Akira PoV
So ayun na nga guys, kasalukuyan akong naglalakad-takbo na animo'y isang professional runner na sasali sa Olympics papunta sa malaking establishimento ng kompanyang aking pinagtatrabahuan. Mukha na kong homo-erectus sa sobrang hingal sa pagtakbo pero para sa ikauunlad ng bayan, Fighting! Biruin mo ba naman noh, nalate ako kahit napakadaldal ng alarm clock ko pero nilibang naman ako nila mama kaya nalate ako. Sisihan na to mga beh, aba aba i need you charrr!
(Mama Lourdes: Sisihan anak? Eh ikaw tong nambulabog sa buong baranggay natin at take note, ikaw lang yung na-late hahaha...)
(Ako: Mama naman eh... Shut up na nga lang ako huhu??)
So ayun, isa pa yung nakakainis is yung kaninang pagsakay ko sa bus, talagang sobrang siksikan lalo na at maraming sumasakay na tao kapag 8am hanggang 11am. 8:20 am na kong umalis sa bahay namin kaya ayon, yung fresh look ko ay naging super haggard na. Karamihan pa naman ngayon ay wala ng gentleman na lalaki. Grabe kasi yung mga lalaki kanina sa bus, di man lang naawa kay lola na sobrang tanda na lalo pa't wala ng mauupuan kaya ayun si lola na yung pinaupo ko. Grabehan sila ha, may mga attitude na ha at ayaw na sila na lamang tumayo. Edi sila na, ayokong ma-stress. Kalma self, kalma kahit mukha ka ng sinaunang tao.
Maya-maya pa ay siyempre libre perfume. Umalingasaw ang mga tinatagong baho ng mga kapwa ko pasahero. Mixed perfume only made in the philippines ewwww, pero normal na talaga to, sanayan lang yan siyempre wag kang feeling maarte diba aba aba baka makuyog pa ko nito dito diba imbes na sa opisina ang punta ko baka sa hospital na ko nito paroroon charrr... grabe na tong imagination ko, ang bu-brutal ng aking utak na animo'y nakasinghot ng isang galong alcohol hahaha...
Inayos ko na lamang ang aking salamin at kumapit ng maayos sa pahabang bakal para di ako malipad at pabalang na mahagis ng bus na akala mo ay hindi na hihinto dahil sobrang bilis ng takbo na animo'y nasa pelikulang "Final Destination." katakot si mamang bus driver mag-drive eh pero di nalang ako nagreklamo. Alam ko namang lahat ng kapwa ko pasahero ay nagmamadali rin kaming lahat para kanya-kanya naming destinasyon.Sarap ngang sabihin kay mamang driver na "Wala pa bang ibibilis ito?! Itodo mo na!" Us against the world charrr!" .
Talaga namang late na late na ko, naiimagine ko na ang mukha ng matandang dalagang boss ko na Miss Katakutan na para sa akin ay bagay na bagay ang apelyido niya dahil animo'y demonyo ito kung magalit at kulang na lang ay kainin ka na niya ng buhay. Napaka-istrikto kasi at napakabossy. Yung konting mali mo lang is papagalitan ka na niya.
Hayst ewan, kung pwede lang magresign agad ay ginawa ko na pero sa panahon ngayon, ang hirap na kayang makahanap ng disenteng trabaho. Medyo may kalakihan naman ang sweldo namin at napakabait naman ng mga workmates ko kaya okay lang. Si Miss Katakutan lang talaga yung kontrabida ng buhay ko, namin with matching sakit-tiyan post at lava walk.
Hindi ko namamalayang nakarating na ako sa hall ng malaking kompanyang aking pinagtatrabahuhan.
"Napakaganda talaga ng aming kompanya." sambit ko habang nakangiti habang mabilis na pinihit ang doorknob ng pintuan papasok ng aming opisina.
Bumungad sa akin ang maputi ngunit kulu-kulubot na mukha ng aking nakakakilabot na boss na walang iba kundi si...
(P-A-T-A-Y!!!!!!!!!) tanging nasambit ko na lamang sa aking isipan. Palagay ko aatakehin ako sa puso. Grabe ba naman bumungad sa'yo like biglaan talaga...
"And why are you late Ms. Romualdez?!" nakataas-kilay na sambit ni Ms. Katakutan habang suot-suot nito ang napakaganda nitong salamin. Siguradong bagong salamin na naman ito. Ako nga yung salamin ko ay matagal na noong college ko pa to pero si Ms. Katakutan halos every month may pabago-bagong salamin, yung ugali niya lang talaga ang hindi nagbabago. Tsk!
"Ah---ehh... Uhm...?!" natatarantang kong sagot na halos wala akong maisip na kahit na ano. Bakit ba naman naisip kong inspeksyunin si Ms. Katakutan sigurado akong kakalbuhin ako nito kapag nalaman niya yung iniisip ko. Erase... Erase....
"Mag-isip ka utak ko pls. Pls. Pls. I'm doom huhu??" sambit ko sa aking isipan. Kapag nakita ko palang si Ms. Katakutan na nasa demon mode niya ay parang gusto ko ng lumabas ng opisinang ito. Bakit naman kasi nagkaroon siya ng boss na pinaglihi sa sama ng loob at puno ng kapaitan.
Dahil wala akong maisip ay siyempre nag-call a friend ako noh. Aba, baka manlupasay na ako sahig dito sa talim ng titig ni Ms. Katakutan aba hindi naman pwede iyon noh. Ayoko pang sumunod sa alarm clock kong na-dead-on-arrival. It's a big NO.
Tiningnan ko naman ang mga nakaupo kong mga ka-workmates at matalim ko silang tinitigan. Siyempre "Birds with the same feathers, flocks together idagdag pang pare-parehas rin kami ng mga utak ng mga yan kaya ayun...
"Ms. Katakutan, masyado pa pong maaga tsaka bagong taon na bagong taon pa po is nagpapaka-stress po kayo... Dapat pong palayasin ang negative vibes para hindi po tayo buong taon kapitan ng malas. Sayang naman po yang OOTD niyo with your Godlike appearance kung magagalit lang kayo ng ganyan." malambing na sambit ni Jun na siyang isa sa mga kaworkmates ko.
Moreno-type na lalaki si Jun pero malakas ang s*x appeal nito. Pero wag kang papaloko rito dahil kilalang chickboy at no. 1 playboy ito ng DYN Company reporter ito. Aba, aba sa looks at personality palang ay kabog na ang ibang mga lalaki ngunit wag kang magpapadala sa ganitong klaseng lalaki dahil papaiyakin ka lang nito pero napakaswerte ko pa rin dahil humaling na humaling si Tandang Katakutan rito kaya para sa akin, NOT BAD JUN, KEEP UP THE GOOD FLIRT este WORK pala hehe... Malanding brain to.
"Ganda ko ba Jun uhhmmmm, ene be yen... At kayo, lalo na ka na Akira Romualdez... Tularan niyo itong si Jun na napakahardworking at napakaresponsable sa lahat ng mga bagay. Unang araw mo palang pero late ka, why not make Jun as your role-model. Binabayaran ka ng kompanya sa bawat oras na ginugugol mo dito. It will be your first and last warning!" istriktong sambit ni Ms. Katakutan sa akin habang mabilis na naglakad palabas ng opisina.
Nakayuko lamang ako sa buong oras ng pagbubunganga sa akin ni Ms. Katakutan. Hindi ko namamalayan na nakatayo na pala at sobrang lapit na pala ng mga ka-workmates ko sa akin. Ang aking buhok ay natatabunan nito ang aking buong mukha.
"Akira okay ka lang ba?!" sambit ng tinig sa aking harapan na alam kong si Jane ito. Mababakasan ng pag aalala ang boses nito.
"Galing ko ba, Akira my loves?! Napabilib ba kita?!" sambit ni Jun with his flirtatious voice.
"Nakakainis talaga yang si Ms. Katakutan with her devil personality with matching pataas kilay... Ewww!" sambit ng baklang boses na alam kong si baklang Salve ito. Aba, aba kabogerang bakla ng taon to pero I like it!
"Uy, wag ka ng umiyak Akira myloves.." malambing na sambit ni Jun habang makikita sa boses nito ang pag-aalala.
" Oo nga Akira, wag mong dibdibin yun, remember wala kang dibdib kung meron man mas malaki naman yung dibdib ko sa'yo hahaha..." sambit ng inggeterang baklang si Salve.
Agad naman akong tumayo ng maayos mula sa aking pagkakayuko at itinabing ang aking buhok.
"Bwahahaha, sinong nagsabing umiiyak ako. At ikaw bakla ka, ano'ng sinabi mo. Wag mong ikumpara ang natural kong dibdib sa artificial mong dibdib pero thank you talaga sa inyo guys ha... Di ko alam kung paano ako magpapasalamat sa inyo hehe..." sambit ko habang medyo napaluha ako ng slight with maarteng pagpilantik ng aking kamay.
"Umaawra ka ngayon Akira ah. Masyado ka ha, dinamay mo pa kami sa kalokohan mo. With call-a-friend ka pang nalalaman." sambit ni baklang salve. Kakainis, di niya pinatulan yung sinabi ko. Feeling inaapi siya hahaha... feel niyang maging bida ngayon, bida man? Charrr!
"Wala anuman yun mylov----- este akira hehehe..." malanding sabi ni Jun ngunit mabilis ko siyang pinandilatan ng mata. Aba aba, sinusubukan niya ko ha... Porket tinulungan niya ko palagi... Masyado ka boy ha, charrr!
"Paano ba yan Akira, libre mo kami mamaya ha. Sigurado naman akong hindi makakaltasan yang sweldo mo. Himala at naging ulyanin na si Tandang Katakutan hahahaha...!" sambit ni Jane habang natawa na lamang ito.
Take note, hindi minsan nakalimot yang si Ms. Katakutan na sabihing kakaltasan niya ang sweldo nmain ngunit isang himala ang nangyari, sigurado akong nagpapagood-girl/ pabebe girl si Ms. Katakutan kay Jun... Ew, ang landi ha, I cannot. Charrr!
"Hahahahaha....!" Tawa namin nina Jun at baklang Salve. Tandang Katakutan kasi ang palayaw namin sa matandang dalagang si Miss Katakutan. Luh, bad?????