Mabilis lumipas ang oras ngunit imbis na magulat si Valkyrie, mas lalo siyang napanganga sa gulat nang masilayan niya kung gaano kaganda ang isla.
Nag-aagawan na kasi ang dilim at liwanag habang siya ay nakatitig sa langit. Napagpasyahan kasi niyang tumambay muna kasi sa dalampasigan para hayaang yakapin siya nang malamig na simoy ng hangin dahil kinakailangan niyang mag-isip-sipi at i-enjoy muna ang mga oras.
Ilang oras pa lang kasi siya rito ay unti-uni na niyang naa-appreciate ang ganda ng tanawin. Kaya pala pinipilit siya ng kaniyang kaibigan na magpunta rito dahil nga bukod sa maganda ay wala pang toxic na mga nilalang.
"Hanep na iyan, pre! Nandito na nga tayo, hindi ka pa rin mamimingwit?" natatawang tanong nang isang lalaki.
Malapit lang kasi sila ngayon sa puwesto ni Valkyrie. Kaya naman medyo umasim ang mukha nito dahil sa inis. Hindi tuloy niya maiwasang mairita dahil mukhang nasira na naman ang pagmumuni-muni niya.
Kanina ay ganito na naman ang narinig niya sa restaurant na kinainan niya tapos ngayon puro pamimingwit na naman ang usapan nila?
"Man, hindi iyan ang hanap ko. Gusto ko lang mag-enjoy rito—"
"Dude! Mas magandang samahan mo ng babae. Saka hindi ka naman nila huhusgahan dito kung ano man ang balak mong gawin—"
"Shut the fck up, Fajardo. Huwag mo akong igaya sa iyo na babaero—"
"Hey! I'm not a casanova, Sandoval. Watch your words," sita naman nito sa kaniyang kaibigan.
Ngunit bigla na lang umirap si Justin at mas piniling lumingon sa langit na ngayon ay kulay kahel na. Ang problema lang ay napansin niya ang isang pamilyar na tinding na nakatayo sa kaniyang harapan na hindi masyadong mahalata dahil nga medyo madilim na.
She was just looking at the sunset habang inililipad ang kaniyang mahaba at itim na buhok. Ngunit alam naman ni Valkyrie na may nakatingin sa kaniya ngunit hindi niya naman pinapansin nang husto.
"Bakit mo pa kasi inaasar si Sandoval, Fajardo? Kapag iyan napikon, masasapak pagmumukha mo," wika naman ng isa nilang kaibigan.
Namulsa naman si Fajardo at sinulyapan si Justin ngayon na nakatingin sa harapan. "Ayaw pa kasing mamingwit nang mabawasan naman kasungitan niya."
Hinampas naman ni Octaviano ang kaniyang balikat kaya napaigtad sa gulat si Fajardo.
"Alam mong sa ating lahat, siya ang pinaka pikon," singit naman ni Octaviano. "Kaya hayaan mo na iyan. Maghahanap iyan ng babae kung gugustuhin niya. Hindi iyong pinipilit mo."
"Ako nga ang napipikon sa lalaking iyan," inis na saad ni Fajardo.
"Bakit kasi mas prinoproblema mo pa ang buhay pag-ibig niya?" tanong naman ng isa nilang kaibigan.
"Eh, problema ko nga lahat? Ano ang magagawa ko?" tanong naman ni Fajardo bago magsimulang maglakad.
Naiwan naman si Justin sa dalampasigan at hindi sumama sa kaniyang mga kaibigan dahil gusto niyang bantayan ang babaeng nakakakuha ng kaniyang atensyon. Kaya naman nagtungo ito sa pinaka malapit na lugar na kung saan ay puwede siyang umupo habang tinititigan ang likod ng dalaga.
Nakasuot kasi si Valkyrie ng isang maxi dress na kulay pula. Kaya litaw na litaw ang kaputihan niyang taglay habang niyayakap niya ang kaniyang sarili.
Ilang oras din siya roon hanggang sa napagpasiyahan niyang magpunta sa bar para uminom muna saglit bago matulog. Matagal-tagal na rin kasi nang huli siyang magpunta ng bar.
Siguro noong student pa lamang siya? Iyon ang pagkakatanda kasi niya. Kaya naman napag-isipan na lang niyang magpunta roon.
Balak niya nga rin sanang kumain kaso busog pa naman siya dahil nagmeryenda siya kanina.
"Papakin ko na lang ang pulutan," bulong niya sa kaniyang sarili. "Ano ba ang magandang kainin? Sisig?"
Nagkibit-balikat na lamang siya saka nagtungo sa medyo sulok at madilim na table.
Ayaw kasi niya sa bandang maliwanag dahil maraming makakakita sa kaniya. Ayaw niya rin kasi ng atensyon. Kaya kahit mahihirapan siya sa medyo madilim, nagtungo na lamang siya roon.
Hindi nagtagal ay may lumapit na waiter sa kaniya. Sakto kasing dadaan sana sa harapan niya ito pero nakuha niya ang atensyon niya.
"Good evening, Ma’am. Do you have any order or something?" magalang na tanong ng isang waiter.
Ngumiti naman si Valkyrie sa kaniya. "May sisig ba kayo rito? Balak ko sanang mag-order ng ganoon."
Natigilan naman si Justin nang marinig niya ang sinabi ni Valkyrie.
"Sisig?" tanong niya sa kaniyang isipan.
Sa pagkakaalam kasi niya ay walang ganoon sa Love Island. Madalas kasi ay mamahalin ang mga pagkain dito. Kaya kapag sisig, impossibleng mayroon.
Tumikhim siya at kaagad na nagtungo sa kitchen na malapit lamang sa kaniyang puwesto.
Sigurado kasi siya na sasabihin ng waiter na nakausap niya na walang sisig. Kaya minabuti niyang kausapin ang lahat para ipaalam na gawan ng sisig ang babaeng katabi lamang ng kaniyang table.
"Sir Justin!" gulantang na wika ng mga Chef.
"Magandang gabi po," bati ng ilan na mabilis namang sinundan nang marami saka yumuko nang kaunti.
"Napadalaw po yata kayo rito—"
"Gumawa kayo ng sisig," utos kaagad ni Justin sa lahat.
Natigilan naman ang marami at nakatitig lamang kay Justin na ngayon ay nakapamulsa.
Ang kaniyang mahabang buhok ay napunta sa kaniyang mukha ngunit hindi na niya iyon inayos.
Seryoso rin ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa lahat at wala ka ring mababakasan na ibang emosyon sa kaniyang mukha
"Sir Justin, wala po iyon sa menu—"
"Gawan niyo ng paraan. I’ll give you fifty thousand pesos each. Just cook that d-mn sisig," mariing sambit niya sa lahat para sila ay patigilin sa pagsasalita.
Napaawang naman ang marami nang marinig nila ang kapalit para lang magluto sila ng sisig.
"After five to ten minutes, i-serve niyo sa katabi ng table ko. Babae iyon and you all have to make sure that it is tender," babala niya. "Dahil kung sobrang kunat nito at matabang, masisisante kayo nang wala sa oras."
Tumalikod siya sa lahat at mabilis na naglakad. Ngunit bago pa man siya makalabas nang tuluyan, nakasalubong niya ang waiter na ngayon ay papasok sa bar counter.
Magkatabi lang kasi ang bar counter at kitchen. Pagkapasok mo kasi sa bar counter, may pinto na naka-connect sa bar counter at doon ka mismo lalabas.
"You," tawag ni Justin sa lalaking papasok sana.
"Good evening po, Sir Justin," aniya nang makabawi sa pagkagulat.
Ngayon lang kasi bumisita si Justin sa lugar na ito kahit na madalas naman siyang magpunta sa bar kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Hindi kasi niya madalas gamitin ang kaniyang kapangyarihan ngunit nang marinig niya ang order ni Valkyrie, napilitan siyang gamitin ito.
Kaya talagang nagulat ang lahat sa nangyari. Naninibago kasi sila. Hindi kasi nakikialam o nakisasalamuha si Justin sa mga employee ng Love Island dahil gusto nitong itrato siya na parang customer o visitor din kagaya ng iba.
Ngunit lahat nagbago iyon dahil lamang sa babae, si Valkyrie.
Hindi niya man napapansin ang mga pagbabago sa kaniyang sarili ay napapansin naman iyon ng iba. Hindi nga lang iyon alam ng lahat dahil ultimo naman siya ay hindi niya alam.
"I-serve mo ang sisig sa babaeng katabi ng table ko," utos niya.
Nalito naman ang waiter sa sinabi ni Justin. Kaya naman hindi ito nakapagsalita kaagad.
Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis na siyang nilampasan ni Justin nang nakapamulsa patungo sa kaniyang table.
Kaso umigting ang kaniyang panga nang makita na may katabi at kausap si Valkyrie.
"Saglit lang ako nawala, ha?" bulong niya sa kaniyang sarili.