Sofia’s Pov Lumipas ang isang linggo walang Renz ang nagparamdam. Lumipas pa ulit ang isa pang linggo ay wala pa rin. May mga pagkakataong umiiyak ako dahil namimiss ko na siya ng sobra. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng umalis siyang walang paalam. Pinapatahan naman ako ni Ate isabel kapag nakikita niyang nalulungkot ako at umiiyak. Hindi ko na maiwasang magtampo kay Renz dahil ni simpleng text or tawag ay wala akong natatanggap mula sa kanya. Samantalang ako para na akong mababaliw kakaisip sa kanya. I really, really missed him. So much. His hugs and kisses. I miss everything about him. “Magogrocery kami may ipapadala ka ba or ipapabili?” Biglang tanong ni Ate Isabel habang nagliligpit ng pinagkainan namin. Napaisip ako. “Ate pwede ba akong sumama? Ang boring kasi pag ako lan

