Akira PoV
Cringgg!!!!
Cringgg!!!!
Cringggg!!!
Paulit-ulit na tunog ng alarm clock ang bigla na lamang nambulabog sa aking napakagandang umaga.
"Ahhhh!!!!" malakas kong sigaw habang mabilis kong kinapa-kapa sa aking mini table ang atribidang alarm clock at mabilis kong ibinato ito kung saan ko man to mahagis.
"Bang!!!!!" isang malakas na ingay ang nalikha sanhi ng pagkakahagis ko kung saan ko man nahagis iyon idagdag pang wala akong makita dahil nakatakip pa ang aking mata.
"Akira Anak, ano naman ang ingay na yan? Sigurado akong ang pang 2,684 na alarm clock mo na ang nasira mo. Ano ba naman yan!" sigaw ng aking napakagandang mama mula sa kusina namin. Sigurado akong nagluluto na ito ngayon upang ipaghanda kami ng agahan.
Ang aking nanay este napakaganda at napakasipag na nanay na walang iba kundi si nanay Lourdes.
"Bilang na bilang ma ah, pero ako nga di ko alam kung ilan na yung napatay kong alarm clock namin hahaha... Isa ka talagang henyo ma, bigyan ng jacket yan haha...charrr!"
Pero alam niyo ba kung bakit ibinato ko ang alarm clock ko? Ike-kwento ko sa inyo ha in just a brief second, mga 1second, joke lang basta. Ito na, napaganda na ng panaginip ko kasi yung feeling na nasa isa kayong romantic place tapos maghahalikan na sana kayo ng ultimate crush mo na abot-kamay mo na tapos bigla lumitaw yung napakaling katauhan ng sarili mong alarm clock with design pa ha at tumitili ng malakas na akala mo ay kung sino, oh diba nakakabadtrip?! Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit na dead-on-arrival yung alarm clock ko hayst.
Pero nakakapanghinayang noh, medyo may kamahalan pa naman ang alarm clock depende sa design pero ano pa nga ba kaysa naman si mama pa ang maging personal alarm clock ko na siyang pinaka-ayoko lalo pa't naalala ko naman yung nakaraang hindi pa uso sa'kin yung digital alarm clock.
Yung umagang-umaga pa lang pero bubungangaan ka na ng nanay mo na animo'y bumubuga ng apoy pero siyempre mahal ko yang mayordoma naming nanay na hanggang ngayon ay sobrang ganda pa rin at napakaalaga sa aming tatlong magkakapatid.
Kahit gusto ko pang matulog ay babangon ako ngayon. Siyanga pala magpapakilala muna ako para mukhang tao pa rin ako tingnan so ayun na nga. Ako nga pala si Akira Romualdez, grabe yung apelyido namin with the capital R-O-M-U-A-L-D-E-Z , ROMUALDEZ. Tunog pang-mayaman noh pero hindi naman kami mayaman at hindi rin sobrang hirap prang sakto lang. I'm 27 years old at nakatira sa *************. Tatlo kaming magkakapatid at ako yung panganay sa amin ewan ko ba kung bakit hindi ako naging bunso haha pero okay naman yun sa akin kasi mahal ko yung mga nakababatang kapatid ko na sina Andrei Romualdez at Gio Romualdez. Ang mga magulang ko ay sina Fred Romualdez at Lourdes Romualdez na pawang mga Greek God at Goddess charr. Nag-iisa akong prinsesa ng pamilya Romualdez at si mama yung kontrabida este yung reyna namin na siya namang mamanahin ko pagdating ng araw charrooottt! Pero ayun na nga anyway tapos na nga pala akong nakagraduated noong 21 years old pa ko, mga 6 years na rin ang nakakalipas ngayon ay nagtatrabaho ako as a Reporter sa DYN Company na exclusive for making latest and hottest headlines. Kaya ko nga pinili ang propesyong ito ay dahil na rin sa long time crush ko joke... Wag kayong chismoso okay wag niyong personalin yung kalandian ng utak ko, gusto ko talagang maging reporter eh kanya-kanyang trip lang yan mga bhe. So ayun nga, NEW YEAR, NEW YEAR RESOLUTION charr! New Year, New News and Headlines na naman ang gagawin ko. Work mode tayo ngayon tsaka excited na ko ngayon lalo pa at espesyal na araw ito para sa akin eh lalo na at makikita ko naman ang aking ultimate crush ay paktay ang daldal ko wag niyong isipin tong kalandian ng utak ko dahil mali-late na ko pag pinahaba ko pa tong storytelling ko na baka maging kasinghaba ng San Juanico Bridge. Bye²?
So ayun na nga, agad ko namang tinanggal yung telang pantakip sa mata ko kapag natutulog ako at ...
"AHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Malakas kong tili ang bumulabog sa buong bahay namin. Ayaw maniwala eh noh pero patayyy,,, Oo na aamin na ko, buong baranggay pala namin. Kasalanan ko bang ipinamana ng aking mudra ang kaniyang Super Mega Phone/ Super Sonic Wave Ability niya sa akin aba si mama sisihin niyo.
Nakarinig naman ako ng mga yapak mula sa aking kwarto na sigurado akong buong miyembro ng pamilya Romualdez ito.
"Aaannnnaakkkk, anong nangyari sayo!!!!!!" hysterikal na sabi ni mama na puno ng pag-aalala.
"Ano ba yan ate, grabe yung tili mo ha, malamang gising na gising buong baranggay natin ngayong umaga. Grabeng eskandalo yang ginawa mo ah!" sambit ni Andrei haabng nagkakamot pa ng ulo nito. Siguradong nabulabog ko ang masarap nitong tulog.
"Eskandalo talaga?! Eh tumili lang naman ako eh." sambit ko habang kinukusot ang aking dalawang mata.
"Tili nga ginawa mo ate, na abot hanggang kabilang baranggay hahahaha!" natatawang sambit ni Gio habang inaayos ang salamin nito.
*ang kukyutt talaga ng mga kapatid pero wag ngayon self umayos ka?
"Eh ano ba yang tinitili mo jan anak parang kang pra----wahhhhhhhh!!!!! Alieeennnnn!!!!!!!!" Hysterikal ni mama habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Mama naman eh, tumili pa ng tumili siguradong super gising na yung mga kapitbahay natin ngayon eh..." sambit ko nalang. Na siyang ikinangiwi ng mga cute na kapatid ko.
"Anak, bakit? Bakit ka nagkagusto sa sa alien na mukhang homo-sapiens ha? Saan ba kami nagkulang ng ama mo? Saan?!!!!" madramang sambit ni mama.
"Ma, wag kang OA okay... Ang aking baby myloves yan na bias mo rin. Sa kasamaang-palad eh aksidente ko siyang natamaan sa mukha, pinatay ko siya huhuhu..." halos maiiyak kong sambit habang hinawakan ko ang kamay ni mama.
"Ang O-OA niyo ate ha, eh poster lang naman yan eh hello buhay po siya, ALIVE AND STILL KICKING pa po siya." sambit ng aking kapatid na monggoloid na si Andrei.
"Anak naman eh, napaka-kj mo. Alam mo namang bias ko rin yan tsaka ultimate ng ate mo yan kaya behave ka kundi wala kang bonus allowance sa akin." sambit ng maganda kong mudra showing her full set-postiso hahaha joke lang!?
"Oo na ma, basta ha yung B.A. ko hehe..." sambit ng monggoloid kong kaaptid na si Drei.
"Aba ma, si Kuya lang bibigyan ng BA, sabi mo ma, bibigyan mo ko ng F.A.W.I. ?!" singit ni Gio habang nakanguso
"F.A.W.I.?!" sabay-sabay na sambit naming tatlong ni mama at kuya.
"Full Allowance with Incentives ma, remember?!" sambit ni Gio habang nakangiti.
"Ah oo naman anak, ikaw kaya yung pinakacute kong bunso hehe..." sambit ni mama sabay hug sa bunso kong kapatid.
"Eh ako ma, wala bang P.W.P.K.S." sambit ko habang nakangiting pilit.
"P.W.P.K.S.?!" sabay-sabay nilang sabi ni Mama, Andrei at Gio.
"Pautangin niyo ko, Wala Pa Kong sweldo hehe..." Sambit ko sabay kamot ng batok.
"Ah eh, ano yun anak oh may tuko sa dingdingmo oh." sambit ni mama sabay turo sa aking likuran.
Agad ko namang tiningnan ang aking likuran.
"Saan ma? Parang wala naman eh niloloko niyo ata ----?! Sabay lingon ko kila mams kaso wala na pala sila.
"Hayst, sinasabi ko na nga ba eh para-paraan din yang mga yan para di ko sila mautangan huhu..." mapait kong saad haabng nakasimagot.
"Anong oras na kaya?!" sambit ko sa aking sarili at mabilis kong binuksan ang drawer ng aking mini-table.
"7:59 am, 7:59 am, 7:59 am... Maaga pa pala eh..." agad kung kinusot ang aking mga mata at lutang na napangiti.
Nawala ang ngiti sa aking mga labi at halos manlaki ang aking mata lalo pa't naalala ko kung anong araw at petsa ngayon.
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" malakas kong tili habang tarantang-taranta akong pumasok ng banyo upang maligo.
Patay ako nito sa boss ko. Goodluck nalang talaga sa akin.