CHAPTER SIXTEEN

1291 Words
INANTAY NYA sa kusina si Alexendris. Matapos nito na mag-walk out. Inayos nya na lang ang mga pinagkainan nila. "Ano? Di kana masungit?" tanong nya Normal na uli ang mukha ng binata ng lumabaw ng kwarto. Nakasimangot. Hindi na matalim ang mga mata. He frowned at her. "Leave me alone for a moment, will you?" naiiritang tanong nito Tumayo siya sa upuan saka nameywang sa harap nito. "Kapag iniwan kita. Hindi na kita babalikan. Ano? Gusto mo parin?" Pinanliitan lang sya ng mata. Dumiretso ang binata sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Pinanuod nya ito. "Bukas uuwi na tayo. Gala tayo?" aya nya "I'm tired. Gumala ka mag-isa." He put the jar inside saka nilagpasan sya. Sinundan nya ito papunta sa sala. Mukhang may sapak na naman ang unggas. "Talaga? Hahayaan mo ko?" pang-aasar nya Sumulyap sa kanya si Alexendris. Matalim na ang mga mata. "What's the sense of forbidding you? You'll still go out!" asik nito. "You know what? Go with that man. Do whatever you want!" Binuksan nito ang t.v at dun itinutok ang mga mata. Alam nyang hindi naman talaga ito nanunuod. Inaantay lang ang reaksyon nya. Napailing na lang sya. Talagang kilala niya na ang lalaki. Napakadali na lang para sa kanya ang hulaan ang iniisip nito. Lumapit sya dito pero sa likod siya ng sofa. Sa likod nito. Ginulo niya ang buhok nito na ikinatigil na naman ni Alexendris. Tulad kanina. "Ang gwapo niya no?" "What?" nanggigil nitong tanong ng binata "Alam mo. Type ko sya." asar nya Palihim na siyang natatawa sa likod nito habang asar na asar na tinatampal ni Alexendris ang kamay nya. "Stop talking about that ass—" "Kaso ikaw ang type nya. Ang sad no?" tuluyan na syang natawa sa mukha nito Mula sa pagtataka. Nauwi sa gulat ang itsura nito at ngayon hindi na nya madescribe. "F-f*****g what?" Pabiro nyang sinabunutan sa buhok ang lalaki. "Wag mo nga syang murahin. Wala ka talagang manners e, no? Mabuti nga may nagkakagusto pa sayo. Sa sungit mong yan." "Iniinsulto mo ba ako." hinuli nito ang kamay nya "Hindi kaya. Nagsasabi lang." natatawa nyang saad Pumunta sya sa sofa saka komportableng naupo doon. Nang hindi masiyahan. Humiga sya saka ipinatong paa sa kandungan ng binata. "Get off your feet woman!" reklamo nito "Ano kayang magandang panoorin. Tutal ayaw mo namang lumabas. Edi dito na lang tayo." "You can watch without putting your feet in my lap. Damn it!" Nginisihan nya ang mukha nitong lukot na lukot na sa sobrang inis na di nya malaman kung saan galing. Wala naman tong eggcell na naee-expire every month. "Alam mo...lagi na lang maglasing. Mas bearable ka kapag lasing e. Walang sapak." komento nya "What exactly do you want huh? Quit irritating me. You're getting into my nerves!"asik nito Umupo siya mula sa pagkakahiga. Tinignan niya ito sa mata. Kitang-kita nya pagkapusyaw ng bughaw nitong mga mata. "Bakit ka nag-walk out kahapon ha? Selos ka no?" Nabato ito sa sinabi niya. Kitang-kita nya ang pag-freeze sa ire ng kamay nito. Mapang-asar syang ngumiti. "Ganun mo ba kagusto at nagselos ka kaagad?" pigil niyang tawa na tanong Tumalim ang tingin sa kanya nito ngunit wala itong sinabi. Tuluyan syang napangiti. Inakbayan niya ito saka isinandal ang ulo sa balikat. Inagaw nya ang remote sa kamay nito para makahanap sya ng panonoorin. Tahimik lang ang binata sa gilid niya. Di nya sure kung humihinga pa. "Why are you doing this?... Are you even aware of the consequences?" rinig nyang bulong nito Tutok ang mga mata nya sa tv na sinagot ang tanong ni Alexendris. "Syempre....hindi. Malay ko kung anong mangyayari sa future." sagot nya Napabuga ng marahas na hangin ang binata sa sagot nya. "Basta ang mahalaga handa ako. Mahirap mag-isip sa bagay na hindi pa nangyayari o hindi mo sure na mangyayari." saad nya pa She relaxed her body. "Kaya manood ka na lang. Okay? Wag kanang magsungit tss." Naramdaman nyang sumunod si Alexendris sa sinabi niya. He relaxed his body too. Nanunuod habang pasimpleng pinaglalaruan ang dulo ng buhok niyo. This is it... Ito ang gusto niya. Ang maging mapayapa si Alexendris kahit isang beses lang. NATAPOS DIN ang bakasyon nilang dalawa. Kahit gusto niya pang mag-stay kailangan nya ng bumalik. Kailangan nya pang magtrabaho. Saka may mga plano din sya na balak gawin na syempre pag-iisipin nya muna. Di na sila dumaan sa bahay ng mga magulang nya mapapalayo pa sila pauwi. Nag-send na lang sya ng message sa mama at papa nya. "Wala ka bang pasok?" tanong nya Naka-focus lang ang binata sa harap. Seryoso at kanina pa mukhang malalim ang iniisip. "When I'm in vacation. No call. I paid them for that." sagot nito Tumango-tango siya. Ang sarap siguro ng buhay ni Alexendris. Kung kelan lang gusto mag-bakasyon. Makakapagbakasyon talaga ng walang gulo. Ang papa niya. Busy talaga yun pero hindi naman sobra. May strategy kasi iyon na itinuro sa kanya kaya alam nya. Maganda din sanang magtrabaho sa negosyo nila pero nag-aalangan pa talaga sya. "What?" Sumulyap sya kay Alexendris. May kausap sa cellphone. Masama na kaagad ang timpla ng mukha. Sino kaya kausap nito? "It's not part of my responsibility anymore. Why don't you f*****g tell Collins to stop being useless?!" sik nito sa kabilang linya Napangiwi sya. Ang pasmado talaga ng bibig ng lalaking to. Kung maka-useless para talagang useful to. "Don't bother me Forfax. Ayoko kitang kausap." then he hang up "Ang harsh mo talaga." napailing-iling nyang komento Mukha namang kalmado ang kausap nito sa kabilang linya dahil hindi nya naririnig nagtataas ng boses. Ito lang talagang lalaking to. "Like I care." masungit nitong wika Nang makarating sya sa tapat ng bahay. Hindi na nya pinapasok pa si Alexendris. Para pa naman itong daga. Feel at home. Saka gusto niya ng katiwasayan. Yung hindi tataas ang presyon nya sa sobrang inis. Pabagsak syang naupo sofa saka ipinikit ang mga mata. Ang dami ring nangyari sa bakasyon nya ah. Akala niya talaga makakalayo na sya kay Alexendris. Hindi pala. May google map ata sa noo ang lalaking yun. Lagi syang natutunton. "Mukhang hindi one month ang mangyayari...forever na ata." bulong nya Nangako siya sa tatay ni Alexendris. At ngayon hindi na sya makawala. Mag-ama nga talaga ang dalawa. Mahirap matakasan. Sandali nyang klinaro ang full storage nya ng utak. Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya. Sunod-sunod na katok ang gumising sa kanya at malakas na patak ng ulan sa labas. Pupungas-pungas nyang tinungo ang pintuan at binuksan. Kaagad na tinangay ang antok sa katawan nya ng makita nya si Alexendris. Basang-basa! "Anong nangyari sayo?" natataranta nyang tanong Dahan-dahang nag-angat ito ng tingin. Their eyes met. Kaagad nyang napansin ang lungkot sa mga mata nito. "C-can I...stay?" Parang may kumurot sa puso niya ng makita ang itsura ng binata. Walang sagot na hinila nya ito at dinala sa banyo niya. Pinaligo niya ito. Mabuti na lang at dala padin nito ang maleta nito kanina. Kaya may naibihis parin. Tahimik itong umupo sa sofa nya na lalo nyang ikinabahala. Hindi naman kasi sya ganyan. Da't nagsusungit yan e Inilapag nya ang baso ng kape sa lamesa saka naupo sa tabi nito. Balak nya sanang mag-usisa pero nahinto sya ng yumakap si Alexendris sa kanya bigla. Ibinaon nito ang mukha sa leeg nya habang ang mga braso ay nakapulupot sa bewang nya. Para bang nanghihingi ng comfort. Hinaplos niya ang buhok nito. "I'm tired, Celestine.." Lumamlam ang mga mata nya. "Sige na. Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag kakain na." Akmang tatayo sya ng humigpit lalo ang yakap nito sa kanya. Ramdam nya ang init ng katawan nito. Senyales na masama ang pakiramdam nito. "A-Alexendris..." "Please... Don't leave me." His embraced tightened around her. "Stay.." "Please stay..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD