Chapter 6

1218 Words
Tuluyan nang nadala sa halik si Valkyrie at hinayaan na niya ang sariling malunod sa mga halik ni Justin. Lahat ng nangyari kanina sa bar ay tuluyan nang naglaho sa kaniyang isipan. Sa takot na namuo sa kaniyang puso ay tuluyan nang nabura dahil sa halik ni Justin sa kaniya at kung gaano kalambot ang labi nito. Ang isang kamay naman ni Justin ay kusa nang nagtungo sa bewang ni Valkyrie para ilapit sana ito sa kaniyang sarili. Ngunit ilang beses siyang napamura sa gitna ng kanilang halikan lalo na nang maramdaman niya kung gaano kaliit ang bewang nito nang ito ay yapusin niya. Nagtaka man si Valkyrie sa kaniyang narinig ngunit hindi niya maimulat ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang kalasingan sa halik ni Justin. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong buhatin at pa upuin sa ibabaw ng mesa. Naramdaman naman niyang pinagparte ni Justin ang kaniyang mga hita habang hindi pa rin napuputol ang kanilang paghahalikan. Kusa naman niya itong sinunod para bigyan siya ng space pero hindi niya inaasahan na ilalapit pala ni Justin ang kaniyang sarili sa gitna ng kaniyang mga hita. Naramdaman naman ni Valkyrie ang matigas na bagay na tumama sa kaniyang sensitibong parte. Kung tutuusin ay wala sana siyang balak sa ganito pero hindi niya alam kung bakit malakas ang epekto sa kaniya ni Justin. Kusa na lang din niya iniyakap ang kaniyang mga bisig sa leeg ni Justin habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan. Medyo kinakapos na nang hininga si Valkyrie pero hindi tumigil si Justin sa paghalik sa kaniya. Ilang saglit na paghahalikan pa ay kusang lumayo si Justin sa kaniya. Para namang nanghina si Valkyrie sa nangyari at medyo nasaktan siya sa biglaan nitong paglayo. Ngunit ramdam naman niya ang hiningang tumatama sa kaniayng mukha. Kaya naman nagmulat siya para sana tanungin kung bakit ito lumayo ngunit hindi niya inaasahan na bubungad sa kaniyang mga mata ang mapupulang labi ni Justin na may bahid pa ng lipstick. Nakalimutan pala niyang may lipstick siya kanina. Kaya nagkalat iyon sa labi ni Justin. Pinamulahan tuloy siya ng kaniyang mga mata habang nakita ang iilang lipstick sa gilid ng labi ni Justin. "Sorry," bulong ni Valkyrie. Kumunot naman ang noo ni Justin na tila ay hindi nagustuhan ang paghingi ng tawad ni Valkyrie sa kaniya. Hindi niya kasi alam kung bakit ito humihingi ng tawad. Kaya umigting ang kaniyang panga habang nakatingin sa mga mata ni Valkyrie na nakatingin sa kaniyang labi. "What do you mean? Hindi mo ba nagustuhan—" "Nagkalat kasi lipstick ko sa labi mo," bulong niya at napanguso na lamang. Gumalaw naman ang kaniyang kamay para sana punasan nagkalat na lipstick sa kaniyang labi pero nagulat siya nang hawakan ni Justin ang kaniyang pulsuhan saka ito pinahiga sa mesa. Nanlaki ang mga mata ni Valkyrie sa gulat at napaawang na lang ang kaniyang labi habang nakatingin sa mga mata ni Justin na ngayon ay parang binabasa ang kaniyang utak. "I thought you were sorry for kissing me," he muttered using his horse voice. "H-hindi. Nakita ko lang kasing nagkalat ang lipstick ko sa labi mo," nanghihinang wika niya. "Hindi ka ba nagsisising hinalikan kita?" mahinang tanong ni Justin at diniinan ang kaniyang pagkakahawak sa kaniyang pulsuhan na ngayon ay nasa tabi ng kaniyang ulo. "No," pabulong na sagot ni Valkyrie. "Hindi naman. Wala akong nararamdamang ganoon." "Even if we didn’t know each other?" naniniguradong tanong ni Justin. "Alam ko ang pangalan mo," sagot naman ni Valkyrie. Lumitaw ang multong ngiti sa labi ni Justin habang tinititigan si Valkyrie na ngayon ay medyo nahihiya. "That’s not what I mean, Kyrie," he mumbled. Napanguso naman si Valkyrie sa kaniyang narinig lalo na nang mahimigan niya ang kasiyahan sa kaniyang boses "We didn’t know each other pero hinayaan mo akong halikan ka," paliwanag niya. "Paano kung hindi lang halik ang hiningi ko?" "As long as hindi mo ako sasaktan, I’m fine with that," diretsang sambit ni Valkyrie. Naalala niya kasing nasa isla siya at nabalaan na rin naman siya ni Katniss kung gaano ka-safe ang lugar na iyon. Kaya hindi talaga siya natatakot. May dala rin naman siyang nga emergency pills at pills kaya hindi siya natatakot. Judging at Justin, wala naman siguro siyang sakit. Kaya kahit hindi na sila gumamit ng condom ay ayos lang. "Saktan?" nalilitong tanong ni Justin. Tumango naman si Valkyrie upon hearing his question. Nalilito kasi ito pero kailangan niyang ipaliwanag. Dahil nga possibleng gagawin nila ito na hindi malabong mangyari lalo pa at naghalikan na sila, kailangan niyang ipaliwanag na ayaw niyang nasasaktan siya physically. Especially iyong suntok, sipa o kahit sampal. Ayaw niya kasi ng ganoon. Kaya kung sasaktan siya dahil hindi siya pumayag, she will back out. "Ayaw kong susuntukin ako, sasampalin o tatadyakan—" "I'm not like that, Kyrie. What the? I will never do that. Kung ayaw mo, it's okay. Kung gusto mo, ayos lang din sa akin. Kaya kung ayaw mong gawin natin, sabihin mo lang sa akin," alma kaagad ni Justin. He knows his limit at ayaw niyang pilitin si Valkyrie kung ayaw niya. Hindi naman kasi siya ganoon. May respeto pa rin naman siya sa babae at hinding-hindi iyon mawawala. Kaya talagang nagtataka siya kung bakit ganoon ang narinig niya kay Valkyrie that leads him to think negative while looking at her intently. "I know my limit. It’s okay. You don’t have to push yourself kung ayaw mo—" "Gusto ko," pigil sa kaniya ni Valkyrie that made him stop. "Gusto kong gawin. Hindi naman ako napipilitan. Sinasabi ko lang sa iyo kung ano ang ayaw ko." "I’ll just use condo—" "Safe ako. May pills ako at kaiinom ko lang din kaninang umaga. May emergency pills ako just in case na magkaroon ako ng contact kapag hindi ako nakainom ng regular pill—" "You planned every—" "No. Pero sinabihan ako ng kaibigan ko tungkol doon so I had no choice but to follow her instructions," paliwanag niya. Bigla namang napunta ang isang mainit na palad ni Justin sa kaniyang bewang habang nakatitig pa rin sa magandang mga mata ni Valkyrie. "Sinabi niya rin kasi na magagawa ko ang lahat ng gusto ko rito without getting judge. Kaso ay wala naman sa listahan ko ang pakikipag one night stand—" "One night stand?" ulit ni Justin sa kaniyang narinig. Para kasi siyang napantig sa kaniyang nalaman at para hindi niya gusto ang kaniyang narinig. "What do you mean one night stand?" tanong niya. "Hindi ba one night stand ang mangyayari after nating gawin?" nagtatakang tanong ni Valkyrie. Ganoon naman kasi ang alam niya kasi tawag ng laman lang naman ito. Kaya impossible namang maulit pa muli iyon o magka develop-an sila. That's impossible kasi sa fiction lang naman iyon nangyayari. "Impossible namang maulit iyon—" "It’s possible lalo na kapag gusto naman ng dalawang tao," pabulong na sagot ni Justin. "And don't ever use that term. Hindi naman iyon ang balak ko." Naguluhan si Valkyrie sa kaniyang narinig ngunit lingid sa kaalaman ni Valkyrie, naguguluhan din si Justin sa kaniyang sarili. Never pa kasi siyang nakaramdam nang malalang pagnanasa o attracted sa kung sino. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ibang-iba ang epekto sa kaniya ni Valkyrie magmula nang makita niya ito sa hallway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD