CHAPTER 15 - THE NAME OF THE GAME

1161 Words
DIANE POV Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob ng opisina ni Christian "hey anong ginagawa mo dito?" ngumiti si Christian ng makita akong papasok ngumiti lang din ako "Bawal ko bang bisitahin ang boyfriend ko?" tanong ko sa kanya umiling naman sya at natawa "haha hindi naman, halika upo ka" lumapit sa akin si Christian at napatingin sa hawak hawak ko "p-pinagluto pala kita" nahihiya kong sabi sa kanya First time ko kasing gawin ito, ang ganitong trabaho-ang magpanggap bilang girlfriend. atsaka tulad ng sinabi nya, be yourself. At naisip ko na bakit hindi ko subukan? "Aw sweet naman ng girlfriend ko, thank you" nakangiti parin si Christian Hindi ko alam pero bigla akong natameme. Kinabahan din ako dahil sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Nakangiti lang naman sya eh. at isa pa, customer ko sya at isa pa kapatid sya ng ex mo na ngayon ay boyfriend ko na pero isang pagpapanggap lang. Pumunta kami sa living room at doon kumain, kumuha naman si Christian ng pinggan sa kusina at bumalik din agad "halika sabayan mo ako" sabi nya sa akin pero umiling lang ako "wag na, nakakain narin ako kanina eh" sabi ko habang binubuksan ko ang dala ko umiling naman sya "susubuan kita" pagpipilit nya pa at sumandok ng pagkain at itinapat sa akin ang kutsara "Christian" tawag ko sa kanya pero isinubo na nga nya sa akin ang kutsarang may laman na pagkain natawa naman sya sa reaksyon ko kaya kumuha din ako ng kutsara at sinubuan ko din sya "hhmmmm sarap" ngingiting ngiting sabi nya habang ngumunguya ilang minuto din kaming nagsusubuan ng bumukas ang pintuan "Christian!" tila ba na estatwa ako sa kinauupuan ko at hindi rin makagalaw Hindi ko naman kasing inaasahan na pupunta dito sila Carlo, Carol at Colbie. "Anong ginagawa nyo dito?" takang takang tanong agad ni Christian umupo naman agad sila sa couch na nasa harap namin habang nasa isang upuan naman umupo si Colbie, may dala dala naman si Carol at sinimulan na nya itong nilabas "makikisabay makipag lunch sa inyo, para naman makapag bonding tayo" sabi agad naman ni Carlo at napatingin sa akin tahimik lang naman si Colbie na nakikikain din sa niluto ko "Congrats ulet sa inyong dalawa at sana tumagal kayo, sana hindi pa huli ang pagbati ko" dugtong nya pa "Oh my god! kayo? kailan pa?" gulat naman na tanong ni Carol at napatingin sa aming dalawa ni Christian at kay Carlo naman pagkatapos para bang hindi nya inaasahan ang nangyari. Napatingin naman ako kay Christian ng magsalita ito "4 days ago" napalaki ang mata ko sa sinabi nya at na realize kong, apat na araw palang simula nung araw na binago namin ang kontrata at apat na araw palang nga ng maging kami ni Christian legally. we fix and signed the contract right? at eto ang gusto nya. "Palang?" bulalas naman ni Colbie "officially yes, pero 5 months din akong nanligaw right sweety?" halos natulon ko ang sarili kong laway hindi dahil sa sinabi nyang 5 months syang nanligaw sa akin kundi dahil sa tinawag nya akong sweety alinlangan naman akong napangiti ng saglit na napatingin kay Carlo na hindi ko ba alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang nakita kong nandilim ang paningin nya at nagtaging ang panga na halatang pinipigilan ang sarili "a-ah y-yes s-sweety" hindi ko mapigilang mautal pinilit ko paring subuan si Christian kahit na naiilang ako dahil nandito si Carlo, palaisipan parin kasi sa akin ang ginawa nya nung gabing iyon. Hindi ko alam kung bakit nya nasabing nagsisinungaling ako? O talagang gawa gawa nya lang iyon sinusubukan kung bibigay ako at sabihin sa kanya ang totoo? "my endearment to you are perfectly fit to you sweety cause your really are a sweetheart" mahinang bulong ni Christian sa akin Naiilang na talaga dahil pakiramdam ko may matang nakatingin sa gawi namin na handang pumatay, matalim kasi! Tsk! Pero paglingon ko naman sa gawi nya ay nakangiti sya at nakabaling ang tingin nya kay Carol "ang sarap mo talagang magluto honey" narinig ko pang sabi ni Carlo kay Carol Tsk! Hindi nalang ako umimik dahil ewan, naiinis ako na hindi na hindi ko alam kung ano talagang nararamdaman ko "so how about you too nagkabalikan pala kayo?" tila ba nagpantig ang taynga ko ng marinig ko ang tanong ni Christian kay Carlo Sino ba naman ang hindi? Saka interesado din akong malaman ang totoo kasi nga diba ang sabi sa akin ni Christian ay walang naging babae si Carlo doon sa America, tutok ito sa pag aaral at trabaho. Pero ano to ngayon?! Sila parin pala ni Carol! Tapos sasabihin na! Ay basta! "Hindi naman kami naghiwalay, binigyan lang namin ang isat isa ng space and now shes back at mas magiging mabuting boyfriend ako sayo honey" si Carlo na ang nagsalita habang sa huling sinabi nya ay nakatingin ito kay Carol "Aw hon" malanding sabi ni Carol este pa cute nyang sabi, nag beautiful eyes pa ito Bago ko pa makitang maghalikan ang dalawa ay humarap ako kay Christian "sweety i go na ha, alam ko kasing busy ka para magawa mo na at matapos ng maaga" mahinang sabi ko kay Christian, tapos narin naman kasi kumain at nag uusap nalang atsaka alam ko naman na busy sya kaya mabuti pang umalis na ako para matapos na nya ang ginagawa nya hinawakan naman nya ang kamay ko "Sure sweety samahan na kita" sabi din nya tumayo na ako pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan namin "Hindi na sweety kaya ko naman" nakangiting sabi ko, nakatayo din sya kaya lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng halik sa labi "Bye" paalam ko at lumabas na Hindi pa ako nakakalayo ng may tumawag sa akin "Wait Diane" paglingon ko si Carol ang nakita ko, patakbo itong lumapit sa akin hindi ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin sa kanya at tulad nga ng sinabi ko ay hindi kami close. Hindi rin magaan ang loob ko sa kanya at sya itong palaging nam bu-bully sa akin noon. At isa pa hindi ko rin nagustuhan ang sinabi nya sa akin few days ago! "I know were not that close and im not good to you either, sana maintindihan because i just really love Carlo thats why i act like a b***h but now wala na akong reason para maging masama sayo right, so friends?" sabi nya at nilahad pa ang kamay nya Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman akong reason para hindi tanggapin ang pakikipagkaibigan nya at isa pa NOON pa yon. Dati pa ang nangyari yun! kaya mabuti na sigurong kalimutan na ang nakaraan ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya "Friend" pero nagulat ako ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya "wag mo lang lalandiin si Carlo para okay tayo okay?" napaawang ang labi ko sa gulat at sinabi nya binigyan nya pa ako ng halik sa pisngi atsaka umalis hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD