Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ni Nazaron habang nakatitig sa kawalan. Nasa opisina siya at naghihintay lang na magsimula ang quarterly management meeting. Nasa kabilang silid lang naman ang board room at dalawang tao pa ang hinihintay nila. Inangat niya ang kamay at sinipat ang relo. Late na ng limang minuto ang dalawang managers. Kagaya ng sabi niya kay Anemone, he wasn’t really forgiving. His employees even say he was cruel most of the time. Ang ayaw pa niya sa lahat ay ang nagde-delay ang meeting. Punctuality was very important to him. He hated wasting time. But today's different. He wasn't in the mood to be 'not-in-the-mood.' Pinindot niya ang extension line ng sekretarya. “Minerva, are we ready for the meeting?” Tumikhim muna ang babae pero nahuli pa rin niya ang pagkabalisa

