Chapter 5

1224 Words
Tulala si Valkyrie habang nakatingin sa likod ni Justin na ngayon ay hinihila siya habang sila ay naglalakad. Hindi naman niya magawang hilain ang kaniyang kamay dahil kumakalabog nang husto ang kaniyang dibdib sa hindi malamang dahilan. May mga napapatingin sa kanilang gawi. Hindi niya alam kung dahil ba sa lalaking humihila sa kaniya o dahil sa pamumutla niya sa nangyari? Hindi siya sigurado roon pero sobrang lakas talaga ng kabog ng kaniyang puso. Halos mahirapan pa nga siya sa paghinga. Nakarating sila kaagad sa tapat ng elevator at pagbukas no’n, walang tao. Kaya sabay silang pumasok roon ngunit hindi pa rin binibitawan ni Justin ang kaniyang kamay. Hindi rin naman malaman ni Justin kung bakit hanggang ngayon ay hinahawakan niya ang kamay niya. Napatingin naman si Valkyrie sa kanilang kamay na magkasaklop. Maraming mga tumatakbo sa kaniyang isipan pero hindi niya magawang tanungin iyon dahil sa presensya at pagkakasaklop ng kanilang mga kamay. "I apologize for that," basag ni Justin sa katahimikang namayani sa loob ng elevator. Ang isang kamay niya ay nakatago sa kaniyang bulsa habang nakatingin sa harapan, tinitingnan ang kaniyang reflection sa pinto ng elevator. Nakita niyang napaigtad sa gulat si Valkyrie pero nanatili siyang seryoso kahit na unti-unti ng lumilitaw ang ngiti sa kaniyang labi. "It's not your fault," bulong nito sa kaniya. "Wala namang may gusto sa nangyari." Umigting ang panga ni Justin sa kaniyang narinig dahil nakita niyang kalmado pa rin si Valkyrie habang siya ay halos gusto ng patayin ang lalaking iyon. "Don't worry," aniya kahit na napipikon na siya. "Hindi ko hahayaang makapasok muli rito ang lalaking iyon. This island should be our safe place pero dahil sa nangyari—" "Thank you," wika ni Valkyrie bigla dahil nakaramdam siya ng takot nang magsimula na naman itong magalit. Ayaw niyang makakita ng gulo o taong nagagalit. Hindi niya alam. Basta natatakot siya kaya sinusubukan niyang pakalmahin si Justin dahil alam naman niyang mabait itong tao. "Thank you for protecting me. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang mga nangyayari kung hindi ka lumitaw sa harapan ko," dagdag pa nito bago lumingon sa pinto ng elevator. "Natatakot na talaga ako kanina dahil nararamdaman kong mali na ang ginagawa pero pilit akong nagiging kalmado dahil ayaw kong may mangyaring masama." Ayaw kasi niya ng atensyon. Saka ang akala niya ay malulusutan niya iyon kasi mali pala siya. "Salamat," wika niya habang nakatingin sa mga mata ni Justin na nasa kanilang reflection. Bumukas ang pinto hudyat na nasa pinaka mataas na silang floor na kung saan ay nandoon ang kanilang cabin. Lumabas sila nang sabay ngunit hindi pa rin binibitawan ni Justin ang kaniyang kaniyang kamay. Natatakot na nga rin si Valkyrie dahil baka maramdaman nito ang malakas na kabog ng kaniyang puso. Ngunit hindi naman iyon nangyari. Nang tumapat sila sa cabin ni Justin, nagsalita muli si Valkyrie para kunin ang kaniyang atensyon. "Pupunta na ako sa cabin ko—" "We need to talk saka tipsy ka pa, hindi ba?" Nagsimulang itipa ni Justin ang kaniyang passcode nang hindi binibitawan ang kamay ni Valkyrie. "May kuwarto pa naman akong bakante rito. Kaya walang problema. Marami ka ring nainom kaninang alak." "But medyo malapit lang naman ang cabin ko sa cabin mo—" Bumukas kaagad ang pinto ng cabin ni Justin kaya hinila na niya bigla si Valkyrie. Kung tutuusin ay puwede naman siyang magpadala ng guard sa tapat ng cabin niya pero hindi niya ginawa. Hindi niya nga alam ang nangyayari ngunit hinayaan na lang niya ang kaniyang sarili saka binalewala ang pag usbong ng kung ano sa kaniyang puso. "I need to make sure your safety," saad niya bago isara ang kaniyang pinto saka naman naglakad muli patungo sa kitchen niya. Napaawang naman ang labi ni Valkyrie habang nakatingin sa cabin ni Justin. Hindi niya ito matawag na cabin dahil sa sobrang lawak at ganda ng lugar nito. Kung tutuusin ay isa na itong luxury suite. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit mas triple ang lawak at ganda ng kay Justin kumpara sa kaniya. Kaya napatanong siya sa sarili niya kung cabin ba talaga ang room ni Justin o hindi dahil nakakapagtaka na talaga. Hindi niya kasi matukoy kung ano ba talaga ang buhay na mayroon si Justin. Kung businessman ba o kung ano. Nang makapasok sila sa kusina niya ay halos malula siya sa sobrang liwanag at linis ng kitchen. Maaliwalas kasi ito at minimalistic ang designs. Medyo unique rin ang iilang designs nito na never niya pang nakita sa mga interior designs. Napaisip tuloy siya kung architect ba ang lalaking kaharap niya o kung ano dahil parang maarte ito sa kaniyang lugar. Magmula kasi sa lalagyanan ng mga panluto, lahat ito ay organized at maraming pakulo. Pagbukas mo kasi ng drawer ay hihilain mo naman ang mga bagay hanggang sa magsunod-sunod na ang lumabas. Para bang domino? Ganoon na ganoon. Kaya namamangha talaga siya dahil lahat ng mga nakikita niya ay bago lamang sa kaniya. "Sit there," aniya ni Justin saka tinulungang makaupo si Valkyrie sa bar stool na nasa gitna talaga ng kaniyang kitchen. "Magluluto lang ako ng ramen." "Ramen?" nalilitong tanong ni Valkyrie. Ngunit natigilan si Valkyrie nang mapansin niyang kalahating dangkal lang pala ang layo ng kaniyang mga mukha sa isa't isa. Nanuyo naman ang kaniyang lalamunan nang mapansin na nakatingin nang matagal si Justin sa kaniyang labi. Kaya naman napunta rin ang kaniyang mga mata sa mapupulang labi ni Justin na ngayon ay nakaawang nang kaunti. "Yeah, ramen," paos na sagot ni Justin. Napalunok naman sila parehas ngunit hindi naman umalis sa kanilang puwesto habang patuloy na nagtititigan. Ilang minuto rin ang lumipas hanggang sa bigla na lang lumabas sa bibig ni Justin ang mga salitang hindi niya aakalaing tatanungin niya sa babae. "What's your name?" mahinahon ngunit paos na tanong nito. "Valkyrie Yañez," nanginginig na labi na wika naman ni Valkyrie. Nanghihina kasi siya sa panlalaking amoy ni Justin. Hindi kasi iyon matapang na sobrang sakit sa ilong. Pinaghalo kasi itong mandarin, lavender, jasmine, basil, sandalwood, and vetiver. Hindi naman talaga siya fan ng ganitong amoy ngunit habang inaamoy niya ang pabangong iyon, parang naaadik siya. "Kyrie, huh?" bulong ni Justin. "What about me? Hindi mo tatanungin kung ano ang pangalan ko?" Napalabi naman si Valkyrie sa kaniyang nalaman at hindi maiwasang mapalunok na lamang. Naramdaman niya rin kasi ang mainit na hininga ni Justin at tumama iyon sa kaniyang ilong. Ang amoy ng kaniyang hininga ay parang mint na may bahid na amoy ng alak. Uminom kasi siya kanina ngunit hindi iyon napansin ni Valkyrie dahil busy ito sa pakikipag usap kanina. Saka medyo naiilang din kasi siya sa titig ni Justin. "Your name?" tanong ni Valkyrie. "What’s your name?" Lumitaw ang ngiti sa labi ni Justin at tuluyan nang tinawid ang natitirang distansya ng kanilang labi. Umakyat din ang kaniyang kamay sa likod ng ulo ni Valkyrie hanggang sa magsimulang gumalaw ang kaniyang labi. Napapikit naman si Valkyrie nang maramdaman niya ang mainit ngunit banayad na halik ni Justin. Kaya naman napunta ang kaniyang kamay sa matigas na bewang nito upang kumuha ng lakas. Dumiin naman ang halik ni Justin nang maramdaman niya ang maliit ngunit mainit na palad ni Valkyrie na humahaplos sa kaniyang bewang. "Justin." Kinagat niya ang ibabang labi ni Valkyrie na nagpa ungol sa babae. "Justin James Sandoval, Miss Kyrie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD