5 [ Busted ]
Charielle's POV
Wala kaming klase sa unang subject dahil lahat ng instructors ay may meeting. Classes will resume after lunch.
Second day ng klase, sobrang excited ako. Hindi dahil sa lectures kundi dahil kay Zac.
Hindi naman sa pagiging maharot, inspired lang talaga. Ok lang naman siguro kasi I've been a consistent honor student since I started studying. Wala akong naging boyfriend o in-entertain na suitors. My mind is just focused on my studies. My heart is just fixed in Zachary alone.
This is the first time I took the guts to make a move para mapansin ni Zac which I've never done before sa kanino mang lalaki. Kay Zac lang talaga. Hindi ko alam kung anong hiwaga ang ginawa niya sa akin nung mga bata pa lang kami para mabaliw ako sa kanya ng ganito.
Nabasa niya kaya yung note ko?
Second day na pero wala pa rin siyang kaibigan sa room. Parang hindi naman siya bothered. Nandun lang siya sa sulok, walang imik na nagbabasa ng Manga.
Well, hindi lang naman siya ang nag iisang ganyan, halos lahat ng classmates ko ay introverts. Siguro dahil first week pa lang naman ng klase, lahat ay nasa getting-to-know each other at adjustment period pa.
Sa ngayon para silang may sariling mga mundo para akong nasa ibang planeta. Parang ako yung nagiging weird dahil karamihan sa kanila ay 'indifferent' pero malala itong si Zac. Ibang level ang kanyang pagiging introvert.
Sa sobrang yaman niya nakabili na siya ng galaxy. Just kidding. Pero totoo yon, malala siya kasi yung mga classmates namin pag binati at kinausap ko naman they will smile back at me at makikipag usap din naman.
Si Zachary ay emotionless. He's oozing with intimidating aura na kahit pa ang gwapo niya at mukhang gentle, walang nagtatangkang mga babae na lumapit sa kanya. He seldom smiles. Ah no, never ko pa siyang nakitang ngumiti.
Ako nga lang yata ang hindi nahihiya na lumapit at makipagkilala. Sabihin man nila na masyado akong papansin o feeling close, pero sa totoo lang, it took me almost ten years to muster all the courage to approach him.
Hindi lang basta isang umaga, pagka gising ko ay nag feeling close agad ako kay Zachary at bffs niya, it took me a lot of guts talaga.
Isa si Zachary sa mga dahilan kung bakit pinagbutihan ko ang pag aaral; para payagan ako ni Nanay at Tatay na mag aral dito sa Winterfield dahil alam kong dito magko-college si Zachary.
I know for a fact na lahat ng eldest sons ng Cruszi clan ay required makapag tapos sa Winterfield. How did I know? Simple, I do my own research.
You may call it obsession pero ganon talaga. Siguro nga I'm obsessed with Zac and I don't know why.
Maya-maya, dumating yung dalawa niyang kaibigan while I was busy looking at him.
Tumabi si Carl sa kanya while Camilla stood behind Zachary and encircled her arms around his neck.
Alam kong best friends silang tatlo at mag boyfriend si Camilla at Carl pero nakaka inggit yung closeness nila. And also I'm jealous, sana pwede ko rin gawin yon kay Zac.
I can't take my eyes off them at napansin iyon ng mga friends ko na nakapalibot sa akin.
"Curious ka ba sa kanila?" Tanong ni Janna nang napansing bigla akong natahimik habang pinagmamasdan ang tatlo.
"Sila yung 'three untouchables'. " Saad naman ni Kit. Alam kong dito rin siya nag high school kaya kilala niya sina Zac.
"Meaning?" Tanong ko.
"H'wag mo silang pakelaman. Hindi dahil sa weirdo sila, kundi mahirap sila kalabanin." Sagot naman ni Kit.
"Why?"
Interested talaga ako sa kanila, ang alam ko lang ay about kay Zachary at sa Cruszi clan, hindi ko na research ang tungkol sa kanyang mga best friends. Masyado kasi akong naging focus sa kanya lang. Ayoko nga malaman ang tungkol sa kanyang lovelife dahil ayaw ko masaktan.
"Ok, given na kung gaano kalakas si Zachary. Eh yan si Carl Serrano, kilala mo ba yan? General ang tatay at lolo n'yan at puro militar kamag-anakan n'yan."
"How about Camilla?"
"Si Camilla Joyce Simatti, yang babaeng yan, mukha lang s'yang nerdong intsik pero nasa top 20 richest in the Philippines ang family niya."
Ow, I'm amazed. Lalo na kay Camilla, sobrang simple lang niya pero big time pala. Nasa top 50 lang ang family namin.
Well, ibang family naman kasi ang clan ni Nanay na mga 'Lee' which is top 2 lang naman in the Philippines.
Bigla kaming natigilan nang dumapo ang tingin nilang tatlo sa amin. Na sense ata nilang pinag uusapan namin sila.
Tumayo si Zac at lumabas ng room at sumunod naman si Carl.
Si Camilla ay lumapit sa akin. Medyo na tense kami sa presence niya.
"Zac must be really into you that he even took time to write back." Sabi ni Camilla habang hawak ang kamay ko ng dalawa niyang kamay na may inipit na maliit na papel. Sobrang lambot at kinis ng kanyang mga mumunting kamay, ang sarap hawakan.
"Pwede bang sa bahay mo na lang basahin? Pag mag isa ka." Pakiusap niya sa akin at agad ding umalis.
Hinintay muna namin siyang makalabas ng room bago mag react.
Excited ang lahat mabasa kung ano yung nakasulat sa papel na galing kay Zac. Sabi n'ya sa bahay ko na lang daw basahin?
Hindi naman ako nagpromise kaya hindi ko s'ya susundin.
Binasa ko ang sulat sa harap ng mga friends ko at tahimik silang nakinig.
[ Ms. Richards, thank you for appreciating me. But I can't accept your friendship. You already had a bunch of friends. You don't need one like me. ]
My heart stopped a bit from beating. Parang gusto kong umiyak. Para akong binusted dahil sa aking nabasa. Sana pala sinunod ko si Camilla. It really hurts.
Humanda ka sa akin bukas, Mr. Cruszi!