Sofia’s Pov Mabuti na lang ay bumalik na ang ilaw. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay tinawagan ko kaagad si Jenny dahil sigurado akong naghihintay yun na tawagan ko siya. “Hoy bakla ka, kagabi pa ako tawag ng tawag sayo.” Bungad nito ng sagutin ang tawag ko. “Sorry bes, nag brownout kasi ngayon lang bumalik. Bakit anong balita?” tanong ko. “Yung kuya mo.” “Ha? bakit, anong nangyari sa kanya?” Kunot noo kung tanong. Medyo kinabahan ako. “Eh di ayon, tumakas. Hindi na mahagilap dito. Pinuntahan namin yung bahay niyo wala na siya doon at yung bahay niyo, naku po, hindi na kayang tirhan ng tao dahil sa sobrang kalat at baho. Saka maraming gamit niyo ang ibinenta niya halos wala ng natira. Naputulan na rin kayo ng ilaw at tubig.” “Ha, ano? saan? Alam mo ba kung saan siya nagpunta?”

