CHAPTER FOURTEEN

1584 Words
ANG SAKIT NG ULO NIYA KINABUKASAN. Para syang lalagnatin na ewan at masakit ang kasukasuan niya. Nasa kama na sya at katabi ang binata. Anong nangyari kahapon? Kinapa nya ang sarili. Iba na ang suot nya pero sure syang yun padin ang panloob na gamit nya. Pinalitan siguro sya ng damit ni Alexendris. Natatandaan nya kung anong nangyari kagabi medyo malabo nga lang sa isipan nya. Mariin syang napapikit. Muntik na sya dun. Kung hindi dumating si Alexendris malamang may nangyari na sa kanyang masama. Sumandal sya sa headboard at tinignan ang binata na nakatalikod sa kanya at yakap-yakap ang unan. Parang bata na ang masarap ang tulog. "Gising na..." mahinang tawag nya saka ginulo ang buhok nito. "Saka salamat nga pala kagabi. Kahit nakakagigil ka sa kasungitan. Mabait ka parin sakin." He only groaned. Ibinaon lang nito ang mukha sa unan. Hinayaan nya na lang matulog ito kaya tumayo sya para pumunta sa banyo at maligo. Magluluto sya ng almusal. Yung masarap na almusal dahil paninindigan nya na ang sabi niyang magiging mabait. Mabait naman talaga sya pero sadyang nakakainis ang binata lalo na kapag nagsusungit at pasmado ang bibig. Nag-shirt lang sya at maong na short na katamtaman lang ang iksi. Baka malukot na naman ang mukha nun. "Kain naa!" malakas nyang sambit Alexendris with a messy hair wearing a sweatpants and t-shirt enter the kitchen. Nakasimangot, yung natural na mukha nito every day. Hindi dahil sa naiinis. "Masarap yan. Masarap yung nagluto e." sabay tawa "You'd cause me trouble last night. Is this part your making up?" masungit na tanong nito "Oo, kasi alam kong mali ako dun." ginulo niya lalo ang buhok nito. "Kaya wag kana magsungit. Kumain kana dyan." Natigilan ang binata dahil sa ginawa nya. Saglit itong napatitig sa kanya bago nag-iwas ng tingin. Iniwan nya ito para kumuha ng plato saka naupo sa harap para saluhan sa pagkain. "What are your plans today? Spill it. Para alam ko kung anong gagawin kapag nasuot ka na naman sa gulo." Nagpangalumbaba sya habang nakatingin dito na kumakain. "Wala nga." saad niya. Tumingin sa kanya ang binata. "Kasi bukas na uli." Sumimangot ito. Natawa sya sa mukha nito. Inabot nya ang mukha nito at sinundot ang magkabilang-pisngi ni Alexendris. Napatigil tuloy sa pagsubo ang binata. "Ang cute mo siguro nung bata ka tapos siguro lagi kang masungit." tumawa sya "Of course, I am. Hindi ako magiging gwapo kung hindi ako naging cute." masungit nitong saad Napahalakhak siya. Sabi na nga ba. May pagka-mayabang talaga ang lalaking to na laging nireregla. Hindi man lang nagpaka-humble ang ungas. "Gala tayo. Ayokong ma-bored dito sa loob ng suit." aya niya Nanliit ang mga mata ng binata. "Then what? You'll get drunk again with some group of liberated and maniacs?" He said sarcastically "Hindi na nga. Nadala na ako kaya wag kanang magsungit dyan." "I don't want." nakangusong tanggi ni Alexendris "Sige na. Ihahanda ko na gamit mo. Kapag hindi ka sumama. Maghahanap ako ng lalaki—" "Fine!" asik nito Nanlilisik ang mga mata nito sa sinabi niya na tinawanan nya lang. Tinapik-tapik nya ang balikat nito. "Wag kang mag-aalala. Naka-off ang sexy button ko. Wala ng maattract sakin sa labas." sabay bungisngis Iniwan nya sa kusina ang binata. Pumunta sya sa kwarto para hanapan ng damit kasi hindi marunong mag-ayos ang lalaki. Naka-sweatpants ba naman sa beach. "Lalaki talaga." bulong nya na naiiling-iling Napakakalat ng kwarto. Hindi man lang naayos ang higaan tapos kung saan-saan nakasampay ang mga damit. Ang medyas ay nakasalampak lang sa sahig malapit sa sapatos na ginamit nito. Inilagay nya sa kama ang susuotin ng lalaki saka inayos ang mga nakakalat na damit. Initsa lahat iyon sa basurahan—sa labahan pala. "Where's my clothes?" Nilingon nya ang kakapasok na lalaki. Inginuso nya ang kama. Dumapo ang tingin niya doon sandali bago dumiretso sa banyo. "Tignan mo to. Tatanong-tanong kung nasaan yung damit. Di naman pala kukunin." pabulong nyang reklamo Itinabi niya ang dust pan sa gilid. "Wag mo lang subukang lumabas ng nakahubad. Sisipain kita uli!" sigaw nya Tunog lang ng lumalagasgas na tubig ang narinig nyang tugon. Naupo siya sa kama matapos maglinis. Pumapatak ang pawis nya sa pagod. Narinig nya ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya napatingin siya doon. Timba ata ang naipawis nya bigla ng makitang nakatapis lang ito ng tuwalya. May bakat pa sa harap— "Tabi." usal nito sa likod niya. "You're sitting in my clothes." Napaurong sya sa tabi. Napabuga sya ng marahas na hangin ng makaiwas ng tingin. Si Alexendris....pinagpala pala... "Have you shower already? You're sweating." untag ng binata Mabilis siyang napatayo. Pilit syang nag-iwas ng normal. Yung hindi mahahalata nito dahil nagbubutones lang naman ng jeans ang ungas. Topless padin kaya kitang-kita ang gandang katawan nito. "H-hindi pa. Shower lang ako... Hintayin mo na lang ako sa kwarto—sa sala pala." Napapikit sya ng mariin at kumakaripas na pumasok ng banyo. NAKAKAPIT SYA SA BRASO ng binata habang naglalakad sila sa dalampasigan. Maaga pa kaya hindi masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw. Naghahanap sya ng pwedeng gawin bukod sa maglibot-libot. Sakto na may nakita syang nagvo-volleyball. Hinatak nya sa braso ang binata para kunin ang atensyon nito. "Tama na kakatingin sa chicks. Volleyball muna tayo." untag nya "I'm only looking at you." "Ano?" kunot-noong tanong nya Hindi nya narinig ang sinabi nito kasi ang hina masyado ng boses. Akala mo dalagang pilipina. "I said no." masungit nito sagot sabay iwas ng tingin "Sige na! Minsan lang to." "You said that also when you wore that shitty clothes and you looked what it got you? You almost got rape!" He hissed Nameywang sya. "At paano ako mara-rape ng pagvo-volleyball lang ha? Saka kasama naman kita. Kung ayaw mo sumama. Edi ako na lang." Tinalikuran nya ito saka lumapit sa apat na naglalaro. Mukha naman silang approachable at hindi gagawa ng masama. "Guys! Pwede sumali?" nae-excite nyang tanong Ngumiti ang isa. "Sige. Dito ka samin." Agad na umalma ang kabilang grupo. "Madaya! Tatlo na kayo!" Dumepensa naman ang grupo nya. "Kahit naman tatlo kayo dyan. Panalo padin kami." sabay halakhak "Tekaa!" sigaw nya. "Hindi kayo lugi. Kasama ko yun oh. Sa inyo na sya." turo niya kay Alexendris Tumalim naman ang mga mata ng binata nang makita ang ginawa nya. Nabuhay ang kabilang team ng makita si Alexendris. Tumakbo sya papunta sa direksyon ng binata saka hinila ito papunta sa mga naglalaro. "Taraa! Sumali kana." pilit nya "No! I don't want." "Tara na! Wag kang pa-feeling matanda dyan. Tara naa!" Wala ring nagawa ang binata kundi ang sumali pero nasa team nya ito. Lumipat na lang yung isa sa kabila kasi maa-attitude ang lalaki e. Surprisingly, magaling sa pagvo-volleyball ang binata. Mabilis ang galaw nito at pulido. Parang alam kung saan babagsak ang bola kaya mabilis syang nakakahampas. "Ayan pala yung ayaw maglaro ah." sarkastikong saad nya "It's just too easy. It's not even worth learning." mayabang na sambit nito Umingos sya dito. May nadaanan silang nagtitinda ng buko juice kaya doon muna sya tumambay. Inabot nya ang plastic ng juice. "Buko oh. Maganda sa kalusugan yan." "I don't like." "Puro kana lang I don't like. Inumin mo yan. Maganda yan sa kalusugan. Sige na. Pag di mo yan ininom. Kakaltukan kita." sermon nya "Fine!" Simangot itong ininom ang buko. Relax syang sumandal sa puno. "Wait me here. I'll just buy something." Tumango lang sya saka muling ibinaling ang tingin sa dagat. Payapang-payapa ang alon nito kaya masarap pakinggan. "Ang gwapo ng boyfriend mo. Anong lahi?" Napatingin sya sa lalaking lumapit sa kanya. Patingin-tingin ito sa botique kung saan bumibili si Alexendris. Lalaki ang tindig nito but she knew better. "Type mo?" tumatawa nyang tanong Natawa rin ito. "Oo sis. Ang fafa. Saan mo napulot yan?" "Sampo lang yan. Hanap ka sa Maynila. Joke." sabay halakhak. "Oo nga pala. Hindi ko siya boyfriend." "So ano? Beshie lang kayo o paminta din?" "Hindi kami beshie at lalong hindi yan paminta. Pinagpala yan.." Impit itong napatili saka kumapit sa braso niya. Nagets kaagad ang sinabi niya. "Truelaley. Sana makahanap din ako. By the way, like mo ba sya? Jowain mo na sis. Mahirap makahanap ng gold fish sa dagat." Natawa sya. "E, hindi ko sya like. Kasi ikaw talaga like ko." Nasira ang mukha ng kausap saka bahagyang lumayo. Tatawa sana sya ng marinig ang boses ni Alexendris. Madilim ang aura nito nang magtama ang tingin nila. "Then go and f**k. I'm done here." he spat full of venom Nagulat naman sya sa inasta nito pero bago pa nya matawag. Nakalayo na ito. Napakurap siya. Anong nangyari doon? "Ang sungit pala. Kakatakot! Sige na habulin mo na yun sis bago manakmal." Itinapon nya muna ang plastik na hawak saka tinakbo ang dinaanan ni Alexendris pero hindi nya na mahagilap ang lalaki. Napahinto sya sa paglalakad at humugot ng malalim na hininga. "Nasaan na sya?" nag-aalalang tanong nya Hindi nya malaman kung bakit bigla na lang nagalit at umalis si Alexendris. Maayos pa naman ito nung pumasok sa store. Tinignan nya rin sa hotel pero wala sya doon. "Celestine Villanueva..." Napaharap siya sa likod niya. Bahagya syang napahakbang at nanlaki ang nga mata ng makita ang mukha ng lalaking tumawag sa kanya. "P-paano niyo nalaman ang pangalan ko?" medyo kinakabahan nyang tanong He stood six feet tall. He's wearing a business suit. This man doesn't look intimidating but rather dangerous. Seryoso ang bughaw nitong mga mata. "I am Alexendris' father...and I want to talk with you. Won't you mind?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD