Bakit para atang namamaga ang labi ko?
Ilang beses nyang kinagat-kagat ang ibabang labi. Ramdam nyang nangangapal ang labi nya. Napakunot-noo sya. May nakain ba syang pagkain na allergic sya?
Kaunti na nga lang ang kinain nya kanina dahil sa inis tapos namaga pa ang labi niya. Siguro sign na ito na marami na syang sinasabing di kaaya-aya.
"Walk fast! It's hot here!" reklamo ng binata
Mabagal kasi ang paglalakad nya kaya nauna sa kanya. Nakatingin si Alexendris sa kanya na nakasimangot at iritang-irita. Namumula narin ang pisngi nito.
Tinakbo nya ang pagitan nilang dalawa saka kumapit sa braso nito. Naramdaman nyang natigilan ito.
"Tara na. Akala ko ba mainit?"
Hinila niya ang lalaki papasok sa loob ng hotel. Kandahirap pa ito sa paghatak sa maleta. Sya naman ay tinatawanan lang ito na ikinainis lalo ni Alexendris.
Pulang-pula ang pisngi at tungki ng ilong niya sa sobrang init at inis narin nang makarating sa loob ng hotel. Sya na ang naunang tinungo ang recieptionist.
"Gwapo ng boyfriend niyo Ma'am." nakangiti komplimento ng receptionist sa kanya
Sinulyapan nya si Alexendris na pinapagpag ang sapatos. Nakasimangot padin. Parang papatay na ng tao.
Gwapo yan? Parang mananakal e
"Di ko boyfriend yan." tanggi niya
Pabirong tumaas ang kilay ng babae sa sinabi niya. Hindi naniniwala sa pahayag nya. Napangisi siya sa isip.
"Katulong ko yan. Kaya nga hawak niya yung maleta ko. Gwapo no?" sabay tawa
Hindi na nakapagreact ang babae at hindi narin nya pinansin nang makuha ang susi ng room nila. Nilapitan nya si Alexendris.
"Maleta pa more." halakhak nya
"Shut up! Where's the room? I want to shower." masungit na saad nito
Ngumisi siya. Tutal naiinis ito. Mas iinisin nya pa lalo. Pambawi sa ginawa nito kanina.
"Sinong nagsabing doon ka sa kwarto ko? Mag-book ka ng sarili mong room. Ang yaman-yaman mo. Wala kang pang-book. Hmp!"
Taas-noo nyang tinalikuran ito at tinungo ang magiging pansamantala nyang kwarto. Akala nya hindi makakaabot ang binata sa elevator pero nakapasok padin.
Bahagya syang nagtaka. Dapat naka-kunot noo ito tulad ng parati nyang nakikita. Dapat naiinis sya! Exaggerated na pero napasinghap pa sya ng makita ang pagngisi nito.
"And who told you, you booked the room? Did you pay the room?"
Nawala ata lahat ng dugo niya sa katawan. Hindi siya nagbayad kasi hindi niya gawain yun. Ang alam nya ang papa niya ang nagbayad dahil ito naman ang nag-aya.
"Namutla ka ata?" he walk slowly towards
Napako sya sa kinatatayuan at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaki.
"Let me ask the question again. Sinong nagsabing dun ka sa kwarto ko?"
Maiiyak ata sya. Bakit hindi man lang nya natanong ang papa niya?! Saan sya matutulog? Paano na ang bakasyon niya? Ang buhay nya?
"B-biro lang naman yun e." hilaw syang tumawa saka humawak sa braso nito. "Uy, baka naman."
His brows raised. "Don't touch me."
Napatiim-bagang sya ng pinagpag nito ang kamay nyang nakahawak sa braso nito. May pagkakataon talaga na hindi siya marunong magtanong.
Paano na tuloy ngayon!?
Bumagsak ang balikat nya at napasimangot sa gilid. Dapat nagpapakasaya sya ngayon e. Hindi ganito na namomoblema sya.
"But in the second thought..."
Umangat ang tingin nya dito. Bumaba ang tingin nito sa maleta. Nabigla sya ng bigla nitong ipinasa sa kanya ang maleta, mabuti na lang at nahawakan nya kaagad.
"You still have one week before our deal is off. You're still my slave, as I call it. I still need you so you're coming in my room."
"Yun!"
"Consider this as your lucky day."
Malapad syang ngumiti saka kumapit sa braso nito. Natigilan ang binata.
"Tara na boss. Lucky day ko ngayon kaya magiging mabait ako...ngayon."
Syempre ngayon lang no!
NAGDADALAWANG-ISIP SIYA kung susuotin nya ang bikini na binili nya. Gandang-ganda sya dito nung nasa store pero ngayong hawak at susuotin nya. Parang gusto nya na lang mag-rashguard.
"May see through naman." kumbinsa nya sa sarili. "Minsam lang naman to."
Sakto lang naman ang binili nya. Two-piece maroon bikini. Pinatungan nya ng black na see through. Ginalaw-galaw nya laylayan sa may kamay nya.
"Ang ganda!"
Lumabas sya ng banyo pagkatapos suklayin ang buhok niya. Iisa lang ang kama sa loob ng suite nila pero dahil wala namang malisya at wala syang pagpipilian. Kasama nya sa iisang kama si Alexendris.
Sa itsura nun na para syang bulate na pinandidirihan. Malamang na hindi hahayaan nun na dumikit ang balat sa kanya.
Naabutan nyang nagtitipa sa laptop ang lalaki na nakaupo sa sofa. Busy na busy sa ginagawa kaya hindi man lang sya pinagtaasan ng tingin.
"Oy!" tawag nya
"What?!" He hissed
"Aalis muna ako. Mage-enjoy muna ako bago mo ko alilain." paalam nya
Mabilis pa sa alas kwatrong nag-angat ng tingin si Alexendris. His jaw dropped for a moment. Nanlisik bigla ang mga asul na mata nito.
"What is that? Is that even a clothe? You're wearing nothing!"
Halos ibalibag nya ang laptop nang ilagay nito iyon sa lamesa saka tumayo at nilapitan sya. Medyo nailang sya ng tignan siya nito mula ulo hanggang paa.
"That...is a very sinful piece of s**t. Change. Hindi ka aalis ng ganyan ang suot mo."
Nameywang sya. "Alangan namang mag-pajama ako! Lalangoy ako mamaya kaya ganito outfit ko. Tabi! Ang dami mong arte. Nagpaalam na nga."
Sinubukan nyang lagpasan ang lalaki pero hinila siya nito sa braso at muling hinarap sa kanya. Nandidilim na ang mukha nito.
"I said change!"
"Ano ba! Ayoko nga!" napanguso siya. "Minsan lang naman ako magsuot nito. Gusto ko lang i-try."
Alexendria released a harsh breath. "You will wear robe not that see through thing. Para kang naglalakad ng nakahubad!"
"Marami din namang naka-bikini sa labas ah!" depensa nya
"Not because everyone do it. You would do it too." kumuha ito ng robe yung hanggang talampakan ang haba at manipis. "I'll go with you."
"Bakit na naman!"
His eyes sharpened. "I'm hungry. I wanna eat...something..outside."
"Nagugutom narin ako. Sabagay hindi pa ako nagtanghalian kanina. Anong kakainin mo?" tanong nya
"Something delicious. Come on, ang dami mong tanong."
Naunang maglakad ito sa kanya pero nang mapansing nahuhuli siya halos hatakin sya nito para makasabay sa lakad nito. Naiinis tuloy sya. Ang haba ng mga binti nito. Nahihirapan syang sumabay. Para tuloy syang kinakaladkad.
"Ang sarap nito, ah." bulong nya ng matikman ang pagkain
Medyo kinakabahan pa sya kanina sa pinili niya baka hindi nya gusto yung lasa. Thankfully, masarap naman.
"Try mo, bili." nage-excite nyang itinaas ang tinidor nyang may karne pa
Ilang segundo pang tinitigan ni Alexendris ang pagkain bago isinubo iyon. He nodded his head in agreement.
"Di ba! Sabi ko sayo e!" natutuwa nyang sambit
"I want that." He demanded
"Um-order ka."
"No. Feed me."
Medyo nagulat sya sa hiling ng lalaki pero ginawa nya padin. Nag-enjoy ata sya pagsubo dito.
"It's really good." He complimented
"Ano ng kakainin ko? Kinain mo na pagkain ko." reklamo nya
Inurong ng binata ang plato sa harap nya. "Here. It's also delicious."
Di na sya nagpatumpik-tumpik pa at kinain ang pagkain. Masarap nga. Dumighay sya.
"Tara! Swimming tayo—"
Napahinto sya sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone ni Alexendris. Sinilip nito ang cellphone. Biglang sumeryoso ang mukha nito.
"You go first. I'll take this call."
Tumango na lang sya at nauna sa dagat. Malapit nang lumubog ang araw kaya sinulit nya ang paglangoy. Hindi niya trip lumangoy kapag madilim na.
"Miss! Mag-isa ka lang?" napahinto sya sa pagpapagpag sa ginagawa nang may lumapit sa kanya
"Hindi. Bakit?"
Lumapad ang ngiti ng lalaki saka inabot sa kanya ang baso na alam nya agad na alak ang laman. Kumunot ang noo niya.
"Gusto ko lang sana naming makalaro. If you don't mind. It's them." turo nya sa grupo na di kalayuan
Tatlong lalaki at tatlo ring babae ang naroon. Nagdalawang-isip siya saglit pero umo-oo din. May babae naman saka baka matagalan pa sa pagbalik si Alexendris. Kanina pa yun e.
"It's a truth or dare. If you choose, truth, you will drink this but if it's a dare." ngumisi ang babae. "You'll do anything we'll say. Para walang kawala."
Their game went on and on hanggang sa tumapat iyon sa kanya at dahil takot sya sa dare. Pinili niya ang truth. She tooked 3 shots of the liquor at nararamdaman nya na nag-iiba na ang pakiramdam nya.
"Hey! Celestine. You okay?" tanong ng lalaki na hindi nya na matandaan ang pangalan
"May orgy kaming pupuntahan. Do you want to come? I swear, it's fun."
Wala sa sariling tumango siya. "S-sige ba! Tara na."
Pagewang-gewang syang tumayo. Muntik pa syang bumagsak. Nasalo lang sya ng lalaking um-approach sa kanya kanina. Napakunot-noo siya ng maramdaman ang paghimas ng palad nito sa bewang nya.
"Tara. I promise, it's fun. It'll bring you to heaven." bulong nito
"S-sige."
Nakakailang hakbang pa lang sila ng may malakas na pwersa ang humatak sa kanya mula sa likod. Kasabay ng pagpulot ng braso sa bewang nya at pagdikit ng likod niya sa matigas na dibdib.
"Run." A deep dangerous voice echo in her ears
It was followed by a click and screamed hanggang sa mga nagtatakbuhang mga paa.
"What the f**k are you doing with yourself woman!" He hissed in fury
"O-orgy daw...gusto ko pumunta..dun...punta tayo.."
Naramdaman nya ang muling pagbalot ng suot sa balat nya. Wala na pala ang roba na ibinigay sa kanya ni Alexendris.
She's drunk. Ipinikit nya ang mga mata kasabay ng pag-angat ng katawan sa hangin. Lumipas ang ilang segundo bago niya naramdaman ang lamig ng hangin at pagbagsak ng katawan sa malambot na kama.
She moaned when she felt a soft squeeze in her right breast.
"Stubborn woman.." a deep voice said
...followed by a deep kiss in her lips.