Sofia’s Pov Araw ng Sabado at kaming dalawa na lamang ni Renz ang narito. Madaling araw umalis sina Ate Isabel at tahimik na ang buong bahay. Medyo masama pa naman ang panahon at napabalitang may bagyong parating. Sana makarating sila sa bayan nila ng maayos at walang aberya. Alas otso na kaya minabuti kong bumaba sa kusina upang ipaghanda si Renz ng makakain. Naninibago ako sa katahimikan ng bahay lalo na dito sa kusina dahil ito ang party ng bahay kung saan palagi kaming nagkukwentuhan. Isang linggong ganito ang magiging sitwasyon namin rito. Just the two of us on an isolated island. Hinintay ko talaga siyang matapos para sabay kaming kumain. Inihain ko na din ang pagkain sa lamesa. Saktong alas dyes ay lumabas siya sa kanyang opisina. Kahit weekends ay nagtatrabaho siya. Ganun talaga

