Chapter 14

1025 Words
Tanya's POV ANIM na buwan ang lumipas, hindi ko na nakikita pa si James. Wala rin akong balita tungkol sa kanya. Hindi ko na inalam ang mga nangyayari kay James. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang nami-miss ko siya. Parang hinahanap hanap ng sistema ko si James. Wala lang siguro ito. "Tanya, hindi ka na ata tumatayo sa swivel chair mo? Pakakasalan mo na ba ang mahiwagang bangko mo?" tumataeang biro ng kaibigan kong si Ann. Napabuga ako ng hangin. Bigla na lamang papasok ang bruhang ito sa loob ng opisina ko nang walang pasabi. "Aning masamang hangin at naparito ka?" "Wala lang hindi ka kasi nagpapakita sa barkada. At ni hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag namin. Ano ibuburyo mo na lang ba ang sarili mo sa apat na sulok ng opisina mo? Aba, Tanya, daig mo pa ang heart broken. Ikaw naman ang may gusto na layuan ka ni James." Dakdak ni Ann habang umuupo sa upuang nasa harapan ng table ko. "Busy lang ako sa negosyo. Alam mo naman na nag iisang anak ako. At ako lang ang hahawak at magpapatakbo dahil matanda na rin si daddy. Gusto ko lang na bigyan sila ng time ni mommy for each other. Hindi nila nagawa 'yon noon." Katwiran ko. Mukha namang kumbinsido. Tumango tango ang kaibigan ko. "Yeah, I know. Pero natatakot kang humarap sa maraming tao. Baka makasalubong mo si James sa daan at manunumbalik ang pagmamahal mo kay Marky. Iisa lang ang mukha nila. At pareho kang minahal. Ang magkaiba lang, iyong isa nasa ilalim na ng lupa." Grabe talaga magsalita ang kaibigan ko. Napapaisip na lang ako, paano ko ba siya naging kaibigan? "Malaki ang utang na loob ko kay Marky. Kung hindi dahil sa kanya, baka ako ang nasa ilalim ng lupa. At hindi mo ako nakikita ngayon sa loob ng opisina ko." "Hay naku, Tanya. Ikaw lang ang nagpapahirap ng sitwasyon. Puwede ka namang magmahal ng iba. Pinipigilan mo lang ang puso mo na mahulog kay James." Napairap ako sa kaibigan ko. James sila nang James, sa hindi kami puwede. Maalala ko lang si Marky sa kanya. Babalik lang ang lahat ng sakit. "Oh, natahimik ka na. Ang sinasabi ko lang sayo, Tanya. Mabuhay ka habang andito ka. Hindi iyong para kang patay kaalala kay Marky. Patay na 'yong tao. Tigilan mo na. Hindi na healthy ang ginagawa mo sa sarili mo," dagdag pa nito. "W-Wala. Naalala ko lang si Marky." "Iyan na naman tayo. Kalimutan mo na sabi si Marky. Puro ka Marky. Andiyan naman si James." "Sumuko na nga siya. May sarili ring buhay ang tao. Ayoko naman na maging panakip butas ko siya. Na kaya ko siya nagustuhan dahil magkamukha sila ng one great love ko. Di ba, unfair 'yon? Unfair na iniisip ko pa ang dati kong mahal pero ang nasa harapan ko ay si James. Ayokong makapanakit ng damdamin. Nasaktan na ako dati noong nireject ako ni Marky. At ayokong maulit 'yon. Ayoko na, Ann." Napatayo ako mula sa upuan ko at tumalikod kay Ann. Doon ko pinakawalan ang luha ko. Ang hirap mamili sa dalawang tao na parte na ng buhay ko. Kahit na wala na si Marly, malaki ang naging impact niya sa buhay ko. Dahil kay Marky kaya ako nabubuhay dito. Pero hindi ko kayang maging masaya. Hindi ko kayang umibig muli. Malaking parte sa buhay ko ang maapektuhan. 'Di ko rin kayang masaktan ko si James. Naramdaman ko ang kamay ni Ann sa balikat ko. "Sorry. Concern lang kami sayo. Ayaw namin na makita kang sinisira ang buhay sa pagkukulong sa opisina mo. Hinsi ka ma rin namin nakakasama. Mahal ka namin, Tanya. At andito lang kami para sayo." Pinunasan ko ang mga luha ko. Saka humarap sa kaibigan ko. "Naiintindihan ko. Sabihan mo ang barkada na magbar tayo mamayang gabi," deklara ko. Unti unting ngumiti si Ann. At niyakap pa ako. "Thank you, Tanya. Aasahan namin 'yan. Sunduin ka namin sa condo mo para sabay sabay na tayong pumunta sa bar. Baka biglang magbago pa ang isip mo." "Sira, hindi, no. Sorry if I distance myself to everyone. Gusto ko lang makapag isip isip. Pero mas lalo itong gumugulo ang isip ko. Hindi na rin ako makapag isip mg maayos." "Maigi at naisip mo 'yan. Huwag ka na ulit magkukulong. And about to James, he is still waiting for you. Binibigyan ka lang niya ng time na mag isip. Alam kong andiyan lang sa paligid si James. Malakas kaya ang tama niyon sayo." Hindi ko alam kung anong nakain ng mga kaibigan ko at gustong gusto nila si James para sa akin. 'Di naman nila masyadong kilala ito. "Maybe you want to have lunch with me, Ann? Ginutom ako sa mga sermon mo sa akin." Sinundan ko ng malakas na tawa. "Hindi ko aatrasan 'yan. Let's go," sagot ng kaibigan ko. Kinuha ko ang bag ko at cellphone. Nakakuyapit ang braso ni Ann sa akin habang lumalabas kami ng opisina ko. Nakalimutan ko saglit ang mga bumabagabag sa akin. Habang kausap ko si Ann. Iba pa rin ang hatid ng kaibigan ko sa akin. Puro kami tawanan na walang katapusan at hindi matapos tapos ang kuwentuhan. Nang matapos kaming kumain ay magkahiwalay na kami ni Ann. Pauwi siya sa bahay niya habang ako ay babalik sa kompanya. Habang naglalakad ay ramdam kong may sumusunod sa sa akin. Malapit lang naman ang building ng kompanya ko sa restaurant. Kay nilakad na lang namin ni Ann kanina. Bigla akong kinabahan. May mga kasabay naman akong naglalakad. Pero, bakit tila ang isang lalaki ay nagmamatyag sa akin? Binilisan ko ang lakad ko. Halos lakad takbo na ang ginawa ko para makatating lang sa gusali ng kompanya. Nang malapit na ako sa pintuan ay may humawak sa braso ko. Tinignan ko ang braso na nakahawak sa akin. Saka umangat ang tingin ko sa mukha ng lalaking may ari ng kamay. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ang lalaking naka-hoodie. Hindi naman ako maaring magkamali. Kahit pa itago niya sa akin ang buong mukha niya. "Anong ibig sabihin nito? At anong ginagawa mo rito, James?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD