Chapter 3

1229 Words
Akira Pov Nandito kami ngayon sa loob ng bar at talaga nga namang wala akong kawala sa kasamahan kong gusto lamang magpalibre eh Pare-parehas lang naman kami ng sweldo. Magkagayon man ay makikitang tila ang saya-saya ng dalawa kong kasamang si Si Jun at si Salve. Ayon, di ko alam na grabe pang uminom ang dalawang ito na animo'y hindi magpapaawat. Parang nagsisi akong dinala ko pa sila rito eh alam kong mauubos na naman ang pera ko sa kanila na galing pa sa savings ko. Hirap talaga pag nagkataon na makasagupa mo si Tandang Katakutan este si Miss Katakutan. Kahit na pinagkakatuwaan namin ito ay may respeto pa rin kami sa kaniya since senior siya namin sa aming kompanyang pinagtatrabahuan. Buti na lamang at mayroon siyang nagawang tama sa araw na ito since nakapublish na ang artikulong ginawa niya nitong nakaraang araw. Talagang sinwerte pa rin siyang makahanap ng scope para sa magiging mainit na balita. Wala akong pakialam ngayon dahil sigurado naman akong masusuklian ang ginastos ko sa nagawa niyang tama. Siyempre, with evidence yung article na sinulat niya. Mostly mgasikat na aktor o aktress ang laman ng mga pina-publish nilang mga balita para dagsain ang website nila ng mga nakikibalita o nakikichismis. Masasabi niyang pang-High class ang bar na kinaroroonan nila. Maganda ang ambiance, hindi magulo, hindi siksikan at halos lahat ay mga sosyalero't-sosyalera. May red carpet pang nakalatag pagkapasok na pagkapasok mo, akalain mo yun eh parang may fashion show dito. Nakita ko nakatingin pa rin sa paligid ang dalawa kong kasamang sina Jun at Salve. Joke lang talaga na ako yung gumastos, remember na di ko gagalawin yung savings ko para sa luho ng mga ito. Kumpanya namin ang magbabayad noh, mayaman naman talaga ang dalawang kasama ko dahil may kaya ang mga ito. Isa pa, takot ko lang sa nanay ko kung gagastusin ko ang perang iyon. Nandito lang talaga kami para gumawa ng articles kinabukasan at mag-unwind na rin pansamantala. sabi nga nila dapat ibalanse ang nga bagay-bagay para hindi ka biglang pumutok o magwala at masiraan ng bait. "O punta muna ako patungong C.R. Salve." Wika ko sabay tayo upang maglakad na papalayo. "Wait samahan na kita." Sambit ni Jun habang makikitang napatayo na ito. "Aba-aba Jun, pumapara-paraan ka na naman kay Akira. C.R lang punta niya hindi handaan. Ako ang isama mo Akira." Nakataas-kilay namang sambit ni Salve halatang nag-iisip ito ng kung ano-ano base sa tinging ipinupukol nito kay Jun. "At kailan ko pa pwedeng mag-CR kasama si Akira, Salve. Remember wala kang ano hahahaha!" Pilyong sambit ni Jun sabay tingin kay Salve na animo'y nakangiting aso. "Walang ano Jun? Ituloy mo ng lagyan ko ng oxygen tank yang esophagus mo tingnan natin kung makakatawa ka pa!" Inis na sambit ni Salve na animo'y hinila pa ang straw ng drinks nito at hinawakang maigi. Bago pa magkainitan ay nagpagitna na ako sa mga ito. Talagang mag-aaway talaga ang dalawang ito na hindi rin bago sa kaniya. Mahirap talaga pag may mga kaibigan kang overprotective na kulang nalang ay itago ka sa mga bulsa nila kung maaari man lang. "Okay lang ako, humanap na kayo ng pwede niyong ilagay sa balita bukas dahil baka bungangaan naman tayo ni Tandang Katakutan bukas lalo ka na Jun na paborito pa naman ni Tanda." Tanging nasambit ko na lamang lalo na at alam kong ito lamang ang magpapatigil sa namumuong away sa dalawang nilalang na ito na parang aso't-pusa. Tumango na lamang ang dalawa bago nagkatinginan at nagkasamaan ng tingin na animo'y parang kay talim. Walang lingong-likod na rin akong umalis dahil na rin sa kalokohan ng dalawang ito. ... Third Person Point of View Ramdam ni Akira ang pagod sa araw na ito. Hindi siya mahilig magbisyo o kung anuman pero iba pa rin talaga ang saya kapag kasama mo ang mga kaibigan mo sa trabaho. Minsanan lang naman ito at kahit papaano ay alam niyang may naiambag din ang mga kasamahan niya sa trabaho para makakuha ng nasabing scope sa araw na ito. Hindi man niya batid kung magiging madali sa kaniya ang trabahong meron siya ngayon ay kailangan niya pa ring gawin ito ng tama alang-alang sa kinabukasan niya lalo na sa gastusin niya sa bahay. Alam niyang tumatanda na siya lalong-lalo na ang kaniyang mga magulang. She don't want to end up being a failure at maging kahihiyan ng magulang niya sa huli. She wants something that could she call herself a strong and independent woman. Laking pasasalamat niya at nakapasok siya sa kompanyang ito. Ngunit gaya ng kaniyang pangarap na maging reporter ay taliwas ang nangyayari sa kaniya. He stays behind the camera at tanging sa scopes lamang siya at artikulo nilalagay dahil baguhan pa lamang siya. Hindi niya aakalaing ganito ang sitwasyong kinakaharap niya. Hindi siya reklamador ngunit kailangan niya talagang magkaroon ng malaking scope na dadagsain ng kung sinumang mga marites sa social media lalo na sa mismong official page nila. Desperada na kung desperada ngunit iyon ang gusto ni Akira na mangyari. Ngunit parang sumang-ayonang tadhana kay Akira dahil pagkalikong-pagkaliko ni Akira sa isang pasilyo ay nakita niya sa kabilang banda ang isang pamilyar na binatang aktor ng taon na lubos na kinababaliwan at hinahangaan ng lahat ng mga kababaihan at sangkabaklaan dahil na rin sa taglay nitong sobrang kagwapuhan maging sa galing nitong umarte sa harap ng kamera. Ito ay walang iba kundi si Henley Montefiero. Award-winning actor at isang kilalang aktor sa buong pilipinas. Yun lang ay mukhang nagbabaga ang tingin ni Akira habang pinagmamasdan ang sobrang gwapong aktor na animo'y may kung anong kislap rito na ngayon niya lamang nakita ang nasabing ano este aktor. Yun nga lang ay parang sinapian ng kung ano si Akira nang makita niya ang sumunod na pangyayaring tila nagpalakas ng kabog ng puso niya. Kitang-kita niya na umiiyak ang nasabing babaeng isa ring sikat na aktres na nali-link sa binatang aktor habang nakaharap ito sa nasabing binata. Iyak ng iyak at tila mabigat ang dinaramdam nito. Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Akira kundi agad niyang kinuha ang dslr sa loob ng kaniyang shoulder bag. Hindi naman niya gugustuhing hindi ito ipa-HD ang nasabing mainit na scope na maaari niyang gawan ng article. Hindi niya gugustuhing palampasin ang kaganapang ito sa buhay ng aktor na ito dahil ang importante sa kaniya ay may makuha siyang magandang scope at umasenso ang karera niya sa pagiging reporter na gusto niyang mangyari. Hindi niya batid kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito dahil desperada na siya. Gagamitin niya ang ebidensiyang ito para magpatuloy at tuloy-tuloy ang karera niya. Click! Click! Click! Sunod-sunod na pagclick ni Akira ng shutter button ng dslr camera na bitbit niya. Bahagyang napatago si Akira nang mabilis niyang nakitang napansin siya ng binatang aktor sa hindi kalayuan dahilan upang mabilis na tumibok ang puso niya hindi dahil sa nagwapuhan siya sa susi ng tagumpay ng karera niya kundi sa nabisto siya sa pagkuha ng litrato ng mga ito into full Hd pa. Nakita niyang bigla na lamang tumakbo ang nasabing aktor patungo sa kaniyang direksyon. Sino ba naman ang hindi malalaman ang gustong gawin ng nasabing aktor kung hindi ang kunin ang ebidensiyang nakuha mismo ng kaniyang sariling dslr camera. Hindi naman nagpatinag si Akira kundi ang tumakbo ng mabilis palayo sa lugar na kinaroroonan niya. Sigurado siyang namukhaan siya ng binatang aktor na si Henley Montefiero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD