyan ng nawala ang sakit sa pagitan ko. Nakakalakad na ako ng tuwid ng hindi napapangiwi. Syempre napansin iyon ni Ate Isabel at sinabi ko na lang sa kanya ang totoo na may namagitan na sa amin ni Renz. Grabe ang tili niya noong sinabi ko iyon sa kanya. Like she was expecting it to happen. I told her I was drunk, pero sinabi din niya sa akin na nakita niyang sinundan ako ni Renz noong umalis ako pagkatapos nitong kumanta sa stage. Kaya hinayaan na lamang niya ako dahil panatag ang loob niyang si Renz ang kasama ko at hindi si Vance. And she told me the kiss never happened. Renz never kisses Helen in front of the crowd. Hindi daw maipinta ang mukha ni Helen sa pagkapahiya kaya naglasing ito magdamag sa party. NGAYONG araw ang alis ni Benz kas

