Chapter 12 [ Father and Son ]
Luis' POV
Friday ngayon at alas syete na ng umaga pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Zachary. Wala yata siyang balak pumasok. Dahil kung meron, alas singko pa lang gising na siya.
He must be overwhelmed sa nakita at nalaman niya kahapon. He must be really hurt. Sino ba'ng hindi?
Kinatok ko siya sa kwarto niya ng ilang ulit pero hindi siya sumasagot. Kaya kumuha na ako ng susi at binuksan ang pinto.
Hindi pa rin siya bumabangon, nakatalukbong lang siya ng kumot. I want to touch him, pat his head, and caress his arm but I can't.
I guess I'm not just a showy person but also a terrible father, contrary to what I promised myself that I will be, way back when I was still a young man.
Valid naman ang pagtatampo ni Zachary dahil pag dating kay Jessy at Cassidy, I'm all out expressing my emotions pero pag dating sa kanya I'm a bit distant.
Honestly, I really don't know what to say. Lumaki akong walang gabay ng ama kaya lahat ng saloobin ko ay sinasarili ko na lang. Kaya ngayon isa na akong ganap na tatay, wala akong alam kung paano pagagaanin ang pakiramdam niya.
Would cheerful words be enough? Would a simple touch could lighten up his sorrow? I don't know.
Nakikita ko ang sarili ko kay Zachary. Lalo na noong una ko siyang makita. Sabik siya magkaroon ng tatay.
"What do you want?"
Natigilan ako sa pag reminisce ng past nang tinanggal niya ang saklob na kumot at binanggit iyon.
"Hindi ka ba papasok?" Sagot ko sa kanyang tanong.
"Hindi po." Sagot niya sa akin habang nakatalikod.
He never talk behind me. Laging nakatuon ang tingin niya sa akin tuwing kami'y nag uusap. He respects me a lot. Siguro nabawasan na ang respeto niya sa akin dahil sa mga nakita at narinig niya kahapon.
"Wala sana akong balak sabihin sa'yo tungkol sa tunay mong pagkatao. Kasi tinanggap naman kita bilang tunay na anak, hindi ko inisip na anak ka ng ibang lalaki. Pero siguro yun na yung tamang oras para malaman mo."
"Goodness Luis---"
Natigilan kami sa madibdibang usapan nang sumabat si Casey, ang kanyang ina.
"You told him he's not your son? How heartless you are! Kahit ako na lang Luis! Matagal ko ng tinanggap na hindi mo ko kayang mahalin pero h'wag naman ang anak ko!"
Nagulat kami sa hiyaw ni Casey na narinig ang pinag uusapan namin. Hindi ko pala naisara ang pinto.
"Stop it Mom! Matagal ko ng alam."
Natigilan kami ni Casey. Matagal na niyang alam? Sigurado akong kahapon lang niya nalaman, ibig niya sigurong sabihin ay matagal niya ng ramdam pero for sure kahapon lang n'ya na-confirm.
"Casey, let's talk about it later. Let me settle this first with Zachary." Sabi ko habang inaalalayan siya palabas ng kwarto at hinalikan sa noo para siya makalma.
Hindi namin inaasahan na nandito pala si Cassidy at alam namin nasaksihan niya ang kaganapan. Ngayon alam n'ya na ang lihim ng aming pamilya.
"Let's go Cassidy. Male-late na tayo."
Sabi ni Casey at umalis na nga sila. Ngayon, kami na lang ni Zachary, makakapag usap na kami.
"Zachary," I begun.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Ngayon ko lang napansin, ang malamlam niyang mga mata gaya ng akin. Kung hindi lang siya kahawig ni Casey at anak ng ibang lalaki, iisipin kong ako talaga ang tunay niyang ama.
Lumaki siyang kagaya ko. Ang kanyang gawi, ang pananalita, pati pag iisip. Specially the longingness for a genuine father.
" Two years old ka nang una kitang nakita. You were happy to see me. Yumakap ka pa sa tuhod ko, akala mo ako ang tatay mo. Binuhat kita at yumakap sa akin. That was the warmest embrace I ever felt."
Tumulo ang luha niya without any expression on his face pero hindi pa rin siya makatingin sa akin.
"Who's my real dad?"
"I don't know. Your Mom never mentioned him to me. I care less, kasi tinanggap naman kita regardless kung sino man ang tatay mo. You want to find him?"
Umiling lang siya.
"No need. I already have a Dad." Patuloy pa rin siya sa pag luha.
He wiped his tear-stained face and looked at me with the saddest eyes I've ever seen.
"He's the man I admire most." Sabi niya habang naka ngiti. "And despite his flaws, I'll continue to admire him."
Masyadong nabagbag ang puso ko, gano'n niya ako hinahangaan.
I embraced him like the first time I held him in my arms many years ago. Now, he's all grown- up without noticing how refined man he has become. How time flies!
"You are the son I ever wanted. I wouldn't ask for anybody but you. I'm grateful that I have you. I'm so proud of you. Sana, nanggaling ka na lang talaga sa akin. Kung pwede lang mamili ng anak, ikaw at ikaw ang pipiliin ko."
He hugged me too, tighter than mine. Umiyak siya nang umiyak na parang bata. Ngayon lang siya umiyak ng ganyan, kahit siguro si Casey ay hindi pa siya nakita sa ganitong kalagayan.
O palagi siyang umiiyak ngunit hindi ko lang alam dahil I'm too busy to notice him.
"I'm sorry, anak."