NAMOMOBLEMA syang nakatingin kay Alexendris na nakahiga sa sofa nya. Inaapoy ng lagnat. Bakit kaya sumuong ang lalaking to sa ulan?
He kept on murmuring na hindi nya maintindihan. Kung di lang nilalagnat baka naaway nya. Sino ba naman kasi ang susuong sa ganyan kalakas na ulan?
Liban na lang kung may problema sya. Base sa obserbasyon nya. Kanina pa basa ang lalaki dahil pati loob ng kotse nito basa!
"Oy, ano bang nangyari sayong lalaki ka?" bulong nya habang nakalapat ang kamay sa noo ni Alexendris
Wala pang kain ang lalaki tapos nag-iisip pa sya paano ililipat sa kwarto e gayong ambigat-bigat pa naman nito. Di pa sya makatayo kasi parang lock na nakahawak ang kamay nito sa braso niya.
Parang baliw. Kung mahahati lang ang katawan nya e.
Tinapik-tapik niya ang makinis na pisngi nito. "Alexendris... Magluluto na ako. Kailangan mong kumain." aniya
Umuungol ito. Dahan-dahang binitiwan ang braso niya. Nakatayo din sya sa wakas. Kaagad syang nagluto ng mainit na sabaw saka kumuha sa stock nya ng gamot bago pinuntahan uli si Alexendris.
Marahan nyang hinaplos ang buhok nito. "Pst. Gising na. Kumain kana para makainom ka ng gamot."
Hindi sumagot si Alexendris kaya inalog nya ang magkabilang pisngi nito. Nagtagumpay naman dahil nagmulat ng mga mata ang binata.
"Bangon na."
Inalalayan nya sa pag-upo ang binata na gumigewang pa dahil sa sama ng nararamdaman. Hinapan nya muna ang sabaw saka sinubuan ang binata. Kaunting kanin lang inilagay nya kasi baka isuka din nito.
"Ano bang nangyari sayo? Okay ka pa naman kanina ah?" nag-aalala nyang tanong
Inabot nya ang gamot dito. Kaagad namang ininom ni Alexendris. Isinandal nito ang ulo sa sofa at pumikit. Inilapag nya ang baso.
"Tara. Dalhin kita sa kwarto. Baka mahulog ka pa dito." aniya. "Wag ka mag-alala. Di kita gagahasain. Tatabihan lang."
Syempre. Kama nya yon saka malaki naman yun. Sakto lang para sa kanila. Tabi lang naman pramis.
Hinawakan nya ang braso nito saka ipinatong palibot sa batok nya para sana alalayan ito sa pag-tayo ng magsalita si Alexendris. Napakunot-noo siya.
"It's all my fault..."
"Huh?"
Nakapikit parin ito. Para bang nanaginip ng gising.
"If it's wasn't my existence. She would've been alive now. Happy and breathing."
Natigil siya sa hinanakit boses nito. Ito ang unang pagkakataon na marinig nya ang sakit sa boses ni Alexendris. Sa taong akala nya mas matigas sa bato.
Sa boses nito ramdam na ramdam nya ang sakit at galit ngunit sa payapang paraan dahil wala man lang luha na lumalabas sa mga mata ng binata. Para bang sanay na ikinikimkim ang nararamdaman.
"Ano bang...sinasabi mo? Sinong sya?" nagtataka nyang tanong
"I've watched her cried every goddamn night. Every goddamn time she watch my father with another woman. I've watched her tried to break free...but she can't... I watched her die. I watched my mother die."
Nag-constrict ang hangin sa baga nya ng marinig ang huling sinabi nito. Alam naman nyang patay na ang mama ni Alexendris pero hindi nya naman alam na nakita nito.
Kaya pala ganon na lang ang sakit sa boses ng binata. Imbis na itayo. Hinila nya na lang ang binata pasandal sa balikat nya saka hinaplos ang pisngi nito.
"Kung masakit na...sabihin mo sakin yan. Ipinapangako ko. Wala akong pagsasabihan. Sige na." malumanay nyang udyok
Alam nya ang nararamdaman ni Alexendris dahil galing na sya doon. Yung pagkakataon na ang bigat-bigat na pero wala syang magawa kundi pasanin kasi wala naman syang mapagsasabihan na pinagkakatiwalaan nya. Yung hindi ipagkakalat sa iba.
"I knew. I knew she wants to break free from the hurt but she can't. If wasn't conceived, she's maybe happy now. I missed my mom... Celestine... My missed her so much."
Kinagat nya ang labi para pigilan sa pagtulo ang namuong luha sa mga mata nya. Boses pa lang ng binata sapat na para maiyak sya kaya ang sakit na marinig dito na hinahanap-hanap ni Alexendris ang mama nya.
"H-huy.. wag mong sabihin yan. Tingin mo matutuwa sya kapag narinig nya yan sayo?"
Hindi nagsalita ang binata. Tanging ang pag-hinga lang nito ang naririnig nya.
Umayos ito ng upo pagkuwan saka ginulo ang buhok. Nakikita nya na nang hihina parin siya kaya aayain nya sana sa kwarto pero hinawakan nito ang braso niya.
Nag-angat ito ng tingin. Sa pagsasalubong ng mga mata nila ramdam nya ang pagkabog ng dibdib niya. He cupped her face. May ibinulong ito na hindi niya naintihan.
Saka mariing hinalikan ang mga labi niya. She's almost forget how to breath. Naipikit nya na lang ang mga mata ng maramdaman ang mga labi nitong mariing humahalik sa kanya.
Mabilis ang pangyayari dahil narealize nya na nakaupo na pala sya sa kandungan ng binata. He was kissing her passionately. Ang isang kamay ay nasa bewang nya at ang isa ay nasa pisngi niya. Like he wants to keep her in place.
Nagmulat sya ng mata ng tumigil ito. Humalik ito sa baba nya saka niyakap sya ng mahigpit. Napabuntong-hininga sya.
"Dito ka na lang pala matulog. Delikado pag sa kwarto." umiiling-iling nyang saad
NAGISING sya sa alarm clock nya kinaumagahan. Wala na si Alexendris sa tabi niya. Nagbibiro lang talaga sya kagabi. Ayaw nya namang mahirapan ang binata sa sofa.
Wala syang pasok kaya hayahay ang buhay nya. Pagkatapos nyang maghilamos, tootbrush saka syempre magsuklay. Lumabas sya ng kwarto.
"Umuwi na sya?" bulong nya
Hindi na nya mahagilap si Alexendris. Sinilip niya ang harap. Wala na doon ang kotse nito. Bumagsak ang mga balikat nya.
Ang aga naman nun magising? Wala kayang hangover ang unggas na yun? May lagnat pa kagabi.
Umupo sya sa stool saka humihigop ng kape. Yung 3n1. Masarap kase yun. Dadalhan nya na lang ng pagkain sa trabaho ang binata at gamot. Malamang na nahihilo pa yun. Hindi man lang umabsent kahit isang araw.
Matapos magkape nag-asikaso na sya. Nagluto siya ng sinigang na baboy. Masarap sana kapag isda pero baka mahirapan pa yun magtanggal ng tinik.
Kumaway sya sa guard na medyo kilala na sya saka dire-diretso sya sa private elevator ni Alexendris. Pakanta-kanya pa sya sa loob dahil aabutin pa sya ng isa't kalahating minuto o higit sa pag-akyat sa top floor.
"Hera!" bati nya sa sekretarya ni Alexendris
Mabilis na nag-angat ng tingin si Hera sa kanya. Napansin nya ang bata, na anak nito sa gilid. Binati nya at nginitian.
"Nandyan ba sya? Ihahatid ko lang yung pagkain. Wala pa kasing kain yun e. Di man lang nagpasabi." namomoblemang saad nya
"M-magkasama kayo?"
Tumango sya. Hindi na nakasagot si Hera. Kumatok ito ng tatlong beses sa pinto saka binuksan. Naabutan nya si Alexendris na nakatayo at nakaharap sa pader nito na gawa sa salamin.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi na aalis ka? Kumain kana ba—"
"What are you doing here?"
Natigilan sya sa kalamigan ng boses ng boses ni Alexendris. Nangunot ang noo nya at nameywang. Ano na naman kaya to? Attitude 2.0?
"Ano na namang nangyari sayo? Ang lamig mo naman masyado. Di ka ata nagkape e." tatawa-tawa nyang saad
Dahan-dahang humarap sa kanya ang binata. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya ng makita ang malalamig nitong mata.
"Our deal ended. I won't sue you anymore. Pwede kanang umalis. There's no reason for you to come here anymore."
Kumirot ng bahagya ang dibdib niya sa masasakit na salitang lumabas sa bibig ng binata. Hindi nya maintindihan. Maayos pa sila kagabi.
"A-ano?"
Parang dinurog ng binata ang puso niya sa susunod na sinabi nito.
"Ayoko nang makita ka."
Umawang ang labi niya. Ramdam nya ang pamumuo ng luha sa mga mata nya. Sanay na syang laging matalim ang mga salita ni Alexendris pero iba ang isang to.
He meant it this time. Kung ganon kasama pala sa lahat yun sa deal nila?
Bumaba ang mga mata nya sa hinanda nyang pagkain. Lumapit sya sa lamesa saka inilapag dun.
"S-sige. Alis na ako. Baka... n-naistorbo kita." hilaw syang tumawa. "Pakabusog ka. May 3n1 coffee dyan. M-masarap yan. B-bye."
Mabilis syang tumalikod ng gumaragal ang boses niya. Pigil niya ang luha hanggang sa makarating sya sa elevator. Masama ang loob na napaiyak siya.
"Ang sama talaga ng ugali mo... Bakit ba mapanakit ka?"