chapter 10

934 Words
  V     Pagcatapos nang pagbasa nito,i, tiniclop ni tandang Basio ang _librong_ caniyang tañgan, pinahiran nang _paño_ ang caniyang mata, at ang uica sa aquin:   --Tapus na, pó, ang _historiang_ isinulat nang aquing nasirang ama. ¿Ano, pó, ang inyong tiñgin, ó sabi caya sa mañga napapalaman dito sa salitang ito?   --Minamabuti co pó, ang sagot co, minamabuti co pó, ang lahat, subali,t, tila, pó,i, ang tatay ninyo ay hindi caraniuang _indio_, cundi, ang bintang co po,i, siya,i, nag-aral din nang caunti.   --Uala pó, ang uica nang matanda, uala po. Ang tatay co pó, ay paris co ring ualang pinag-aralan cundi ang bumasa, sumulat, ang dasal at caunting cuenta, at pagcatapos niyon, ay hindi na humiualay siya sa calabao. Uala po, caming pinagcacaibhang dalaua nang tatay co, cundi ang siya,i, matino ang bait at matalas ang pag-iisip, at aco po,i, hindi.   Hindi na aco sumagot sa mañga catouiran ni tandang Basio, sapagca,t, aco,i, nag-aantoc na. At saan di aco,i, mag-aantoc? Ang pagbasa niya,i, madalang na madalang, palibhasa,i, matanda na siya, at malabo-labo na ang caniyang mata, caya matagal nang totoong bago matapos ang pagbasa niya nang _historiang_ isinulat nang caniyang ama. Sumisicat na ang liuayuay nang ito,i, matapos, at cung caya,i, nagpaalam na aco sa caniya, at ipinañgaco co sa caniya, na pagcapahinga co nang caunti, ay babalican co siya.         VI     Pinaroonan co ñga uli ang aquing caibigan na si tandang Basio nang dacong hapon niyong ding umagang yaon, at pagcatapos nang pagcocomustaha,t, pagbabatian namin, ay inusisa niyang pilit sa aquin, cung ano ang isinasaloob cong tungcol sa laman nang _historiang_ isinulat nang caniyang amba, at ang aquing sagot ay ganito:   --Sinabi co na pó, sa inyo cañginang madaling arao, bago tayo,i, maghiualay, na minamariquit co ang lahat na sinasalita roon nang inyong ama. Datapoua,t, ngayo,i, dadagdagan co ang aquing sinalita cañgina, at sasabihin co pó, sa inyo, na ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Andrés Baticot, ay hindi caraniuang nangyayari sa iba, cundi parang isang pagcacataon lamang; caya hindi dapat na cayo pó,i, tumungton diyan sa nangyaring iyan, sa pagpapatibay nang pasiya ninyo, na di umano,i, masamang totoo, na ang mañga _indio,i,_ nag-aaral nang uicang castila, ó iba pang bagay na carunungan sa Maynila.   --Hindi co pó, sinasabi, ang matinding sagot sa aquin nang matanda, hindi co, pó sinasabi na ang lahat, na pag-aaral sa Maynila,i, quinasasapitan ó casasapitan caya na para nang nasapit ni Próspero at nang caniyang magulang, at mayroon din hindi nagcacagayon; subali,t, maniuala, pó, cayo sa aquin, na sa sangdaang _estudianteng_ nag-aaral sa Maynila ay ang siam na puo,i, napapasama sa catouan ó sa caloloua, ó sa catauoa,t, caloloua na para-para; at salamat pa, pó, cung ang sampuong natitira,i, umiigui, at hindi lumilihis sa matouid na daang patuñgo sa Lañgit.   --¡_Seguro_, po, ang uica co cay tandang Basio, _seguro_, po,i, iyang lahat na sinasabi ninyo,i, pauang paghihinala nang inyong loob!   --Hindi, pó, paghihinala nang loob co itong aquing sinasabi cundi mañga catotohanang maliuanag na maliuanag, na siyang naquiquita nang aquing mata, at naririñgig nang aquing tayiñga. At nang cayo, pó,i, maniuala sa aquin, ay pacatantoin, pó, ninyo, (cung baga hindi pa ninyong pinagmamasdan), na caming mañga _indio,i,_, catuang totoo. Cung cami, pó,i, nagcacaalam-alam nang caunti, ó nagcacaroon caya nang munting catungculan, ay nagpapalalo, pó, caming totoo, (tabi sa iilang di gayon), sa aming capoua, at dahilan, pó, rito sa buloc na capalaluang ito,i, napapahamac cami, at ipinahahamac pa namin ang aming capoua tauo.   --¡Tila, pó,i, napapacalabis ang inyong sapantaha tungcol sa mañga bagay na ito!, ang uica co.   --¡Maca, pó, ang sagot nang matanda, maca, pó, ñga,i, mali itong aquing sapantaha! Ñguni,t, sasabihin co, pó, sa inyo, na cung inaabot nang aquing sariling pag-iisip, at sa pinagmamasdan co sa mañga tagarito ma,t, sa taga ibang bayan dito sa habang buhay cong ito,i, tila, pó, aco,i, nasasacatouiran at catotoohanan; caya, pó, hangan macacayanan co, ay pagbabaualan co,t, hindi co, pó, pahihintulutan ang aquing mañga anac, at ibang mañga camag-anac at caquilala, na mag-aral sila nang uicang castila, ó iba cayang carunungang di bagay at ucol sa canilang calagayan at _pagcaindio_. Ang cauicaan co, pó,i, para nang nariñgig cong madalas sa aquing amba. Ang Hari, ay mañgasiua sa caniyang pinaghaharian; ang anloagui, ay maghasa nang maghasa nang caniyang mañga pait at catam; ang ama,t, ina, ay mag-alila sa canilang mañga anac; at ang mañga _indio_, ay mag-alaga nang canilang calabao. Cung aco po,i, nagcacamali dahilan sa lubos na pagsunod co nitong mañga casabihang ito nang aquing tatay, at... patauarin aco nang ating Pañginoon Dios.   Dito sa matapang na salita at mainit na sagot ni tandang Basio, ay uala acong naalamang isagot, caya binali co,t, pinatid ang pinag-uusapan namin nang matanda, at ang uica co baga, sa caniya.   --Bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Pañginoon Dios, ay luluas na, pó, aco.   --Madali, pó, naman cayo, ang biglang sagot ni Basio at nang caniyang asaua at mañga anac.   --Uala, pó, acong magaua, at aco,i, tinatauag na sa Maynila; caya cung mayroon, pó, cayong ipag-uutos sa aquin, ay inyo póng sabihin, at tutuparin co.   --Salamat, pó, ang sabay na tugon nang lahat na mag-anac, salamat, pó. Ang Pañginoon Dios ang sumama sa inyo, at houag, pó, cayong madala sa amin, at cami, pó,i, tumatalaga sa inyo _oras-oras_.   Nagpasalamat aco sa canilang lahat at nagpaalam na, at nang quinabucasan niyo,i, umoui na aco sa Maynila.   Magmula niyong panahong yaon hangan ñgayon oras na ito,i, hindi co malilimutan ang aquing caibigan na si tandang Basio Macunat, at madalas na madalas na inaala-ala co ang caniyang matotouid na catouiran.   FIN.           End of the Project Gutenberg EBook of Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD