DIANE POV
Nakabalik na kami sa pamamahay ng mga Carter-kinagabihan dahil pumunta pa kami sa SEC para maipasa ang bagong kontrata at maayos din ang legal process.
"sleep well Diane" hinatid naman ako ni Christian dito sa kwarto ko, ngumiti nalang ako dahil naiilang ako
hindi ako sanay na nakangiti si Christian at mabait sya sa akin dahil hindi naman sya ganito noon, hindi nga sya nagsasalita-kapag kailangan lang talaga pero tipid pa.
DIANE FOCUS!
ginagawa nya lang ito dahil sa kontrata
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nahiga sa kama dahil narin siguro sa pagod
Iniisip ko parin ang pagtatalo namin ni Christian kanina, ka simpleng bagay lang pero para sa akin big deal iyon! OO! dahil gusto ko hanggat maaari hanggat nasa trabaho ako, maging professional ako-hindi dapat ako magpadalos dalos ng emosyon ko! Pero ano?! Ang gusto ni Christian ay hayaan kong ipahayag ang nararamdaman ko?!
TSK!
dalawa lang naman ang gusto nya eh. Una ang magpanggap ng girlfriend nya sa loob ng anim na buwan
PANGALAWA ay hayaan kong i express ang nararamdaman ko at gawin ko ang gusto kong gawin
Madali lang ang una pero sa pangalawa doon ako mahihirapan.
"Ayoko ng peke na tao Diane, hindi yung porket tumatawa ako ay tatawa ka din, kapag sinabi kong umiyak ka iiyak ka talaga. Be yourself lang simple as that" naalala ko pang sabi saken ni Christian. napailing nalang ako
"so your Christian's girlfriend?"
napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng may nagsalita
tiningnan ko kung sino at hindi nga ako nagkamali na si Carlo ito. Nakasarado na ang pintuan at papalapit sya sa akin
"C-Carlo?!" tarantang bigkas ko
tumigil lang naman sya ng nasa harapan ko na sya, isang hakbang nalang siguro ang layo nya sa akin. Nakatingala ako sa kanya
"Are you?" para bang naniniguradong tanong nya
tumikhim muna ako bago buong lakas na sumagot
"OO" sagot ko
Pinipigilan ko din syang masaktan dahil galit na galit ako sa kanya! Akala nya nakalimutan ko na ang sinabi nya kanina lang kay Christian! Akala nya hindi ko narinig ang sinabi nya! Akala nya nakalimutan ko na ang ginawa nya four years ago?! Akala nya hindi ako nasasaktan!!!
ngumisi naman sya
"Liar"
maikling sabi nya, kung gaano kaikli ang sinabi nya ganon din kabilis ang galaw nya dahil sa isang iglap lang ay nasa ibabaw ko na sya
"a-ano?!" gutal kong tanong sa kanya
hinuhuli nya ang tingin ko, umiiwas naman ako dahil naiilang ako lalo pat nasa ibabaw ko sya at malapit ang mukha nya sa akin
napangisi nalang sya saka umalis sa ibabaw ko at umalis
ANONG NANGYARI?!
~
Apat na araw na ang lumipas simula nung gabing iyon-dalawang araw narin hindi umuuwi si Carlo samantalang si Christian naman ay naging busy sa work nya kaya uuwi lang sya para kumain, minsan matutulog nalang.
kami nalang palagi ni Colbie ang naiiwan dito pero kahit sya ay minsan ko nalang makita dahil palagi naman syang nasa shop nya
kaya heto ako at naisipan kong dalhan ng lunch si Christian, diba eto naman ang gawain ng mabuting girlfriend?
apat na araw na din naman kasi at feeling ko wala pa akong nagagawa, sayang ng oras.
"maam Diane" napalingon ako kay Lola ng tawagin nya ako. Simula kasi nung nalaman nilang girlfriend ako ni Christian ay iyon na ang tinawag nila sa akin at hindi nadin ako pinapakilos dito sa bahay nila pero dahil ayoko namang magpaka donya ay pilit parin akong tumutulong sa kanila
mabuti narin iyon para may magawa din ako at malibang
"po lola?" tanong ko, hinabol nya pa talaga ako
palabas na kasi ako sa bahay para mag abang ng taxi sa labas at makapunta sa kumpanya ng Carter Corporation
"Ihatid na po kayo ni Brandon" napalaki ang mata ko ng makita ko si Brandon na papalapit sa gawi namin
si Brandon ang personal driver ng mga Carter kapag may mga emergency
"Wag na po!" pagtanggi ko saka umiling iling "saka po sabi ko naman po sa inyo na Diane nalang po ang itawag nyo sa akin" dugtong ko pa
kakamot kamot naman sa ulo si Lola, napabuntong hininga naman ako
"Maam tara na po" napalingon kami ni Lola kay Brandon na nakalapit na ng tuluyan sa amin
"Wag na po kuya mag tataxi nalang po ako, kaya ko naman eh" tanggi ko ulet
aalis na sana ako ng may nagsalita naman sa likod na syang ikinagulat ko
"Anong nangyayari dito?" paglingon ko si Colbie lang pala, napatingin sya sa hawak kong paper bag
"pupuntahan mo si Christian? hatid na kita" sabi naman ni Colbie at kinuha ang hawak kong paper bag kahit hindi pa ako nakakapagsalita at lumakad na palayo
napakamot ako sa ulo at sinundan nalang si Colbie
COLBIE POV
Nandito na kami ni Diane sa sasakyan ko. Yung tipong alam nyo na gusto mo sya pero pinipigilan mo ang sarili mo dahil sa dalawang pinsan mo na may gusto din sa kanya
Hindi ko alam kung panong nangyari na naging sila ni Christian-kasi diba nga sya si Diane Sanchez ang girlfriend ni Carlo. Or let me say ang ex girlfriend ni Carlo.
AIXT!
Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan ko si Diane eh, siguro dahil parehas kaming malibog XD
haha siguro nga.
Dahil hindi maalis ang tingin ko sa kanya mula ng makita ko syang nagsasarili sa bus pa mismo na kung saan may taong pwedeng mahuli sya
I know im a player pero kay Diane iba ang nararamdaman ko sa kanya
"Uhm Colbie" napatingin ako kay Diane ng magsalita sya
Shit! Bakit ang ganda ng boses nya sa pandinig ko? Nang aakit ba sya?
"mag drive kana" inistart ko na ang makina dahil ilang minuto na siguro kami dito pero hindi pa kami umaalis
Nagdrive na nga ako
"kayo ba talaga ni Christian?" hindi ko maiwasang itanong habang nagmamaneho
ilang minuto lang ay sumagot sya
"oo"
Akala ko kaya sya hinanap ni Christian ay para kay Carlo. Alam ko kasi ang love story ng dalawa dahil close kami ni Carlo- wala ako sa pilipinas ng ilang taon dahil nag aral ako about sa mga computer sa america hanggang sa sinimulan ko ng magpatayo ng sarili kong computer shop
Meron din akong shop dito sa pilipinas na gamit sa mga computer-mga parts ng computer na pwedeng ipalit sa mga nasirang parts ng computer at pwede na din mismo magpaayos sa shop ko ng mga nasirang computer.
Dahil ayoko naman na nasa iisang lugar lang palagi kaya naisipan kong magpatayo ng sarili kong negosyo, maliit kung tingnan pero malakas ang kita.
Napabuntong hininga nalang ako
"Paano naman si Carlo?" hindi ko mapigilang itanong ulet
na syang pinagsisihan ko dahil hindi na umimik pa si Diane.
Ayoko ng makigulo pa sa kanilang magkapatid-I know may gusto ako kay Diane dahil sya lang ang babaeng nakilala kong kakaiba pero dapat ko na syang makalimutan
Dapat kong makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Makakalimutan ko din sya
Dahil nandito na din naman ako-bibisitahin ko nalang si Carlo. Mas close kasi ako kay Carlo kesa kay Christian hehe
"salamat Colbie ah" agad nyang sabi ng nasa harap na kami ng company at bababa na sana ng pigilan ko sya
"sabay na tayo, bibisitahin ko din si Carlo"
napatango naman sya, pagkababa ko ng sasakyan ay may mga bodyguard ang nakaabang sa amin, nakayuko pa sila ng konti
Hinagis ko nalang ang susi isa sa kanila at hinila na si Diane papasok. Lahat ng madadaanan namin ay bumabati sa akin at nag gi-give way at sumakay na kami sa elevator
"pano ba yan dito na ako" nakangiting sabi ko ng bumukas ang elevator at lumabas at humarap kay Diane
"s-salamat ulet" kumaway lang ako habang sumasara ang pintuan ng elevator
Napabuntong hinga nalang ako pagkasara ng elevator at napailing habang lumalakad sa opisina ni Carlo.
"Hey bro" bati ko kay Carlo, agad ko din namang nakita si Carol
eto pa tong babaeng ito, nandito nanaman para kulitin si Carlo! Pero teka, ngayon ko nalang ulet sya nakita aah. Saan kaya sya nagpupupunta?
"Hi Colbie" nginitian ko nalang si Carol ng binati nya ako at umupo sa couch
tiningnan ko silang dalawa
"Kayo na ba ulet?" takang tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay nagbreak silang dalawa
o hindi ba?
kasi mula ng sinundan ni Carol si Carlo sa america-pagkalipas ng isang taon ay hindi na ito nagpakita kay Carlo at hindi narin sya kinukulit pero ngayon heto nanaman sya
"n-nagpa m-miss lang ako Colbie kay Carlo" si Carol na ang nagsalita dahil busy si Carlo sa kakabasa ng mga papel pagkatapos ay pinipirmahan nya
Kawawa naman sila masyadong busy sa mga paper works. Tsk tsk
"na miss ka ba?" tatawa tawang tanong ko at umiling
alam naman nya kasing hindi sya gusto ni Carlo sinisiksik pa ang sarili!
Hindi ko din gusto si Carol eh, maarte kasi sya at talagang spoiled brat. Porke mayaman eh! Ibang iba sya kay Diane
"Colbie naman! alam kong namimiss din ako ni Carlo hindi nya lang pinapahalata" pati boses maarte eh!
Saka mangarap ka Carol! hahaha.
Humagalpak nalang ako ng tawa
"Stop it Colbie!" napatigil ako sa kakatawa ng magsalita si Carlo-nakakunot noo ito
napalunok nalang ako ng laway, eh sa nakakatakot kaya magalit si Carlo
"chill bro" taas kamay na sabi ko
init ng ulo eh!
napatingin naman sya kay Carol
"honey go make us some food, mag lu-lunch na oh" literal na napanganga ang bibig ko ng malambing itong nagsalita kay Carol
"sure honey" ngiting ngiti naman si Carol saka tumayo at binelatan muna ako bago pumunta ng kusina dito sa opisina ni Carlo
dali naman akong napalapit kay Carlo at agad na chineck kong may sakit ba ito o ano
"Colbie!" suway naman nya agad sa akin
"Bro what happened to you? bakit ganyan ka?" taranta kong tanong sa kanya
nakita ko naman syang ngumisi na syang ipinagtaka ko
"Nothing" ngising ngising sabi nya saka pinagpatuloy ang ginagawa nya
Tinatanong ko sya kung anong meron pero hindi naman nya ako sinasagot
"Carlo nandito pala si Diane-binisita si Christian" pagbalita ko kay Carlo ilang minuto na ang nakalipas habang ako dito ay nagbabasa lang ng magazine
Parang bahay na itong opisina ni Carlo eh. May kwarto, may kusina, may cr, at may luving room pa
"really?" ngiti ngiting tanong din nya
muli akong napalapit kay Carlo dahil kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa kanya, parang may kakaiba talaga na hindi ko matukoy kung ano
"may alam ka bang hindi mo sinasabi sa akin na dapat kong malaman?" pagkukulit ko sa kanya
nakatakod ang siko ko sa lamesa at ang mukha ko ay nakapatong sa dalawa kong kamay habang nakatingin kay Carlo, este sinusuri sya
"You'll see" nakangiti pa sya
"Ready na ang pagkain natin" lumapit na sa amin si Carol ilang minuto ang lumipas at naka apron pa sya ng hello kitty na pink
"Great thanks honey" nakangiting sabi naman ni Carlo at tumayo
napapailing nalang ako dahil naninibago ako kay Carlo ngayon