Chapter 4

1253 Words
Umigting ang panga ni Justin habang nakatingin sa kabilang table. Makikita kasing nakangiti si Valkyrie habang ito ay nakikipag-usap sa kaniyang kasama. Minsan din ay nagtatama ang kanilang mga mata dahil nga nararamdaman din ito ni Valkyrie. Ngunit mabilis niyang inililihis ang kaniyang mga mata dahil naiilang siya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ito nakatingin sa gawi niya. Kaya imbis na makipag-usap sa lalaking lumapit sa kaniya ay natahimik na lang siya. Kaharap niya lang din kasi si Justin. Pinili kasi ni Valkyrie na umupo sa kanang bahagi ng table dahil ayaw niyang harapin ang dance floor. Medyo naiilang kasi siya kapag may mga napapatingin sa kaniyang gawi. Kaya naman pinili na lang niyang humarap sa kabilang table kaso magkaharap naman sila ni Justin na ngayon ay may madilim na mga mata. “Tahimik ka yata? Are you okay?“ tanong ng lalaki. Hindi naman nagsalita si Valkyrie ngunit sumulyap siya sa kaniya at ngumiti na lamang saka tumango bilang sagot. “Tipsy ka na ba? Do you want me to—” “No. I’m not,” pigil kaagad ni Valkyrie sa sinasabi ng lalaki. “Naubos lang talaga battery ko para makipag-communicate.“ “That's weird. Baka kulang ka lang sa alak. Wait, kukuha na lang ako—” “No. Ayos na ako rito sa cocktail. Wala naman kasi talaga kong balak malasing o maglasing,” wika ni Valkyrie. Gusto niya lang naman talaga sanang tumikim muli ng alak. Hindi iyong maglalasing siya dahil wala naman kasi iyon sa plano niya. Wala namang nagawa ang lalaki kung hindi tumango at hayaan si Valkyrie sa kaniyang naging desisyon. This guy isn't kind. Hinihintay niya lang talagang makuha niya ang tiyempo to ask her if they could share their night in his cabin. In the first place naman kasi ay iyon ang balak niya rito sa isla. To fck women left and right. Bonus na lang sa kaniya iyong makapagbakasyon siya. Kabaligtaran naman iyon kay Valkyrie. Dahil ang gusto niya ay magbakasyon lamang. Bonus na lang kung makikipag one night stand siya sa kung sino. Ngunit ang problema, wala pa iyon sa balak niya. Gusto niya lang munang magpakasaya at iyon ang gagawin niya. Tumagal ang ilang oras na pamamalagi ni Valkyrie sa bar, medyo nakakaramdam na siya ng hilo. Nakailang cocktail na rin kasi siya dah palagi siyang binibigyan ng kaniyang kasama. Hindi nga naman niya ito kakilala pero kada o-order ito, tinitingnan niya muna ang lalaking iyon kung may inilalagay ba siya. Baka kasi may inilalagay ito nang hindi niya namamalayan. Ayaw kasi niyang may mangyaring masama sa kaniya. Kaya talagang pinipili niyang maging alerto sa lahat ng bagay. Minsan nga ay madalas niyang itapon ang alak sa kaniyang gilid nang pasimple dahil ayaw na niya itong inumin. Kaso hindi talaga tumitigil ang lalaki sa kao-order. Pasimple na ring umaakbay ito sa kaniya at medyo touchy na siya. Kaya pasimple siyang lumalayo para lang maramdaman ng lalaki na ayaw niya sa kaniya. Kaso hindi niya napipigilan. “Hey! Inom ka pa,” aniya ng lalaki at nag-order muli ng alak. Medyo tipsy na ang lalaki dahil naparami na rin siya ng shot pero sinasadya niyang maglasing-lasingan para lang maka akbay jay Valkyrie. Nagngitngit naman sa galit si Justin nang makita niya ang ganoong klaseng eksena. Kitang-kita niya kasi kung paano umiwas si Valkyrie. Kaya naman kinuha niya ang isang baso ng vodka sa kaniyang harapan nang hindi tinatanggal ang kaniyang mga mata sa harapan niya. Diretsa naman niyang ininom ang alak hanggang sa napigtas ang kaniyang pasensya, tumayo siya at nagtungo roon. “Hey,” bati ni Justin kay Valkyrie. Natigilan naman si Valkyrie sa paghawi ng kamay ng lalaki sa kaniyang tabi dahil pilit siya nitong inaakbayan. Kumunot naman ang noo ng lalaki nang makita niya si Justin na ngayon ay madilim ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Valkyrie. “Dude, can’t you see that we’re busy—” “Hindi ikaw ang kausap ko,” masungit na sagot naman ni Justin sa kaniya. Napaawang ang labi ni Valkyrie nang marinig niya kung gaano kadiin ang pagkakasabi ni Justin. Hindi sila close kaya nagulat talaga siya nang bigla siya nitong lapitan. Kung tutuusin ay ngayon niya lamang ito makakausap dahil sa sobrang lapit niya. Madalas lang kasing magkrus ang landas nila pero ngayon, mukhang hindi na iti nakapagtimpi. “Aba’t gàgo ka, ha? Ano ba ang gusto mo?“ matapang at sigang tanong ng lalaki. Tumayo siya at tinulak nang kaunti ang dibdib ni Justin. Ngunit hindi man lang gumalaw si Justin sa kaniyang kinatatayuan at tiningnan ang lalaking nasa harapan niya. “Nakita mo namang busy kami rito tapos guguluhin mo kami? Wala ka na bang makitang babae para agawin sa akin—” Mabilis na sinapak ni Justin ang lalaking nasa harapan niya na naging sanhi para ito ay mawalan ng balanse at mapasubsob sa mesa. Naglikha naman ito nang malakas na ingay dahil sa mga nahulog na bote ng alak at mga baso. Naalarma naman si Valkyrie sa kaniyang nasaksihan at sinubukang pigilan si Justin sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang siko. Kaso talagang hindi na kaya ni Justin na magtimpi pa kahit na hinawakan na siya ni Valkyrie para pigilan. “The fûck are you sayin’? Agawin?“ mariing tanong niya. “Hindi mo naman pagmamay-ari. So what the héck are you blabbering, dûmbass?“ Dahil sa sigaw ni Justin, natigil ang kasiyahan at lahat napalingon sa kanilang gawi. Ito lang kasi ang kauna-unahang gulo na naganap magmula nang mabuo ang Love Island. Wala kasing gulo rito dahil matitino ang tao. Kaya nakakapagtaka talaga na biglang lumitaw ang gulo at ang pinikon pa nila ay ang isang Sandoval. “Tángina mo! Sino ka ba sa akala mo para sapakin ako, ha?!“ sigaw ng lalaki nang makatayo ito. Sinubukan naman niyang sapakin si Justin ngunit mabilis niya itong nasangga at sinikmuraan ang lalaking tárantado. Napasigaw naman sa gulat si Valkyrie at hindi maiwasang manginig sa takot. Baka kasi kung saan mapunta ang nangyayari o hindi naman kaya masaktan ang isa sa kanila. Hindi naman kasi niya sinasadya na makuha ang atensyon ng mga ito. Ngunit dahil nga kanina pa nakatitig sa kaniya si Justin, baka nakikita niya kung paano siya umilag. Nagpapasalamat naman siya dahil kahit papaano ay iniligtas siya nito ngunit hindi naman niya gustong mapunta sa ganitong sitwasyon. Ayaw niya kasi ng gulo. Kaya sinubukan niyang lumingon sa kaniyang paligid para sana humingi ng tulong. Ngunit walang gumalagaw. Lahat sila ay nakatingin lamang sa kanila hanggang sa hindi na makilala ang lalaking kausap niya kanina dahil sa pangbubugbog ni Justin. “Starting tonight, hindi ka na makaka apak sa islang ito. Your name will be in our blacklist. Kung hindi dadalhin mo rin ang kababuyan mo sa ibang lugar, huwag na huwag mong hintayin na mahanap kita,” baba ni Justin bago tuluyang ilayo si Valkyrie sa lugar na iyon. Habang palabas sila, natagpuan ni Justin ang ilang security na papunta sa kanilang gawi. “Ilagay niyo siya sa blacklist. Pati iyong nagbigay sa kaniya ng invitation. Dahil kung hindi niyo ginawa, tatanggalin ko kayo ng trabaho,” malamig na lintaya niya sa mga ito. Wala namang gaanong narinig si Valkyrie dahil hanggang ngayon ay gulat na gulat siya sa nangyari. Hindi kasi niya inaakala na mangyayari ito. Ang gusto lang naman niya ay kumain at tumikim lamang ng alak. Ngunit bakit naman trauma ang natanggap niya? Nagsimulang maglakad si Justin habang hawak-hawak ang kamay ni Valkyrie patungo sa kaniyang cabin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD