Ambigat naman!
Napaungol siya sa inis. May nakadagan kasi na mabigat sa dibdib nya. Hindi na sya makahinga. Pilit nyang itulak iyon pero hinawakan lang kamay niya at inalis. Kasabay ng ungol din.
Bigla syang napamulat. Muntik na syang mapatili ng makita ang binata na nakaunan sa dibdib nya. Nakayakap ang braso nito sa bewang nya.
Paanong napunta sya sa kwarto ko? Naligaw ba sya?!
"Alexendris! Gising! Paano ka napunta ditong hinayupak ka!?" medyo paos nya pang saad
He didn't answer. Malalalim parin ang paghinga nito. Nasa kasarapan parin ng pagtulog. Napakamot sya sa ulo. Alas kwatro pa lang ng umaga.
Pilit nyang inangat ang ulo nito pero humigpit lang ang yakap sa kanya. Mas isiniksik ang ulo sa dibdib nya. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo nya sa katawan.
Sunod-sunod syang huminga ng malalalim. Bumaba ang tingin nya sa mukha nitong natutulog. Tanging ang matangos na ilong at mahahabang pilikmata ang nakikita nya.
Napaka-amo ng mukha...parang hindi nakakabwisit kapag gising e
Marahan nyang tinapik ang pisngi nito na ubod ng kinis.
"Anong skin care mo ha?" parang baliw na pagkausap nya
Unti-unti na syang nakaramdam ng antok kaya isinandal nya na lang ang baba sa ulo nito. Ipinikit nya ang mata at yumakap dito.
Gawin muna kitang unan...
Bulong nya sa isip saka tuluyang nilamon ng antok.
NAKASIMANGOT NA pinagmasdan nya ang maleta ni Alexendris na katabi ng di kaliitan nyang bag. Nahiya yung bag nya sa maleta nito.
Marahas syang napabuga ng hangin. Seryoso nga talaga syang sasama sa kanya. Paano na sya makakapag-enjoy nito?
"Why are you still standing? Let's go." naiinip na sabi ng binata na nagsusuklay gamit ang suklay nya
Sinamaan nya ito ng tingin. "Pwede bang bigyan mo muna ako ng space? Bakit ba lagi kana lang nakadikit sakin, ha?!" naasar nyang saad
"Wala ka bang trabaho at pinepeste mo buhay ko? Paano ako makakapag-enjoy doon? Ha? Malamang na aalilain mo lang akong letchugas ka!" nanggigil nyang dagdag
"I'm not." He looked at her. "You're overreacting. Aside from cooking, wala akong pinagawa sayong iba."
"Demidepensa ka pa! Yung pinaalis mo ako sa trabaho ko? Ano yun?!"
"Because I want you to cook." he said simply
Celestine released a harsh breath. Binitbit nya ang bag nya. Bahala sya sa maleta nya. Alangan na sya pa ang magbitbit!
Kaasar talaga tong lalaking to!
Paano kaya sya nahanap ng lalaking to? Tulad na kung paano nito nahanap ang bahay nya. Nauna syang bumaba. Naabutan nya ang mama nya sa sala.
"Aalis na kami ma. Mag-ingat kayo ni papa dito ah." paalala nya
"Oo naman. Si Alexendris?" tanong nito
"Ayon. Nakakabwisit padin." bulong nya
"Ano?!" nakakunot-noong tanong ng mama nya
"I'm here tita."
She snorted. Kapal ng mukha! Nakiki-tita!
"Mag-iingat kayo ha. Wag mong pabayaan ang anak ko. Tatanga-tanga pa naman yan minsan." aniya mama
"Ma naman!" reklamo nya
"Ibinibilin lang kita, Celestine! Kilala kita. Masyado kang tsismosa! Kaya ka napapahamak minsan." sermon ng mama nya
Totoo naman dahil kung hindi. Di nya makikilala si Alexendris. Payapa pa sana buhay nya.
"Aalis na kami."
Nauna na syang lumabas ng bahay. Dumiretso sya sa loob ng kotse at basta itinapon ang bag sa backseat. Lumingon sya sa bintana.
She saw him. Naka-shades na ang letchugas habang hatak-hatak ang maleta. Mukhang runway model na nagbabakasyon.
"Madapa ka sana, tss."
Nag-iwas sya ng tingin nang makapasok na ang binata. He started the engine.
"Put your things in the trunk." utos nito
"Ayoko nga! Okay na yan dyan. Nakakatamad lumabas." nababagot nyang sagot
Tumalim naman ang mga mata ng binata. As usual, inis na naman dahil maiksi lang naman ang pasensya nito.
"Celestine! Put it in the trunk!" mariing utos nito
"Edi ilagay mo."
Tinalikuran niya ito. Niyakap nya ang mga binti saka isinandal ang sarili sa upuan. Nakaharap sya sa bintana.
Bahala ka dyan. Kausapin mo sarili mo!
"Goddamn it woman! When will you stop pissing me off?" He hissed
Wala rin itong nagawa kaya pinaandar rin ang sasakyan paalis. Mas niyakap nya ang mga binti at ipinikit ang mga mata. Napapaisip siya kung paano tatakasan ang lalaki.
"Bakit ka nagmumukmok dyan? You're supposed to be happy. I am a busy man and I have a lot of things to do but I choose you." tunog reklamong saad nya kapagkuwan
Sinulyapan nya ito na may matatalim na mata. "Bakit sinabi ko bang piliin mo ako? Anong gusto mo? Kiligin ako kasi sinamahan mo ako?"
Napansin nya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa manubela. His eyes remained blank though.
"Why don't you just thank me?"
"Hindi kaya kapasa-pasalamat kapag kasama kita. Napaka-bossy mo kaya tapos ang sungit mo pa! Baka hindi bakasyon ko ang tawag dito. Bakasyon 'mo'!" hinaing nya
"I told you already. Hindi kita aalilain. Why can't you believe me?"
Tumaas ang dalawang kilay nya sa kalmadong boses nito. First time! Kahit kelan hindi nya narinig magsalita si Alexendris ng kalmado.
"Ganon ba kasarap ang luto ko at napakalma ka?" hindi makapaniwalang tanong nya
Nagusot ang noo nito. "What are you saying?"
Tuluyan syang humarap dito. "May lagnat ka ba o tapos na mens mo? Hindi ka masungit ngayon e pero nakakainis ka naman."
Inabot nya ang binata sa driver's seat at kinapa ang noo at leeg nito. Hindi naman sya mainit.
"Anong ginagawa mo?" nagusot lalo ang noo ng lalaki. "Stop it."
"Chinecheck ko lang baka kasi may lagnat ka e."
Idinikit nya ang likod ng palad sa leeg nito para damahin pero hinablot ng binata ang kamay nya. He hold it tightly.
Natigilan naman sya. Bumaba ang mata nya sa palad nya na hawak-hawak padin ni Alexendris. Kumabog ang dibdib nya.
"A-ang kamay ko...a-akin na.."
Hinila nya ang kamay pero hinigpitan lang nya ang pagkakahawak. Her eyes widened when he interwined their fingers.
"H-hoy! Ano yan! B-bakit may pa-holding hands?!" nauutal nyang saway
Celestine can feel her cheeks heating up. Idagdag pa ang kabog ng puso niya. Hindi tuloy sya makahinga ng maayos. Napalunok siya.
"I'm just checking too."
Umangat ang tingin nya sa mukha nito. Naka-shades padin ang hinayupak ngunit dahil malapit sya dito. Mas napagmasdan nya ng maigi ang binata.
""H-huh?"
He glanced at her and smirked. "How would you react. You looked beautiful."
Mas lalo atang namula ang pisngi niya. Tinampal nya ng malakas ang braso nito nang makabawi sya.
"Wag ako! Hindi ko basta-basta mabobola!" asik niya
"Hindi naman kita binobola." He glanced at her. "It's a joke."
Napanganga sya sa sinabi nito. Binitiwan nito ang kamay niya.
A-ano? J-joke?
Kumuyom ang kamao nya. Binigyan nya ng nakakamatay na tingin ang lalaki. Gigil na gigil syang sabunutan ito kung hindi lang nagdri-drive.
"I'm just checking your reaction. You seem affected. Maybe you like me."
"Ang kapal ng mukha mo! Hindi kita gusto!" mabilis nyang tanggi
"Really?" he teased
"Oo kasi may iba akong gusto at hindi ikaw yun!" asik niya
Hindi yun totoo. Gusto niya lang makatakas sa sitwasyon. Hiyang-hiya sya at inis na inis. Yung tipong malapit nya nang pilipitin ang leeg ni Alexendris.
Dumilim ang mukha niya. "I bet he don't like you so stop liking him."
Napasimangot sya. Hindi sa inis kundi sa sakit. Parang may kumurot sa puso niya. Kahit hindi totoo na may gusto sya. Masakit parin ang sinabi nya na hindi sya gusto ng imaginary crush nya.
Hindi na lang sya nagsalita at tinalikuran uli ang lalaki. Kinuha nya ang jacket nya saka itinaklob sa mukha nya. Doon sya patagong nagdamdam.
ALEXENDRIS STOPPED THE CAR when they've reached the hotel. It's already afternoon. Nilingon niya ang dalagang natutulog. Nakataklob padin ng jacket.
I bet she's hungry
Nakita nyang hindi masyado kumain ng almusal kanina ang dalaga. Malamang na gutom na ito. He sighed and lean at her.
Dahan-dahan nyang tinanggal ang nakabalot sa mukha nito saka hinila para umunan sa balikat nya. He silently wipe the dry tears in her eyes.
Napabuntong-hininga sya. He caressed her face and planted a soft kiss in her lips. It's suppose to be a smack but he got swayed. He bit her lower lips before pulling away.
"I'm sorry... I just don't like hearing you like other men aside from me, Celestine."