Chapter 4: Crush ng Crush ng Bayan

960 Words
4 [ Crush ng Crush ng Bayan ] Zachary POV Nakisabay sina Camilla at Carl sa akin sa pag uwi. Coding kasi ang kotse ni Carl. Si Camilla naman, walang sariling kotse. Yes, Si Carl ang tumawag sa akin habang kausap ko sila Chari. Yung tingin nila sa akin kaharap si Chari ay talaga namang nakakatunaw. Para bang gusto nilang itanong kung nanliligaw ba ako kay Chari. I just ignored them. Bahala silang isipin kung ano man ang gusto nila. Si Cassidy, kasabay niya si Mom dahil pareho sila ng oras pag uwi at madalas derecho sa mall para mag shopping at kumain. Sa parking lot, napansin namin ni Carl si Chari na pumasok sa kanilang family car. And Carl elbowed me on my side to tease me. That's why I twitched a little and suddenly I slightly hit my body with someone on my back. "I'm sorry, son." I heard the man said calmly. Carl and I were startled when we saw it was Mr. Rafael Richards. Ang kalmado n'ya, hindi siya arogante gaya ng iba na makanti lang ng kaunti ay nagagalit na. Siya pa ang humingi ng paumanhin sa akin, at tinawag ako ng 'son'. I know walang ibig sabihin yon pero it's overwhelming. Para akong na starstruck. No wonder why many people loves him. Pero napaisip din ako, what if he knew I'm Luis's son? Ganon pa rin kaya ang trato niya sa akin? "I'm sorry, Mr---" Iyon na lang ang nasabi ko and he slightly smiled implying that it's not a serious matter. Pumasok na siya sa loob ng kotse at nag umpisang patakbuhin ito pero nanatili lang ako sa aking kinatatayuan, naaaninag ko ang silhouette ni Chari sa bintana ng kotse. I don't know kung namamalik-mata lang ako o nag aassume pero parang nakatingin din siya sa akin. Hindi naman kay Carl dahil pumasok na siya ng kotse at heto na nga binusinahan na ako para sabihing aalis na kami. ~~~~~~~~ Habang kami ay bumabyahe nila Carl at Camilla, napansin ni Camilla ang isang sticky note na nakaipit sa gitnang page ng hiniram kong Manga comics. " Zac, para yata sa'yo 'to." Kinuha ko ang inabot ni Camilla na note and read it out loud. [ I'm a straightforward woman so 'di na ako magpapaligoy pa---] Tinigil ko na ang pag- basa dahil private message na sulat-kamay ito ni Chari. I supposed, she wants me to read it privately. "C'mon Zac! Labo mo naman bro, ituloy mo na." Sabi ni Carl habang nagmamaneho. " Yeah, kainis ka, gusto rin naming marinig noh!" Wala akong nagawa kundi ituloy ang pagbabasa, I'm sorry Chari, interesado rin akong malaman. Wala naman na akong maitatago sa kanila. They're my childhood friends anyway. [ It's almost a decade since the first time I saw you. Since then, ikaw lang naging crush ko--] Nasamid ako nang nabasa ko iyon, didn't see that coming. [Kaya masaya ako at muli kitang nakita. I hope we can be friends.] Hindi ako nakaligtas sa kantyaw nila matapos ko iyon basahin. "Finally Zackie! May naglakas-loob ng lumandi sa'yo!" Sabi ni Camilla with a giddy feeling of excitement. And that's so unusual from her. " Whoah, crush ka ng pantasya ng bayan! Don't you know sa school na pinanggalingan niya, she was treated like a princess." Sabi naman ni Carl. "Saan mo naman yan nalaman?" Tanong ni Camilla na naka ismid. Halatang may halong selos. "She's famous, Hon. Check out her social media accounts. She has almost 10M followers." "Ow, I don't know about her. Lately ko lang siya nakilala. And didn't know active ka pala sa soc med." "No, Hon. Si Charielle lang ang finofollow ko--" Lalong napataas ang kilay ni Camz. Kaya bago pa siya makapag salita, inunahan na siya ni Carl. "Don't get jealous Hon, mas maganda ka d'on. Saka, mga tulad lang ni Zackie pwede sa gaya niyang normie. Alam mo naman I'm not into high-spirited girls like her. Mas sexy para sa akin yung mga chinita na mahinhin." Bahagyang napangiti si Camilla. "Bolero. Tanggap ko naman, napaka ganda no'n. Anyway, Zac, why not ask her for a date?" "Pass," I simply answered. Sa akin na naman natuon ang atensyon nila. "You like her too, don't you? Kanina wala ka sa sarili habang nakatingin sa car nila Chari kung hindi ka pa binusinahan ni Carl baka sundan mo pa ng tingin 'yon hanggang maka alis." "Yeah, napansin ko rin. Admit it bro. Natural lang naman yon kahit sa mga gaya natin, we still humans na humahanga lalo na sa mga magaganda at mababait." Sabi naman ni Carl. "She's pretty." I answered. "Yie!" They reacted in unison. Ganon ba sila kasaya for me? It's too early to speculate and I don't want to complicate things. "Does it mean 'yes'? Si Chari lang yata ang sinabihan mo ng 'pretty'." Carl said at hindi ko na sinagot yung tanong niya. Obviously, humahanga talaga ako kay Chari. No doubt about it kaya bakit kailangan pang sagutin ang obvious naman. "Hindi ka ba flattered Zac? Gosh, she's so gorgeous. S'ya na lumalapit sa'yo. If I were a man, susunggaban ko na agad yan. Rawr. " Sabi ni Camilla na cool lang as always. "Ako pala dapat magselos. " Tugon naman ni Carl and they both laugh a bit. They really are a cute couple. Habang tinitignan ko sila... Napaisip ako kung ano ba feeling ng may girlfriend? Should I consider on having one? Ridiculous idea. "I'm a Cruszi. And she's a Richards. " Iyon lang ang nasabi ko at nauunawaan naman nila. Napuno na naman ng katahimikan ang byahe namin. They know how complicated the issues between mine and Chari's family. Parang modern Romeo and Juliet lang ang dating. And we all know how they ended up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD