Chapter 7 [ Melted Heart]
Charielle's POV
One month had quickly passed. I find Journalism quite boring. The course itself is so boring, at least for me. Puro essay, current events, news, gano'n. Basta it doesn't fit my personality. Siguro dahil hindi naman talaga ito ang gusto ko.
Pero kaya pa naman at kakayanin hanggang maka graduate. Siguro pag nag third year na ako magiging exciting na rin.
Ang exciting na part lang naman ay nakikita ko si Zac everyday, that alone is enough to endure the boring classes.
Para kasi akong nasa ibang planeta, mga classmates ko sobrang demure at formal, nakakahiyang lapitan baka maging bothersome ako at isipin nilang masyado akong papansin.
Masaya na rin kasi I have many friends and many wants to befriend me sa ibang course. Except kay Zachary, parang hindi niya ako nakikita. Ayaw ko rin naman magpa cute.
Ano nga bang gusto ko gawin sa buhay? Si Zac lang ang tiyak kong gusto ko. I really can't decide yet kung anong trabaho ang gagawin ko after I graduate. Basta si Zac lang talaga, sapat na.Will think about it pag nandyan na.
What I like about Zachary is, he's a man of dedication. Sa sobrang focused niya, hindi niya ako napapansin. Feeling ko, s'ya lang makaka handle ng childish kong pag uugali.
I like him a lot, para s'yang ice cream; cold and yummy. I'm craving for him everyday.
[Hi Chari!]
That voice interrupted me from imagining Zac.
Si Yvo iyon. Masayang bati niya sa'kin habang papunta ako ng cafeteria para bumili ng Coke. Sinamahan niya ako hanggang makarating sa pinakamalapit na vending machine.
After I slid the paper bill in the money slot, hinanap ko ang favorite kong inumin. I was about to press the button when someone suddenly pressed the button for 'mineral water'. Kaya iyon ang lumabas.
Argh, the nerve!
Pero natameme ako nang ako'y napatingin sa pakialamero na yun.
"That's bad for you. Pangatlong diet coke mo na yan. Mag tubig ka na lang. Pag nakita pa kitang uminom ng cola, dadalhan kita ng carrot juice."
Si Zac iyon habang inaabot sa akin yung bottled water.
"Ok".
Iyon na lang ang nasabi ko, agad din naman siyang umalis.
Ew carrot juice.
Oh my! I just realized, he really cares for me.
"Conceited," Yvo said abruptly.
"Sobrang hangin," dagdag pa niya.
Kasama ko nga pala siya kanina pa. Palagi kasi siyang nasa tabi ko pasulpot-sulpot kaya sanay na ako sa presensya niya. Bigla bigla na lang nang aakbay.
Pero ang weird talaga ni Zac. Akala ko hindi niya ako napapansin pero alam niya kung ilang coke na ang nainom ko. Hindi kaya gusto niya na rin ako? He's not the kind of a guy na expressive. He's just too shy to admit it...
Ayokong umasa, masasaktan na naman ako. He already said 'no' sa friendship na inaalok ko, much more to love me back.
Kuntento na akong makita siya araw araw.
~~~~
Pag uwi ko, kinatok ako ni Rica sa room ko.
"Ate! Look at your sss!"
Excited na sabi niya nang pag buksan ko siya ng pinto.
That's something strange. Kabaligtaran ko si Rica, hindi siya basta-basta na eexcite over petty things.
I opened my laptop and there, I received a notif. I can't believe with what I saw.
Nagcomment si Zac sa t****k dance vid ko. Excited akong makita kung ano ang sinabi niya. He's not active on social media, sss lang ang meron siya.
There's nothing in his timeline kaya wala kang ma-stalk. Just his solo profile pic, cover photo ng family niya, and some anime stuffs at bilang lang sa daliri iyon.
Zachary Cruszi:
[ Too seductive. Too flesh- revealing. Perverts, back off! ]
That's his comment and it accumulates a lot of reacts.
So I replied with, ' Sorry Love, I'll behave. Masyado ka na palang nase-seduce Uwu.'
That replied of mine gathered more reacts and replies. Some are trash, some are cute. I don't mind at all. Sanay na ako sa bashers at supporters. Hindi lang ako sanay if it's about Zachary. He really turns my world upside down. Hindi ko alam kung bakit patay na patay ako sa kanya. Nasa genes yata ng mga Lee ang ma attract ng todo sa mga Cruszi. Or it's the other way around.
So many notifs but this new react from Zac caught my attention. He haha'd my reply. Hala, ang puso ko!
Another notif, pinusuan n'ya yung cosplay ko ng favorite nyang anime girl. At nakita ko, ako lang ang finollow n'ya at I belong sa 23 n'yang friends.
"Dang it Ate! What's that? Bf mo ba si kuya Zac?" Tanong ni Rica na may halong excitement at inggit.
"Selos ka ba?" I answered her with a mocking smile on my lips. Alam kong secret crush niya rin si Zac.
Sorry dear sis, kami ang bagay. Sayang at naging babae ang kapatid ni Zac. But well good enough kasi despite our family's feud, they still manage to be best friends ni Cassy.
"Why should I get jealous? Hindi ka naman niya type--" Asar niya sa akin.
Grr! That's so bitchy.
"For sure trending kayo bukas." Sabi ng little sister ko na bagamat seryoso palagi ay halata namang kinikilig.
Nalilito na talaga ako kay Zac. Binusted niya ako pero ngayon masyado niya akong pinapakilig.
What is he up to?