Hindi mapakali si Anemone, hawak niya ang kapirasong note pad kung saan nakasulat ang mensaheng nakaagaw ng atensyon niya. Nasa opisina siya ng kanyang shop. “I hope you take your art to other places for more people to see. Your art is as pure as your heart and it’s unfortunate that some eyes failed to see it sooner,” muli niyang basa. She pressed the note close to her chest. Bakit may pakiramdam siyang galing sa asawa ang mensaheng iyon? Sure Nazaron was never kind, he was never encouraging, he was always mean, and he would never be sweet. Pero sa kung anong kadahilanan ay ito ang naiisip niya. In her heart of hearts, she was silently wishing that the message was from him. Kahit hindi na sila magkasama sa iisang bubong, kahit hindi niya alam kung may kasama na itong ibang babae sa mga

