Hindi nakaligtas sa mga mata ni Nazaron ang bahagyang pag-urong ni Anemone nang makita siya sa loob ng VIP room. Inikot nito ang tingin sa kabuuan ng silid at isa-isang tinitigan ang mga tao sa loob. His friends were in attendance—Alpheus, Zeki, and Cazcoe. “Ano ang ginagawa ng mga iyan dito?” tanong ni Anemone kay Mayeng na malinaw niyang narinig dahil nakaupo siya malapit sa pintuan. “Ma’am, nakasalubong ko kanina sa baba si Mr. Altieri at nag-request akong samahan tayo sa pag-celebrate ng birthday ko. In-offer nila ang VIP room, tatanggi pa ba ako? Okay naman sa iyo, 'di ba Ma’am? Magkakilala naman kayo ni Mr. Altieri. Tinulungan ka pa nga niya sa event.” Namilog ang mga mata ni Anemone at hinila palapit ang assistant. “Kailan mo nakasalubong si Nazaron? Magkasama naman tayong dumati

