Chapter 2

1242 Words
Napahilamos ng mukha si Valkyrie habang nakatingin sa kaniyang cellphone. May natanggap kasi siyang chat sa kaniyang kaibigan na si Katniss. Katniss Romero: Papunta na raw sila sa inyo. May susundo sa iyong puting SUV. Kaya huwag kang magtataka kung kilala ka nila dahil lahat ng mga invited, kilala nila. Kumalabog naman ang kaniyang puso at napailing na lamang. Wala naman talaga siyang balak munang pumunta pero dahil wala talaga siyang choice. Imbis na magtrabaho ay kaagad siyang umuwi kahapon para mag impake ng kaniyang mga gamit. Wala naman daw limit sa kilo dahil nga chopper naman ang susundo sa kaniya. Kaya naman napag-isipan na lang nitong magdala nang sampung maleta. Ngumiwi naman ito nang lingunin niya ang mga naglalakihang maleta na dadalhin niya. Mabigat ito at marami rin ang laman dahil talagang isiniksik niya ang kaniyang mga damit at gamit doon. Wala naman daw expiration ang invitation. Kaya naghanda siya nang sampung maleta na naglalaman nang maraming damit para kung sakaling magustuhan niya ang lugar na iyon, hindi siya magsisisi na kaunti lang ang dinala niya. Dala niya rin ang pills na ibinigay ni Katniss ngunit bumili pa rin siya ng emergency pills kung sakali dahil baka makaligtaan niyang uminom no’n. Sinimulan na rin niyang mag-take kagabi ng pills para umepekto na ito kaagad. Kaya wala na siyang poproblemahin kung sakali man na may makasiping siya sa islang iyon. Sure naman din siyang wala siyang sakit na kung ano dahil nagpapa-checkup naman siya sa kaniyang OB GYN every month. Ang problema lang ay kung iyong makakasiping niya ay may sakit? Umasim ang kaniyang mukha dahil sa bagay na iyon. Hindi niya naman sinasadya na ganoon ang maiisip niya. Kaya lang ay may time talaga na mapapakamot siya ng kaniyang batok dahil sa mga nangyayari kung sakali rin na magkatotoo iyon. Pagkarating niya sa lugar na kung saan ay susunduin siya ng chopper ay nagpasalamat siya sa mga nagbuhat ng kaniyang mga gamit ngunit hindi man lang ngumiti ang mga lalaking iyon. Kaya naman nagkibit-balikat na lamang siya at hinayaan ang kaniyang sarili na mag-enjoy hanggang makarating siya sa lugar na iyon. Ang Pamactan Island o mas kilalang Love Island. "Welcome to Love Island, Ma'am Valkyrie. Can I see your invitation card?" tanong ng isang lalaki pagkababa ni Valkyrie ng chopper. Inilabas niya naman ang natanggap niyang invitation at ibinigay sa kaniya. Ilang saglit niya lamang iyong binasa bago itago sa kaniyang bulsa saka ngumiti kay Valkyrie. "Enjoy your vacation, Ma'am. Just in case you need something, there's a telephone in your cabin," masayang wika ng lalaki na nakasuot ng tuxedo. "Thank you," wika naman niya at nginitian siya. Ibinigay niya naman ang susi ni Valkyrie habang ang ilang mga guard na kasama niya naman ay binuhat ang kaniyang mga maleta. Sinundan naman niya ang isang lalaki dahil ihahatid daw nila ito sa kaniyang cabin. At isa lang ang masasabi niya, ito ay mala paraiso sa ganda. Ang buhangin dito ay kulay puti at sobrang linaw rin ng tubig dagat. Ang sarap daw tuloy maligo. May mga nagtataasan ding building ngunit marami rin namang mga puno rito. Sobrang kaunti lang din ang mga tao rito pero hindi niya ito puwedeng i-judge lalo pa at baka mamaya ay nasa cabin lang nila ang mga ito o kaya naman ay nagkakasiyahan lamang sa isang party o kung ano. Wala rin siyang nararamdamang masasamang titig o mapanghusga na mga mata. Kaya kahit kararating niya lang, parang gumagaan na ang kaniyang damdamin. Pagkarating niya sa kaniyang cabin ay mabilis niya itong binuksan ang pinto. Hindi rin siya makapaniwala na sobrang ganda ng interior ng hotel na pinuntahan niya at halos malula talaga siya sa ganda. Kaso bigla siyang natigil nang may nagsalita sa hindi kalayuan sa kaniya. Hindi niya man ito marinig nang maayos, alam niyang naglalandian ang mga ito. "Justin," malambing na wika ng babae habang ang lalaking nagngangalang Justin naman ay nakapamulsa habang naglalakad. Seryoso ang kaniyang mukha at hinayaan lang din niya yumapos ang babae sa kaniyang braso. Kaso natigil siya nang makita niya ang babaeng nasa hallway na may sampung maleta. "Miss," bati ng lalaki kay Valkyrie. Wala itong suot na damit sa itaas. Marahil ay balak nitong magpunta sa dagat para maligo. Maganda rin ang pangangatawan niya pero hindi attracted si Valkyrie sa lalaking ito kahit gaano man ito kaguwapo. "Kaya mo na bang buhatin iyan papasok sa cabin mo—" "Yes," pagpuputol ni Valkyrie sa lalaking gumulo sa kaniya. Ayaw niya kasing makipag-usap sa kung sino dahil wala siya sa mood. Saka kahit maganda naman sa isla, kailangan niya pa ring mag-ingat dahil hindi naman niya kakilala ang mga tao rito. Binuhat niya ang mga maleta niya at ipinasok ito sa kaniyang cabin. Hindi naman gumalaw ang lalaki habang nakatingin lamang nang seryoso kay Valkyrie na ngayon ay walang kahirap-hirap na binuhat ang mga ito nang isa-isa. "Justin, are you listening?" tanong ng babae kay Justin habang pinapanood si Valkyrie na ipinapasok ang kaniyang mga maleta. Nakita niya rin kung paano magulat ang lalaking nakipag-usap sa kaniya. Ngunit ipinagsawalang bahala niya iyon at lumingon sa babaeng kanina pa gumugulo sa kaniya. "You know what, Candy—" "Who the héck Candy is? My name is Lex—" "Champagne—" "What the fûck?" nalilitong wika ng babae at iniwan na lang basta si Justin. Ngunit imbis na mamoblema siya, nagkibit-balikat na lang ito at binuksan ang isang cabin na hindi gaanong kalayuan kay Valkyrie. Ngunit bago siya pumasok ay nilingon niya muna ulit si Valkyrie sa huling sandali. Isinara naman ni Valkyrie ang pinto ng kaniyang cabin at hindi na hinayaan pang magsalita ang lalaking iyon. Nakaramdam na kasi siya ng pagod at parang gusto na lamang niyang magpahinga muna. Kaya naman mabilis niyang ini-lock ang kaniyang pintuan bago ito magtungo sa bathroom para maligo. Balak niya rin kasing kumain muna dahil nakaramdam na naman siya ng gutom. Pero mas uunahin niya pa rin ang pagligo para kahit papaano ay makapag-relax siya. Lumabas siya sa kaniyang cabin habang buhat-buhat ang kaniyang cellphone. Once kasi na nagpunta ka na sa Love Island, libre na ang pagkain at inumin basta may invitation lamang ang pupunta roon. Kaya naman sinulit na niya ang kaniyang oras sa pagpunta sa nga restaurant doon para kumain. Bumungad sa kaniya ang mga tao sa restaurant na medyo malapit sa kaniyang hotel. Ilan sa kanila ay may partner. Ilan din sa kanila ay naglalampungan at dahil nga Love Island ito, hindi na dapat siya magulat. "Wala namang bago sa ganito. Free naman sila para gawin ang bagay na ito," bulong niya sa kaniyang sarili. "Pero sana sa sulok naman sila. Saka tanghali pa lang naman." Humugot siya nang malalim na hininga saka nag-order ng kaniyang pagkain. Hindi naman nagtagal ay dumating ang kaniyang order. Habang nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pagnguya, lumitaw ang chat ng kaniyang kaibigan na si Katniss. Katniss Romero: Nakarating ka na? How’s your first day? Napailing siya at inabot ang kaniyang cellphone para magtipa. Valkyrie Yañez: Great! Pero naninibago lang ako sa paligid dahil maraming naglalampungan. Inilapag niya ang kaniyang cellphone sa mesa at ipinagpatuloy naman ang kaniyang pagkain. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang pumasok ang grupo ng mga kalalakihan sa restaurant. "Ano ba, Justin? Hindi ka ba mamimingwit? Binigyan ka na nga namin ng isda kaso hinayaan mo lang?" natatawang wika ng kaniyang kaibigan. "She’s not my type," simpleng sagot lamang nito bago mapalingon sa pamilyar na babae, kay Valkyrie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD