"BAKIT mo ako dinala sa sasakyan mo? Ayoko pang umuwi! Babalik ako sa loob ng bar!" singhal ko kay James, ang boses ko'y pumapailanlang sa gitna ng gabi habang kami ay nasa loob ng sasakyan nito.
Matiim itong nakatingin sa akin, hindi pinansin ang aking sigaw. Tumaas ang sulok ng labi nito.
"Do you know that it really looks good because your cheeks are so red, drunk lady?" Ang tanong nito na ikinapula ko pa lalo.
Mapula ang mukha ko dahil sa nakainom ako at hindi dahil kay James.
Napatiim ako sa sinabi niya. "Hindi nga ako lasing. Ano bang pakialam mo? Nagsasayaw lang naman ako sa gitna. Wala namang masama sa sayaw, di ba?" Hindi ko na alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko. 'Di ko na nga nakilala ang sarili ko kanina habang sumasayaw sa gitna.
Sunod sunod na tumango si James, tila nagpapahiwatig ng pagsang-ayon. "Walang masama. Ang masama ay 'yong makipagsayaw ka sa ibang lalaki," dagdag niya, ang tinig ay bahagyang nag-aalab sa galit.
Napaawang ang labi ko, hindi makapaniwalang sa tono ng pananalita nito'y para itong nagseselos. "Are you jealous?" tanong ko, ang boses ay bahagyang naglalaman ng pagtataka at pag-aalinlangan.
"Of course, I'm jealous. Pinayagan mo akong manligaw sa'yo tapos ginagawa mo lang akong asong buntot nang buntot sa'yo. Wala namang kaso sa akin 'yon. Pero 'yong nakita ko kanina ay hindi ko mapapalampas," sabi nito na naghihinakit sa sama ng loob.
Parang nawala ang aking kalasingan sa mga sinabi nito. Pero bigla ring nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.
Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko naman sinabi na bumuntot siya sa akin. Siya ang nagprisinta na sumama sa akin sa bar. Bakit ako pa ang sinisisi niya na nagmumukha siyang tanga kabubuntot sa akin?
"Alam mo, James, ang maigi pa ay umuwi ka na at ako ay babalik sa mga kaibigan ko sa loob. Para hindi mo na sabihin na pinapabuntot kita sa akin." Saka pilit na binubuksan ang pinto. Pero, hindi ko ito mabuksan. Napaharap akong muli kay James. "Pakibukas ang pinto. Bakit naka-lock?" Angal ko rito.
Tinitignan lang ako nito ng mabuti na parang ineeksamin ang aking buong mukha.
"Gusto mong sumayaw?" tanong nito na nakatitig sa akin mata. Tumango ako bilang sagot. "Gusto mong uminom?" dugtong na tanong nito.
"Ano naman ang ibig sabihin ng mga tanong mo?" balik kong tanong dito.
"Ako ang nagtatanong. Sagutin mo na lang." Reklamo ni James.
"Oo na! Gusto kong sumayaw at magpakalasing. Ano, masaya ka na?" sarkastikong sabi ko, pinadama ang halong pagkairita sa boses ko.
Napaayos ng upo si James at inistart ang makina ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta? Hindi mo man lang sinabi sa akin kung saan mo ako dadalhin." Napataas ang boses ko.
"Dadalhin kita kung saan ka puwedeng sumayaw at mag inom. Hindi kita aawatin o sasawayin. Mananawa kang sumayaw at maulunod ka sa dami ng alak."
Biglang kumislap ang mga mata ko. Para pa akong batang pumakpak.
Nagkaroon ng katahimikan ang aming biyahe. Hindi rin ako nagtatangka na kibuin si James. Pero sa sulok ng aking mata ay nakikita ko ang panaka-nakang pagsulyap niya.
Napapahikab ako sa antok. Pero nilalabanan ko. Excited na kasi ako sa aming pupuntahan.
Mga kinse minutos ang nagdaan, inihinto ni James ang sasakyan sa harapan ng isang gusali.
"Ano ito?" tanong ko, iginala ang mata sa buong building na nasa aking harapan.
"Basta bumaba ka na lang, Tanya." Usal nito at naunang lumabas ng kotse. Umikot si James sa pinto na nasa gawin ko at pinagbuksan ako.
Inilahad nito ang kanyang kamay sa akin na tinanggap ko naman.
Nang makalabas ako ng sasakyan ay hindi na binitawan ni James ang aking kamay. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng gusali. Dahil sa madaling araw na ay mangilan ngilang lang ang mga tao sa lobby. Hinila ako ni James papasok sa elevator. Para akong naging sunud-sunuran na lamang dito.
Nagbaba ako ng tingin. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga kamay namin.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Ano bang mayroon sa building na 'to?" Usisa ko.
"Wala nang maraming tanong, Tanya. Akong bahala sa'yo," sagot nito na matamis na napangiti. Hinaplos pa nito ang aking pisngi. Saka unti unti niyang inilalapit ang mukha sa aking mukha.
Mariin akong napapikit nang malapit na malapit na ang mukha nito sa akin. Pero, biglang tumunog ang elevator, hudyat na nasa floor na kami na pinindot ni James.
Lumabas kami ng elevator. Muling hinawakan ni James ang kamay ko at pinagsalikop niya habang naglalakad sa hallway. Napansin ko ang panghihinayang sa mukha nito dahil sa naudlot na halik.
Tumigil kami sa harap ng pinto. Nagtaka ako nang bigla akong tiningnan ni James. Hindi niya ininda ang mapanuring tingin ko. Nang mabuksan niya ang pinto, agad siyang pumasok sa loob.
Binuksan ko ang mga mata ko nang mahina na ang liwanag sa loob, at biglang sumalubong sa akin ang magandang sala. Napalakas ang pagtibok ng puso ko nang hila ako ni James papasok.
"This is my condo," deklara nito na ikinaawang ko ng labi. Pinaupo niya ako sa sopa. "Feel at home. Sandali lang may kukunin lang ako," paalam nito at tumalikod na sa akin.
Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng sala. Puting puti ang kulay at ang linis. Parang hindi lalaki ang nakatira.
Mayamaya ay lumalapit sa kanya si James na may tangan na isang case ng beer. Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat kilos nito.
"Uubusin natin ang isang case na 'to. At kung gusto mo pa, meron pa ako sa kitchen. Nakalimutan ko ang pulutan natin." Agad itong umalis sa harapan ko.
Wala na akong masabi kay James. Maraming stock ng alak sa loob ng condo.
Bumalik si James at inilapag ang dalang sitsirya. Umupo ito sa tabi ko at kumuha ng dalawang lbote ng beer. Binuksan niya ito sa pamamagitan ng kanyang ngipin. Walang kahirap hirap na nabuksan ang beer at agad na ibinigay sa akin saka binuksan ang isa pang bote.
"Manood na lang muna tayo ng movie while having a beer." Tumayo ito saka pumunta sa switch ng ilaw.
Dim lights? Parang sa mga movie, ah. Romantic din pala itong lalaking 'to.