Chapter 15

1035 Words
"I just want to see you, Tanya. Can we talk? Sandali lang. Please," pagmamakaawa niya habang ibinababa ang hoodie. Saglit akong napahinto at huminga ng malalim. Paano ko ba ito matatanggihan? Punong-puno ng lungkot ang mga mata ni James. Parang lumalambot ang puso ko sa nakikita ko sa kanyang mukha ngayon. "Sige... Pero, sandali lang, ha. May trabaho pa akong kailangan tapusin," katwiran ko na pumapayag na makausap siya. Unti-unti kong nakita ang ngiti sa kanyang labi. Napaiwas ako ng tingin at ngumiti ng lihim. Inaya ko na lang si James na mag-usap kami sa cafeteria, sa mismong gusali kung saan naroroon ang opisina ko. "Thank you, pumayag ka na makausap kita. I've never had a good sleep since we left Siargao," panimula niya. "Ha? Bakit? Dala ko ba ang kama at unan mo? Kaya hindi ka makatulog nang maayos?" Pamimilosopo ko. Naiinis ako kapag kaharap ko siya. Pero aaminin ko, hinahanap ko si James kapag wala siya. Napailing siya at tinawanan pa ako. "You've changed a lot. Ipinapakita mo na wala lang ako sa'yo. Hindi ko kayang gawin ang ginagawa mo sa akin. Hindi kita makalimutan. Kahit pilitin ko pang tanggalin ka sa isip at puso ko. I am d*mn serious! I really, really do love you." Kulang na lang ay magmakaawa siya para paniwalaan ko siya. Naniniwala naman ako. At ako lang talaga ang may problema. "James, lahat ng tao nagbabago. Kahit ang aso niyo sa bahay, sa paglipas ng mga taon, nagbabago rin ang ugali." May mali ata sa sinabi ko. Ginawa kong halimbawa ang aso. "Puro ka kalokohan. Seryoso nga ako. Hindi ko pala kayang wala ka. Kahit ano pang pagtataboy ang gawin mo, 'di na ako aatras. Patutunayan ko sa'yo na mahal kita. Basta bigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita sa'yo," anito. Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod ito sa harapan ko. "Tanya, puwede mo ba akong payagan na ligawan ka? Please, say yes!" Nagrambulan na ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin kay James na nakaluhod. "A-Ano ka ba! Tumayo ka nga d'yan. Nakakahiya," sabi ko na may halong kaba. Napadako ang tingin ko sa lahat ng empleyado na nasa cafeteria. Bigla akong nahiya. Dahil nakuha ni James ang pansin ng lahat. "Say yes, Ma'am Tanya! Kawawa naman si sir, oh. Parang iiyak na!" narinig kong sigaw ng isang babaeng empleyado ko. Ganun din ang sinabi ng iba. Naguguluhan na ako. Ano bang gagawin ko? "Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang desisyon mo. Tanya, nakikiusap ako sa'yo. Payagan mo na ako, at kung makita mo na wala talaga akong pag-asa na palitan si Marky sa puso mo, then I will let you go. Kahit na ito ang dudurog sa puso ko. At kahit na sobrang sakit. This will be my last chance." Pagsusumamong sabi ni James na pinagsalikop ang mga kamay, humihingi ng awa sa akin. Umiiyak na ito sa harapan ko. Mas lalong nadurog ang puso ko. Hindi na ito iniisip ang sarili na mapapahiya siya sa harap ng maraming tao, kung tatanggi ako. At sino nga ba ako para tumangi? Walang masama kung susubukan ko. Hinawakan ko ang kamay niya at saka marahang tumango. Bigla siyang tumigil at lumaki ang mga mata. Napasinghap ako nang biglang niya akong niyakap. "Salamat, Tanya." "Napagpasyahan ko na rin na gusto kong maging masaya. Kaya ako pumayag," ang sabi ko sa tenga niya, na may halong determinasyon sa boses ko. "Na magmahal muli at maranasan ang tamis ng pagmamahal," bulong ko sa sarili ko, habang iniisip ang mga magagandang sandaling magiging parte ng aking hinaharap kasama si James. Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao sa loob ng cafeteria. Bumalik ang aking diwa. At bigla akong napabitaw kay James dahil sa sobrang hiya. "Wala nang bawian..." masayang bulalas ni James. "Liligawan mo pa lang ako, hindi pa kita sinasagot," sabay irap ko rito at tumalikod sa kanya. "Ihahatid kita pauwi mamaya," pahabol niyang sabi. "May lakad ako. Sa ibang araw ka na lang manligaw," tugon ko na natatawa. Ang sarap lang asarin ni James. Nahihinuha ko na sumimangot ito. Hindi ko narinig na tumugon ito. Kaya naglakad na ako palabas ng cafeteria. Nginitian ko ang lahat ng empleyado ko na bumabati sa akin. "Dito na lang muna ako habang hinihintay ka sa pag-out mo mamaya. Sasamahan kita sa lakad mo. Baka kung saan ka pa pumunta. Tapos bawiin mo pa ang sinabi mo," naririnig kong usap nito na kasabay ko pala na naglalakad. Gusto kong humagalpak ng malakas na tawa. Nagiging isip-bata pala itong si James kapag in love. "Umuwi ka na muna. Magpalit ka ng damit mo. 'Yong pang-disente, pupunta ako sa event mamayang gabi kasama ang mga kaibigan ko." "Talaga? Isasama mo ako?" "E, 'di ba, manliligaw ka? Eh 'di dapat sasamahan mo ako kung saan ako magpunta. Magpapaimpress ka para sagutin kita." "I will, Tanya. For you, gagawin ko ang lahat mapasagot lang kita." Nagliparan ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko dahil sa sobrang kilig. Ilang taon na ba simula noong huling naramdaman ko ito? Mag-pipitong na taon na. Simula noong mawala si Marky. "Gawin mo na lang," ani ko sabay binilisan ang paglalakad, papasok sa loob ng elevator. Napaharap ako kay James, ngumingiti ng maamo sa akin. Nasa loob na ako ng aking opisina, ngunit wala pa akong nasisimulang trabaho. Kanina pa ginugulo ni James ang isipan ko. Inis na inis ako sa sarili ko. Nahuhulog na talaga ako kay James. Kinuha ko ang receiver ng telepono at idinial ang intercom. "Chelsey, pakitimplahan ako ng kape at dalhin mo sa loob," utos ko sa aking sekretarya. "Noted, ma'am." Agad kong ibinaba ang telepono. Matapos ang ilang minuto, nakita ko si Chelsey na pumapasok sa opisina ko, may hawak na isang tasa ng kape. "Here is your coffee, ma'am. Nagtataka lang po ako sa inyo," sabi niya. "Hindi naman po kayo mahilig sa kape. Ano pong nakain niyo kanina sa lunch at magkakape kayo?" Mariin akong napapikit. Alam ni Chelsey na hindi ako coffee lover. "Hindi naman masama na paminsan-minsan ay nagkakape ako. Pangpagising at pampainit ng katawan," sagot ko, sana'y bumenta sa kanya. Ngunit iyon ang totoong rason kung bakit ako magkakape sa unang pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD