chapter 9

1526 Words
Iniluas ni cabezang Angi ang salaping inipon niya; at ang iba,i, ibinayad niya sa _abogado_ ni Próspero; ang iba,i, ibinigay sa _alcaide_ sa _carcel_, nang siya baga,i, pahintulutang dumalao sa caniyang anac; ang iba,i, guinugol niya sa caniyang pagcain; at ang iba,i, isinabog niya cung saan-saan, mangyari lamang siya,i, tuluñgan sa pagtatangol cay Próspero.   Bucod dito,i, napaampon siya sa lahat nang mañga caquilala at di caquilala niya, at nang sabihin co sa madaling salita; ay ualang di guinaua niyang capamanhican sa pagcacaliñga sa caniyang anac.   Datapoua,t, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac, nang calalacad dito,t, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang caniyang pag-iiyac, at ang mañga caraiñgan nang caniyang mañga caquilala at camag-anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog ang isang mahigpit na hatol at _sentencia_, na ang iniuutos doon, ay:--ipadala agad sa Balabac si Próspero "Baticot anac ni don Andrés Baticot at ni doña María Dimaniuala, na taga Tanay; dahilan sa caniyang masasamang caugalian at _antecedentes_ at dahilan sa mañga _perjuiciong_ guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo."   Ayon dito sa utos na ito,i, dinala ñga si Próspero doon sa Balabac, at doon dao,i, namatay, ang balita nang tauo.   Sa uala nang magaua si cabezang Angi sa Maynila, ay umoui rito; datapoua,t, bago siya,i, macarating dini, ay nagpalimos sa mañga bayan-bayang dinadaanan niya, palibhasa,i, uala siyang bauon, at uala namang _cuartang_ ibibili nang cacanin. Caya, gaua nang malaquing cahihiyan, capagura,t, calumbayan niya,i, bangcay na mistula ang caniyang anyo, nang siya,i, dumating dito sa bayan.   ¡Caunting namatay na patuluyan si Felicitas, nang maquita niya ang caaua-auang lagay nang caniyang inda! Nguni,t, nagpacalacas siya nang loob; inaliu pa ang caniyang ina; binihisan niya; pinacain; pinahiga sa banig, at ang lahat na,i, guinaua niya, nang macatulong at macapagbigay guinahaua sa caniyang iniibig na ina. ¡Pati catauouan niya,i, nalimutan, dahilan sa pag-aalila,t, pamimintuho sa caniyang ina!   Nang mahusay-husay na si cabezang Angi, ay inusisa sa caniya ni Felicitas ang lagay ni Próspero. Sinaysay ni cabezang Angi ang lahat, na ualang inilihim, at nang mabalitaan ni Pili ang nangyari sa caniyang capatid, ¡ay ina co! parang natangal ang lahat nang litid nang caniyang cataouan, caya magpacalacas-lacas man siya,t, magpacatibay-tibay man nang loob, ay nahapay rin siya.   Sinabi co cañgina, na ang catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon, ay buto,t, balat lamang. Subali,t, gayon man, ay sapagca,t, ang caniyang cabanala,i, malaqui, at caniyang caloloua,i, buhay na buhay, ay pinipilit nang pinipilit niya ang caniyang catauoan sa _pagtatrabajo_, at nacagagaua-gaua rin siya nang icatutulong sa canilang paghahanap buhay. Datapoua,t, nang mariñgig niya sa caniyang ina, ang quinasapitan ni Próspero, ay naualan siya nang dating catibayan nang loob, at napahiga na sa banig, na hindi na siya nacapagbañgon.   Nang magcaganito,i, ipinatauag ni Felicitas na agad-agad ang aming Cura at caniyang confesor, at doo,i, _nagcompisal_ siya nang mahusay, at nang quinabucasan niyo,i, dinalhan siya nang _Santo Viático_, at pinahiran siyang tuloy nang _Santo Oleo_.   Nang dacong hapon niyon ding arao na yaon, ay dinalao si Pili nang aming cagalang-galang na Padre Cura, at inusap ang maysaquit nang ganoon:   --¿Felicitas, baca mayroon cang caramdaman sa catauoan mong iquinahihiya mong sabihin?   --Ualang-uala, pó, ang banayad na sagot ni Felicitas, ualang-uala, pó, Among nararamdaman acong saquit sa aquing catauoan cundi isang malaquing cahinaan lamang.   --¿Baca caya, ang ulit nang Cura, sa bulong lamang, at sa lihim na salita, baca caya may nacasusucal nang calooban mo? Cung baga mayroon, ay houag mong ilihim sa aquin, cundi sabihin mo,t, ibulong sa aquin, nang cata,i, gamuti,t, hatulan.   --Ualang-uala, pó, Among nacasusucal nang loob co ñgayong oras na ito, cundi ang pag-aalaala co lamang sa aquing ina at sa aquing capatid, na baca, po,i, cung mapaano sila dito sa _mundo_.   --¿Masama, baga, ang bagong tanong nang Cura cay Pili, masama baga ang loob mo sa capatid mong si Próspero?   --Uala, pó, ang sagot ni Felicitas, uala, pó; hindi aco nagagalit sa aquing capatid, at uala naman acong masamang loob sa caniya, cundi bagcus, ay quinacaauaan co, pó, siyang totoo, at ipinanalañgin co siyang _oras-oras_ sa Pañginoon Dios, nang siya po,i, biguian nang Pañginoon Dios nang buhay at _gracia_. Datapoua,t, mayroon pó, acong ipagcocompisal sa inyo ang ibang bagay, tungcol din dito sa itinatanong pó, ninyo sa aquin, na baca sacali,t, aco,i, nagcasala sa harap nang ating Pañginoong Dios.   Tila, pó,i, aco,i, mamamatay na, subalit, ang pagcatalastas co, po,i, hindi ang anomang saquit nang catauoan co ang iquinamamatay co, cundi ang malaquing capighatiang dinamdam nang aquing loob, dahilan sa mañga guinaua ni Proper magmula niyong siya,i, nag-aaral sa Maynila, na hangan ñgayong panahong ito. Caya, pó, cung itong di co pagtitiis nang mañga caculañgan nang aquing capatid, ay naguing casalanan co sa harap nang ating Pañginoon Dios, ay _iquinucumpisal_ co, pó, sa inyo itong aquing casalanan, at inihihiñgi cong tauad sa Pañginoon Dios at sa inyo, at inaantay co, pó, ang inyong mahal na _absolucion_ dito sa aquing casalanan, na pinagsisisihan cong totoo.   _Pagcapagcompisal_ nang ganito ni Felicitas, ay binuloñgan siya nang aming Cura nang caunting _oras_ at binendicionan niyang tuloy.   Pagcatapos na pagcatapos nito,i, biglang sumigao si Felicitas nang gayon:--Amo, ina, Proper at cayo pong lahat, ay patauarin, pó, ninyo aco, at aco,i, tinatauag na nang ating Dios at Pañginoon.--At nang macasigao nang ganoon, ay napatid ang caniyang hiniñga.   Uala acong naquita, at uala rin acong nabalitaang libing na para nang guinaua sa bangcay ni Pili.   At caya,i, nagcaganito,i, sapagca,t, si Felicitas ay naquiquilala nang boong bayan; naalaman din nang bayan ang caniyang ugali at cabanalan; at napagtatalastas naman nang lahat ang mañga hirap nang catauoan at loob na dinaanan niya; at cung caya, sa isang cusa nang loob, na ualang nagtutulac sinoman, ay pinagcaisahan nang lahat nang mañga dalaga dito sa bayan, na mag-ambag sila nang macacayanan, nang magaua cay Felicitas ang isang mahal na libing.   Ayon dito sa pinagcasundoan nang mañga dalaga, ay nagsidalo silang lahat sa bahay nang patay, at ang iba,i, nagdala nang _candila_, ang iba,i, nagdala nang damit na igagaua nang sapot, at iba,i, may taglay na mañga _puntas-puntas_ at mañga _listong_ igagayac sa saplot at sa _ataul_, (cabaon), at lahat-lahat na para-para,i, nananahi at tumutulong sa anomang gagauin, at nag-abut pa cay cabezang Angi nang ambag na salaping canilang nacayanan.   Ang mañga _campana_ sa Simbahan ay ualang tiguil magmula nang mamatay si Pili. Maya,t, maya,i, _nagpeplegaria_.   Nang sumapit ang _oras_ nang paglilibing, ay nagsiparoon sa quinamatayang bahay ang lahat nang mañga dalaga, na _pare-parejo_ ang canilang mañga soot, at pauang may dalang candila, at nag-aagauan sila nang paglalabit nang _ataul_.   ¡Matotoua ang sino mang macapanood sa _calzada_ niyong libing na yaon, at _segurong-seguro,i,_ hindi aacalain niya, na yao,i, isang libing, cundi ang sasabihin niya, na yao,i, isang _procesion_ nang mahal na arao!   Ang soot naman nang aming Cura at nang mañga _sacristan_, at ang mañga gayac sa Simbahan, ay pulos na _primera clase_.   ¿Ano pa? Ang _canta_ nang mañga _cantores_, ay tila mandin maririquit sa dating _quinacanta_ nila sa mañga libing. Caya ang uica co cañgina, na uala acong naquita, at uala acong nabalitaan libing, na para nang guinaua cay Pili....   Natapos na ang libing, at ibinaon sa _panteon_ ang bangcay ni Felicitas, at nagsioui na sa cani-canilang bahay ang mañga naquiquipaglibing sa caniya.   Naiuan nang mag-isa si cabezang Angi dito sa _mundo_, at sa uala siyang pag-aari, at sa ualang macacain, at sa ualang pagtitirhang bahay, ay naquisuno siya sa isang camag-anac niya, na maigui-igui ang pagcabuhay. At baga man mabuti ang pagtiñgin at pag-aalaga sa caniya nitong caniyang camag-anac, ay hindi gumagaling-galing ang loob ni cabezang Angi. Caya palaguing nalulumbay siya,i, nalulungcot, at hindi natutuyo-tuyo ang luha sa caniyang mata, gaua nang malaquing pighati, at hindi nalauo,i, naratay sa banig at namatay rin....       =_CATAPUSAN_=   Natatanto na nang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, ang naguing buhay at camatayan ni na cabezang Andrés Baticot.   Subali,t, bago co tapusin itong aquing isinusulat, ay mayroon acong ipauunaua sa canila.   ¿Baquit caya ang mag-anac ni cabézang Dales, na mababait na tauo, at dati-dati ay mayayaman, na parang sinabi co sa itaas, ay naguing mahihirap, na macain man ay uala?   Baquit caya ang cadalamhatian nang loob, ay siyang iquinamatay ni cabezang Dales, ni cabezang Angi, at ni Felicitas?   Ay ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing pagcatalastas, cundi ang malaqui at _locong_ pag-ibig nang mag-asaua ni Dales, na ang canilang anac na si Próspero,i, mag-aral sa Maynila.   Ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan nang ulo nang naturang mag-asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang mañga matotouid na hatol nang aming Padre Cura, at nang mañga mahigpit na capamanhican sa canila ni Felicitas, na houag bagang papag-aralin nila si Próspero sa Maynila.   ¡Cahimanauari, ay paquinabañgan nang aquing capoua tagalog itong caunti cong capaguran sa pagtatala dito sa _papel_ na ito nang mañga naquita nang aquing mata, at nariñgig nang aquing taiñga!   ¡Mag-aral na ang mañga magulang, at mag-aral pati ang mañga anac dito sa tunay na salitang ito nang casasapitan nila capoua, _cung paañgatin nang mañga magulang ang canilang mañga anac sa tapat na calalaguian, at ilipat ó icana caya sa hindi tapat ó cahiyang na calagayan_.   Sa bayan nang Tanay, sa icadalauangpuo,t, isang arao nang buan nang Abril nang taong sanglibo ualong daan, tatlong puo,t, tatlo.   _Antonio Macunat_.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD