Sofia’s Pov “Ano ba naman yan?” usal ko dahil biglang nag brownout. Hindi ko tuloy matawagan si Jenny sa Viber. Sinubukan ko siyang itext subalit nag unsent dahil walang signal rito. Bukas na lang siguro kapag bumalik na ang kuryente. Bumaba ulit ako at naghanap ng kandila sa kusina, pero wala akong mahanap. Ayaw ko ring maghalungkat dahil baka makabasag pa ako dahil madilim. Pumunta ako sa opisina ni Renz upang tingnan siya. Kakatok na sana ako ng marinig siyang sumisigaw. Mukhang may pinapagalitan itong tao. “You need to find him as soon as possible, okay? Hire more men para mapadali ang paghahanap niyo!” Bulyaw nito. “Hindi niya pwedeng takasan ang atraso niya sakin, find him in all possible way!” Hindi na lamang ako tumuloy at bumalik na lamang sa kwarto ko. Mukhang mainit ang ul

