Nakita ni Nazaron ang mabilis na pagtalikod ni Mayeng pagkapasok na pagkapasok niya ng ARTemone. Pinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib at tinawag ang assistant ni Anemone. “Mayeng.” His voice was calm but his tone was oozing with authority and firmness. Nanigas ang likod ng babae at unti-unting umikot paharap sa kanya. “Sir Nazaron, oorder po ba ulit kayo ng hand-painted bags and purses ni Ma’am?” Pumalatak siya. “Stop acting. Wala nang customers. Alam ko ring wala rito si Ane.” “W-wala po ba?” He tsked and flipped the door signage from open to close. “Inimbitahan ni Señor Crisologo si Anemone para kumain sa labas. The old man wants her to join MNS. Crisologo is a good friend of mine so he told me about it most especially because he knows that I am to be informed about anything that i

